Chapter Nineteen

1.4K 63 2
                                    

"IS YOUR offer still up?" wala sa sariling tanong ni Champagne kay James pagbalik niya sa tabi ng binata. Mabuti na lang at wala na ang mga babaeng nakapalibot dito kanina.

Akala ni Champagne ay hindi siya narinig ni James dahil sa lakas ng musika na pinapatugtog dahil hindi sumagot ang binata. Kaya nagulat pa siya nang hawakan nito sa siko at marahang hilahin palayo sa party. Hanggang mayamaya lang, natagpuan na lang niya ang sarili sa loob ng sasakyan na minamaneho ng binata paalis.

Ngayon niya kailangan ng distraction kaya naiinis siya kay James na ngayon din piniling maging tahimik at iparamdam sa kanya ang hinanakit.

"Alam kong galit ka," pagbasag ni Champagne sa katahimikan. "I'm sorry, okay?"

"You should be," sabi ni James na may hinanakit sa tono. "Sana inilagay mo sa ads mo na hindi lang pala rebound boy ang hanap mo kundi carbon copy ng best friend mo. Eh, di sana, hindi ako nainsulto na ginagawa mo lang pala akong literal na kapalit ng ibang lalaki."

Nakakakilabot. Hindi nagtataas ng boses si James pero parang may asido ang boses nito dahil nakaramdam siya ng takot sa binata.

"What's wrong with that? I-I just want another Kingston in my life because... I-I want to get him out of my system," katwiran naman ni Champagne sa basag na boses. "Gusto ko lang namang mag-move on..."

"You call this 'moving on?'" nang-iinsultong tanong ni James, nagtatagis ang mga bagang. "Sige nga. Sabihin mo sa 'kin kung paano nakakatulong sa pagmu-move on mo ang makasama ang isang lalaki na ginagawa mong replica ng taong dapat ay kinakalimutan mo na? Nakakausad ka ba sa tuwing bibihisan at popormahan mo ako na parang si Kingston? O kapag ginagawa natin 'yong mga bagay na madalas ninyong gawin noon? Tell me. Gaano kalayo na ba ang nai-move on mo?"

"Hardinero ka ba, Mr. Grande? Ang hard mo kasing manghusga!" umiiyak nang sigaw ni Champagne. Paano, lahat ng sinabi ni James ay masakit dahil totoo. "Akala ko makaka-move on ako kapag may pumalit na bagong Kingston sa buhay ko, eh. I thought I had already taken a step forward because I was happy whenever I was with you. 'Kala ko 'yon na 'yon, na nakaka-move on na ako kaya nga ang lakas ng loob kong magyaya sa party na 'yon, 'di ba?

"Naka-one step forward na 'ko, eh. Pero no'ng nakita ko silang magkasama, putcha, napa-two steps backward ako bigla. Hindi pa pala ako handang makita sila. Hindi ko pa pala kaya. Mahirap na ngang makita 'yong taong mahal mo habang nagmu-move on ka. Pero mas mahirap pa pala 'yong makita siyang masaya sa iba."

Hindi na napigilan ni Champagne na umiyak na parang bata. Narinig niyang bumuga ng hangin si James, pagkatapos ay iniabot sa kanya ang panyo nito. Tinanggap naman niya iyon at siningahan dahil pakiramdam niya, hindi siya makakahinga dahil sa lintik na sipon niyang sumabay sa pagpatak ng kanyang mga luha.

"Ikaw na nga mismo ang nagsabi," patuloy ni Champagne sa basag na boses. "Lahat ng gagawin ng mga martir at masokistang tulad ko, puro katangahan na maituturing. Alam kong nasaktan ko ang feelings at pride mo, Mr. Grande. Hindi ko naman sinasadya. Kaya sana, mapatawad mo pa ako."

Hindi kumibo si James. Alam ni Champagne na nang mga sandaling iyon, nawala na rin sa kanya ang bago niyang kaibigan.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now