Chapter Thirty-two

1.4K 78 1
                                    

ANTOK na antok na si Champagne habang nakahiga sa sofa at kayakap si James. Nagpunta siya sa unit ng binata dahil kanina, pag-uwi niya sa apartment nila ay may nakadikit na sticky note sa labas ng pinto: Do not disturb. Busy at the moment. Sulat-kamay iyon ni Penelope.

Pero dahil matigas ang ulo, sumilip pa rin siya sa loob ng bahay. Nagsisi rin naman agad siya nang makita sina Penelope at Magnet na sobrang "busy" nga sa sahig habang parehong halos wala nang saplot sa katawan.

Naghikab si Champagne. "James, sa tingin mo, do'n matutulog si Magnet sa apartment namin?"

Natawa nang marahan si James. "Yes, sweetheart. Kaya kung ako sa 'yo, matutulog na ako at hindi na hihintayin ang tawag ni Penelope. Siguradong hindi pakakawalan ni Magnet basta-basta ang kaibigan mo."

Umungol sa reklamo si Champagne. "I can't believe na um-absent sa trabaho ang bruha na 'yon para kay Magnet. And I can't believe that she kicked me out of our house just to hook up."

Hinalikan siya ni James sa sentido. "Hey, don't be upset. Dito ka na lang sa 'kin matulog."

Bumuntong-hininga siya at tumango. Wala naman siyang choice kundi sa unit ni James matulog dahil kung nasa bahay pa nila si Magnet, magiging awkward para sa kanya ang marinig kung ano ang ginagawa nito sa kaibigan niya. Hindi naman soundproof ang mga kuwarto nila ni Penelope.

Bahagyang nawala ang antok ni Champagne—at naputol ang pagmumuni-muni—nang maramdaman ang mga halik ni James sa kanyang leeg. Dala siguro ng antok kaya hindi niya namalayang nakakubabaw na pala ang binata sa kanya.

Ah, iba na ang 'overnight' na iyon kompara noong unang beses na natulog siya sa unit ni James. Noong nakaraan kasi, kasama nila sina Brianna at Britanny. Pero ngayon, solo nila ng binata ang buong condo unit nito.

Pakiramdam ni Champagne ay lulundag na palabas ng dibdib ang kanyang puso nang maramdaman ang mga daliri ni James na nilalaro-laro ang butones ng suot niyang blusa habang hinahalikan ang kanyang tainga. Argh, ang sarap-sarap ng mga halik ni James pero hindi pa siya handa para sa bagay na iyon. Well, she was a virgin so she could not just give her precious gem to anyone out of lust, even if it was James.

Hinawakan niya ang kamay ni James na pinaglalaruan ang butones ng damit niya na parang humihingi sa kanya ng permiso. "Not tonight, James."

"No?"

"No."

"Oh. Okay, sweetheart."

Iyon ang isang bagay na gustung-gusto niya kay James. Kahit hindi pa niya ibigay ang bagay na alam niyang gustong mangyari ng binata, hindi siya natatakot na baka bigla na lang siya nitong iwan. Ni wala nga siyang nakitang paghihinanakit sa mukha nito matapos niyang tanggihan. It made her happy knowing that she could say 'no' to him and he would not leave her.

Naging sobrang maasikaso pa rin sa kanya si James nang gabing iyon nang pahiramin siya nito ng pajama at ipagamit ang kuwarto nito. Samantalang sa guest room naman natulog ang binata.

Paggising ni Champagne kinabukasan at paglabas ng kuwarto, sumalubong agad sa kanya ang mabangong aroma ng kape. Naabutan niya sa kusina si James na agad umaliwalas ang mukha nang makita siya.

"Good morning, sweetheart," malambing na bati nito. "Tingnan mo 'tong ginawa ko para sa 'yo."

Lumapit naman si Champagne sa kitchen counter kung saan may tasa ng kape na naghihintay. Nawala bigla ang antok sa sistema niya nang makita ang heart latte art sa ibabaw ng kape. It was adorable. "Aww... ang cute!"

"Nagustuhan mo ba?"

Nakangiting tumango siya, saka binalingan si James. "Ikaw ba ang gumawa nito?"

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now