Chapter Thirty-four

1.5K 75 0
                                    

NASA balkonahe si Champagne. Gaya ng obserbasyon niya kaninang umaga, nakaharap nga sa Pacific Ocean ang balkonahe. It was a lovely view for a lovely evening. The sparkling water and the island lights were dream-like, a scene pulled out of a fairy tale book.

Pero hayun siya at hindi mapalagay.

Nang umihip ang malamig na hangin ay nanayo ang mga balahibo niya sa katawan. Kasalanan iyon ng suot na manipis na nightie. Disente naman ang haba niyon at natakpan ang dapat matakpan sa kanya. Pero hapit iyon sa katawan niya kaya masyadong bakat ang kanyang dibdib. Kung titingnan siya, parang hinihiling talaga niya kay James na may mangyari sa kanila.

Masasakal kita pagbalik ko, Penelope!

Ang magaling kasi niyang kaibigan, pinakialaman pala ang kanyang maleta. Pinalitan nito ng nightie (na regalo raw nito sa kanya) ang pajama niya. May iniwan pang note ang bruhang kaibigan sa kanya: "Have fun!"

Well, inaasahan naman ni Champagne ang mga posibleng mangyari sa kanila ni James sa pagsama niya sa islang iyon. Hindi naman na siya ganoon kainosente para isiping hindi nag-iisip ng kung ano ang binata ngayong sa iisang kuwarto lang sila matutulog ngayong gabi.

He loved her genuinely. But he was still a man.

Napabungisngis si Champagne sa kanyang mga iniisip. Noong unang beses na nakita niya si James, asar na asar siya sa binata. Nakukulitan kasi siya rito. Pero kalaunan, naging magkaibigan sila. Kahit minsan ay masakit itong magsalita, malaki naman ang naitulong sa kanya.

Sino ba ang mag-aakala na aabot sila sa ganoon?

Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ni Champagne na magmamahal siya ng ibang lalaki bukod kay Kingston. Hindi rin naman talaga siya humingi ng bagong mamahalin. Basta na lang dumating si James na hindi niya magawang itaboy sa buhay niya.

Bakit pa, kung wala namang ibang ginawa si James kundi ang mahalin siya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Champagne na napakabilis nahulog ng loob niya kay James gayong akala niya, si Kingston na ang una at huling lalaking mamahalin niya.

Naniniwala na siya na hindi nadadala ng iksi o haba ng panahon ng pagkakakilala ng dalawang tao ang pag-usbong ng pag-ibig. Puwede siguro na sampung taon mo nang kilala ang isang tao, pero ngayon mo lang siya matututunang mahalin. Posible rin na kahapon mo lang nakilala, pero alam mo sa puso mo na espesyal ang taong iyon.

Siguro kapag na-in love ang puso, wala iyong kikilalaning oras o panahon.

Ah, mukhang kailangan niyang humingi ng sorry sa isang nilalang na halos isumpa niya noon.

"Hey, sweetheart."

Nahigit ni Champagne ang hininga nang yakapin siya ni James mula sa likuran. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at ipinatong ang baba sa kanyang balikat. Ah, sa init ng katawan ng binata, hindi na tuloy siya nilalamig.

"Ang lamig ng balat mo, Champagne," iiling-iling na sabi ni James. "Bakit hindi ka pa pumasok sa loob? O nagdala ka sana ng jacket."

Napangiwi si Champagne. Oo nga, nakalimutan niyang may jacket siyang dala. Hinayaan pa tuloy niya ang sariling manigas sa lamig habang nagmumuni-muni.

"Natatakot ka ba sa 'kin, Champagne?"

Nagulat siya sa tanong ni James kaya nilingon niya ito. Bakas sa mukha ng binata ang pag-aalala. "Bakit naman ako matatakot sa 'yo?"

"You know why, sweetheart."

Nag-init ang kanyang mga pisngi, saka umiling. "Hindi ako natatakot sa 'yo, James." Pumihit siya paharap sa binata. "May iniisip lang ako."

"'Want to share it with me?"

Napangiti si Champagne habang iiling-iling. "I think Cupid deserves an apology from me."

Kumunot ang noo ng binata, pero hindi nawala ang ngiti. "Cupid, as in the little winged-guy? Na may diaper at panang dala?"

Natawa siya sa description ni James kay Cupid. "Oo, siya nga."

"Ano'ng kasalanan mo kay Cupid? Pati ba naman batang naka-diaper, minumura mo?" tanong ng binata na halatang nagbibiro at nang-aasar lang.

Kinurot niya si James sa tagiliran na ikinasinghap nito. "Paano mo nalamang minura ko si Cupid?"

Natawa ang binata. "Lahat naman yata ng nagmahal, namura na 'yong batang 'yon."

Natawa rin si Champagne. "True. Galit na galit ako sa kanya kasi nagmintis 'yong tira niya. Ako lang ang tinamaan. Pero ngayon, naisip ko na baka no'ng pinana niya 'ko, ikaw 'yong sunod na tinamaan. Kaso, may Kingston at may evil ex-girlfriend na nakapagitan sa 'tin noon kaya hindi natin nakita agad ang isa't isa.

"Siguro matagal nang may nakabaon na same arrow sa mga puso natin; 'yon ang symbol na tayo talaga ang dapat magmahalan. Kaya no'ng nagkita tayo, tumalab agad 'yong love potion ng pana kaya na-in love agad tayo sa isa't isa."

Ipinulupot uli ni James ang mga braso nito sa baywang niya at kinabig siya palapit sa katawan nito. Nakakasilaw ang ngiti nito. "Gusto ko ang teorya mong 'yan, Miss Morales."

Ikinulong ni Champagne ang mukha ni James sa kanyang mga kamay at tumingkayad para bigyan ito ng halik sa mga labi. "Maniwala ka, Mr. Grande. Totoo ang teoryang ito."

Ngumisi lang si James at tinugon ang mga halik niya. Nang lumalim iyon nang lumalim, binuhat na siya ng binata papasok sa kuwarto. Sinipa nito pasara ang pinto ng balkonahe. Hanggang sa mayamaya pa, nasa kama na sila. Nakakubabaw ito sa kanya.

James kissed her hard, his hands wandering along her body, barely touching parts that she had not allowed him to touch yet. She could feel his strong need and desire in his kisses, in his touch, and in the way he rubbed his body against her.

Pakiramdam ni Champagne ay inaagaw ang hininga niya sa bawat galaw ni James.

Biglang uminit ang kanyang buong katawan gayong kanina ay halos manigas na siya sa lamig.

Pinutol ni James ang halik. Hindi nito inalis ang tingin sa kanya. His eyes showed intense love and desire at the moment while his fingers were busy playing with the ribbon on her nightie.

"Sweetheart..."

Humugot ng malalim na hininga si Champagne. Isang tingin lang sa mga mata ni James, alam niyang handa na niyang isuko rito ang lahat. Bakit? Kasi mahal niya, eh. At sigurado siyang mahal din siya. Nasa tamang edad na rin naman sila. At higit sa lahat, choice niya iyon.

Pakiramdam niya, iyon ang pinakatamang paraan at panahon para iparamdam naman sa binata ang buong pagtanggap niya sa pagmamahalan nila.

Hinawakan ni Champagne ang kamay ni James na pinaglalaruan ang ribbon ng kanyang nightie na para bang gustong hilahin. "Yes."

"Yes?" nakangiting paniniguro ni James.

Tumango siya, napangiti na rin kahit kinakabahan dahil well, first time niya. "Yes."

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now