Chapter Four

2.1K 64 0
                                    

NANG unang beses na nagpakalasing si Champagne ay noong naging official girlfriend ni Kingston si Elaine. She was twenty and busy with her thesis while Kingston was twenty-two and busy supervising the revamped Elixir Corporation, turning it from the former Mandarin Cola Corporation into a successful business of his own. But apparently, he was not too busy to get himself a girlfriend.

Wasak na wasak ang feelings ni Champagne noon. Nakikipag-date naman si Kingston noon sa ibang babae, pero alam niyang sex lang ang habol ng binata sa mga ito. Pero iba si Elaine.

Kompara sa mga babaeng idine-date ni Kingston noon, matino si Elaine. Ang problema nga lang sa babaeng iyon, malaki ang selos ni Elaine sa kanya kaya inutusan nito si Kingston na layuan siya. Ang magaling naman niyang best friend, sumunod. Ganoon kaseryoso si Kingston kay Elaine.

She was devastated then.

Mabuti na lang at kalaunan ay natauhan din si Kingston. Masyado kasing mahigpit si Elaine at ito ang nagmamando sa relasyon ng dalawa, kaya nagsawa rin ang binata. Pero in all fairness naman kay Kingston, sineryoso talaga nito si Elaine dahil kahit ito ang nakipaghiwalay sa dalaga, iniyakan pa rin nito ang babae. But he eventually moved on and regained his casanova title.

Pero iba ang kaso ngayon. Hindi lang basta seryoso si Kingston sa isang babae—magpapakasal na ito at bubuo ng sariling pamilya.

Tinungga ni Champagne ang alak sa mismong bote. Naramdaman niyang tumulo ang likido sa gilid ng bibig niya, pero wala na siyang pakialam. Ang totoo, unti-unti nang namamanhid ang kanyang mga labi, at ang ibang parte ng katawan. Sa dami ng hard drinks na naubos niya, malamang ay sumisipa na ang espiritu ng alak sa kanya.

"Isha pa, pleash," sabi niya sa bartender nang maubos na ang laman ng bote.

Gabe grinned. "You're already too drunk, Champagne. Sigurado ka ba?"

Pinanlakihan niya ng mga mata si Gabe. Ex-boyfriend ni Penelope ang bartender na ito kaya magkakilala sila. Kung may iba siyang choice, hindi siya pupunta roon. Pero ang bar na iyon ang nag-iisang bar na alam niyang nagpapatugtog ng jazz music na nakakapagpakalma sa kanya kahit paano. Saka malay ba niyang doon pa rin nagtatrabaho ang mokong na ito. "Isha pa!"

"Jeez, woman. Relax," natatawang sabi ni Gabe. Umalis ito sa harap ni Champagne at pagbalik ay dala na ang bote ng alak na hiningi niya. "Is Penelope going to pick you up? Hindi ka makakauwi mag-isa kung ganyan ka kalasing."

Inirapan niya si Gabe. Ito ang dahilan kung bakit naging pessimist sa love si Penelope, kaya wala siyang balak maging friendly sa lalaki. Lalong wala siyang balak bigyan ito ng clue kung kumusta na ang kaibigan niya, kung iyon ang balak nito sa pagbanggit kay Penelope. "Jush get me a hard drink, okay?"

Bumuntong-hininga si Gabe habang iiling-iling. "Babalikan kita, Champagne. Aasikasuhin ko lang muna ang ibang customer. Kung nasa trabaho pa si Penelope, ako na lang ang maghahatid sa 'yo pauwi. Matatapos naman na ang shift ko."

"May ibang susundo sa 'kin," pagsisinungaling ni Champagne. Balak sana niyang magpasundo kay Penelope pero dahil sa mokong na ito, hindi bale na lang. "Thanks na lang."

"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad, Champagne?"

Binigyan niya ng masamang tingin si Gabe. "Ginago mo ang best friend ko, Gabe. Kaya kahit mapatawad ka pa niya, ako, hindi. Never."

Ganoon yata kapag sinaktan ng kung sinong gago ang kaibigan mo. Mas galit ka pa kaysa sa kaibigan mo. At kahit napatawad na ng best friend mo ang tarantadong nanakit dito, ikaw hindi.

Ang kaibigan mo kasi, in love pa sa gago nitong ex. Pero ikaw, wala ka naman ni katiting na pagtingin para sa hayup na nagkatawang-tao kaya siguro mas galit ka pa kaysa sa kaibigan mo. Mapapatawad mo ang pagpapakatanga ng best friend mo, pero magiging overprotective ka naman.

Ngumiti lang si Gabe—ngiting parang malungkot—saka iniwan si Champagne para lapitan ang ibang customer na tumawag dito.

Good riddance.

Nang mapag-isa ay inilabas ni Champagne ang kanyang phone. Sa totoo lang, sinubukan niyang tawagan si Kingston kanina. Pero nang pindutin niya ang speed dial, wala siyang na-contact dahil binura na nga pala niya ang number ng binata. Sinubukan din niyang i-dial manually ang numero nito, pero dahil lasing na nga yata siya, nanginginig ang kanyang mga daliri kaya hindi niya iyon magawa nang tama. Isa pa, naghahalo-halo sa isip niya ang mga numero.

Pero naisip niya, may oras pa kaya si Kingston sa kanya? Mula nang maging busy ang binata sa pag-aayos ng kasal nito, halos hindi na siya kinukumusta maliban siguro sa paminsan-minsang text. Hindi gaya noon na kada oras yata ay magkausap sila.

Hindi na siya ang priority ng best friend niya. Magmumukha lang siyang tanga kung magpapasundo siya rito. Lalong nakakahiya kung kasama pa pala ni Kingston si Gypsy kapag nagkataon. Gets naman niya iyon kahit lasing siya.

Ibabalik na sana ni Champagne ang phone sa kanyang bag nang bigla iyong mag-ring. Muntik pa niya iyong mabitawan dala ng gulat. "Punyeta..."

Napatingin sa kanya ang bagong bartender na nagdala ng order niyang hard drink (nakaramdam siguro si Gabe na hindi niya ito gustong kaharap). Nang taasan niya ng kilay ang bagong bartender, ngumiti lang ito. Ibinalik niya ang atensiyon sa nag-iingay na cell phone.

She squinted at the screen. Unregistered number ang tumatawag sa kanya. Napabungisngis siya. Si Kingston iyon! Sinasabi na nga ba niya at kahit busy na ito sa nalalapit na pagpapakasal ay mami-miss pa rin siya nito at gugustuhing makita.

Pero gusto niyang makaganti kahit paano sa binata, kaya naisipan niyang pahirapan ito at pag-alalahanin nang konti.

Tinawag ni Champagne ang atensiyon ng bagong bartender, saka iniabot dito ang cell phone niya. "Pakishagot naman ang tawag na 'to, kuya. Pashabilashing na lashing na shi ShampeynMoralesh kaya shunduin na niya ako sa bar na 'to..."

"Okay po, Ma'am," magalang na sabi ng bartender, saka kinuha mula sa kanya ang phone.

"Very good," inaantok na sabi ni Champagne, saka iniyukyok ang ulo sa counter.

Kahit lutang at inaantok ang pakiramdam, alam pa rin naman niya ang nangyayari sa paligid. Iyon nga lang, hindi niya maimulat ang mga mata at maigalaw ang katawan ayon sa kagustuhan niya.

Aware siya nang dumating si Kingston pagkatapos ng mahabang sandali. Pabango pa lang ng binata, alam na alam na niya kaya mabilis siyang nakampante. Aware din siya nang buhatin ng best friend niya gamit ang malalakas at matitigas nitong braso. Aware pa rin siya nang maingat at dahan-dahan siya nitong iupo sa passenger side ng kotse.

Pero nang umandar na ang sasakyan, unti-unti na siyang nawalan ng sense sa mga nangyayari.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang Ibaजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें