Chapter Eighteen

1.4K 65 5
                                    

GALIT si James, ramdam iyon ni Champagne sa bawat hibla ng pagkatao niya.

Hindi naman talaga niya sinasadya. Sampung taon niyang kaibigan si Kingston kaya ang taste nito sa pananamit, na-adapt na niya. Kaya nang tulungan niya si James na bumili ng isusuot para sa gabing iyon, dala-dala pa rin niya ang taste ni Kingston.

Even the hairstyle and the accessories she had given James, they were all inspired by Kingston.

Hindi naman niya akalain na magiging sobrang eksakto ang porma nina James at Kingston nang gabing iyon. Mabuti na lang at parehong 'cool' ang dalawang lalaki sa biro ng ibang mga bisita na para daw kambal ang dalawa. May nagbiro pa nga na baka malito si Gypsy kung sino ang fiancé nito. Muntik na niyang itulak sa pool ang nagsabi niyon.

Nakangiti at polite pa rin naman si James nang gabing iyon pero may nagbago rito. Nawala ang kislap ng kapilyuhan sa mga mata ng binata. Gentleman pa rin naman ito, pero nawala na ang playfulness. Umaarte pa rin ito na parang Mr. Perfect sa pag-aasikaso sa kanya, pero para nang robot kumilos. Pero siyempre, siya lang ang nakakapansin niyon.

Alam ni Champagne na para sa mga babaeng malalagkit ang tinging ibinibigay kay James ay Mr. Perfect ang binata. Iyon naman talaga ang lalaki. Pero ngayong nawala rito ang sigla na nakasanayan niya, hindi niya maiwasang isipin na hindi na ito kasimperpekto gaya ng gusto niyang mangyari; sa kabila ng katotohanang ginagawa lang nito ang inaasahan niya rito.

Nangingilo siya sa ikinikilos ni James kaya nag-excuse siya at sinabing gagamit ng banyo para lang makaiwas sa binata. Ngumiti ito sa kanya, pero hindi iyon umabot sa mga mata. Nakakailang-hakbang pa lang siya palayo ay 'inatake' na ng mga babaeng iyon ang date niya. Mukha namang enjoy na enjoy ang kumag sa atensiyong nakukuha.

Habang naghuhugas si Champagne ng mga kamay sa lababo, hindi niya naiwasang maalala ang puno ng hinanakit na tinging ilang ulit ibinigay ni James sa kanya. Nang mga sandaling iyon, alam na niya kung ano ang iniisip ng binata kaya nakokonsiyensiya na siya.

All she wanted was a replacement for Kingston—a Mr. Perfect like he was to her.

Alam ni James na rebound relationship lang ang habol niya rito. Pero hindi niya nasabi sa binata na bukod doon, gusto rin niya ng 'carbon copy' ni Kingston.

Punyeta. Parang ang sama-sama ko naman.

At parang biglang inabutan ng malas si Champagne dahil paglabas ng banyo, nasalubong naman niya si Gypsy.

Act normal, act normal, parang mantrang sabi niya sa isipan.

Siyempre, bago nagpunta roon ay nakondisyon na niya ang sariling maging normal sa harap nina Kingston at Gypsy. Pero hindi niya naihanda ang sarili sa paghaharap nila ni Gypsy.

Pilit na ngumiti si Champagne. "Hi, Gypsy."

Ngumiti ang babae na lalong nagpaganda rito. "Hello, Champagne. Kanina pa kita hinahanap. Can we talk?"

Awkward.

Pero ayaw namang maging bastos ni Champagne sa fiancée ng best friend niya kaya pinaunlakan niya ang alok nito. Ilang sandali pa, natagpuan na niya ang sarili kasama si Gypsy sa patio ng mansiyon kung saan silang dalawa lang ang naroon.

"Matagal na kitang gustong ma-meet in person, Champagne," nakangiting sabi ni Gypsy, sa wakas ay binasag na ang katahimikan sa pagitan nila. "Pero dahil sa busy sched ko recently, hindi ko nagawa 'yon. Hopefully, this time, we'd have a lot of time in getting to know each other."

Hindi alam ni Champagne kung ano ang iniisip o pinaplano ni Gypsy at sobrang bait nito sa kanya, kaya tumaas ang depensa niya. "Hindi ba masyado na tayong matanda to form a forced friendship? Hindi naman por que mag-best friend kami ni Kingston ay kailangan na rin nating maging BFFs."

Namula ang mukha ni Gypsy na parang napahiya. Pero nanatili itong nakangiti. "I just want to be friends with you because you sound like a good person, Champagne. Madalas kang maikuwento sa 'kin ni Kingston. You are his best friend. And because you are important to him, I want to be close to you as well."

Mukha namang mabait talaga si Gypsy, kaya binawasan ni Champagne ang pagmamaldita. "Why, Gypsy?"

Doon umaliwalas ang mukha ng babae na para bang excited ito sa sasabihin. "Kingston and I have talked about this before. Ang sabi niya, ako na raw ang magtanong sa 'yo, kaya nga gusto kitang makausap ngayon. Champagne, we'd love you to be the maid of honor at our wedding."

Punyeta. Nang-aasar ba ang babaeng 'to? "Bakit ako?"

"I don't have a sister, or a close female cousin. And obviously, I don't have a best friend," malungkot na sagot ni Gypsy. "Saka gusto ni Kingston na maging malaking part ka ng kasal namin. Kaya naisip ko na kung papayag ka, I want you to be my maid of honor."

Okay, naiinsulto na ang pagkababae ni Champagne. Alam niyang siya na ang lumalabas na bitch sa kanila ni Gypsy, pero nasasaktan na siya, eh.

"Is that your way of saying na hindi ka nate-threaten sa closeness namin ni Kingston? Gypsy, ten years na kaming magkaibigan ng fiancé mo. Hindi mo ba naisip na baka... na baka minsan, naging higit pa kami do'n?"

Walang katotohanan sa mga gustong ipahiwatig ni Champagne. Pero gusto niyang galitin si Gypsy dahil hindi niya gusto na siya lang ang bitter sa kanilang dalawa. They said misery loved company and right now, she could attest to that.

"I trust Kingston," mariing sabi ni Gypsy, napuno ng determinasyon ang mga mata. "Everytime he talks about you, I could feel love and respect in his voice. He thinks highly of you, Champagne. Hindi si Kingston ang klase ng tao na hahayaang sirain ang relasyon niya sa mga taong mahalaga sa kanya at nirerespeto niya nang husto. You of all people should know that."

Siyempre, alam ni Champagne iyon. May malaking respeto sila ni Kingston sa isa't isa, lalo na sa kanilang pagkakaibigan. Kaya siguro kahit in love siya sa binata ay wala siyang ginawa sa damdamin niya dahil alam niyang wala iyong patutunguhan. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit imbes na ipagtapat ang feelings niya kay Kingston ay pinili na lang niyang tahimik na mag-move on.

"Hindi mo ba ako pinagseselosan, Gypsy?"

Dumaan ang pag-aalinlangan sa mukha ni Gypsy, pero mabilis din itong naging kalmado. Nakakatawa na kahit aktres ito at magaling umarte ay hindi itinatago ang nararamdaman sa kanya.

"Kingston never made me feel that I have something to be jealous about you, Champagne. Plus, I respect your friendship. Magkaibigan na kayo ni Kingston bago pa ako dumating sa buhay niya. May lugar ka sa puso niya na hindi ko maaabot at tanggap ko 'yon. Hindi naman por que ikakasal na kami ay may karapatan na akong ilayo sa kanya ang best friend niya dahil lang nakakaramdam ako ng selos minsan."

Gypsy was too good to be true. Mas madali sana para kay Champagne kung maldita ito gaya niya. Mas madali itong kamuhian, mas madaling isisi rito ang sakit na nararamdaman niya, at mas madali sana kung kinausap siya nito para sabihing layuan na si Kingston.

Pero hindi. Gyspy had to be nice and make her feel like a bitch.

Bakit nga ba uli siya nagpunta sa party na iyon?

Dumaan ang pagkataranta sa mukha ni Gypsy. "Champagne, why are you crying? Have I said something that offended you? I'm sorry. I'm so sorry."

Umiling si Champagne at pilit na ngumiti habang maingat na pinupunasan ang kanyang mga luha gamit ang mga daliri. "I'm fine, Gypsy. Tears of joy lang 'to. Masaya ako kasi mabuting babae ang pakakasalan ni Kingston. Nakapasa ka sa test. Aprubado ka na para pakasalan ang best friend ko."

Napasinghap si Gypsy, itinakip pa ang mga kamay sa bibig. "Test? You were testing me?"

Tumango si Champagne, itinuloy na lang ang kasinungalingan niya. "Yes. To be honest, akala ko bitch ka na nagpapanggap lang na mabait. Pero ngayong nakita ko na ang ikaw sa likod ng camera at kahit wala si Kingston sa paligid, na-confirm ko nang mabait ka. So you passed the test."

Impit na tumili si Gypsy, pagkatapos ay niyakap si Champagne. "I'm glad I passed the test. Thank you for your approval, Champagne. This means a lot to me. Lalo na kay Kingston."

Ngumiti lang si Champagne, hindi makontrol ang pagpatak ng mga luha. She lost her best friend to a beautiful and very kind woman. Ang sakit-sakit palang tanggapin na ang taong ipinalit sa iyo ng taong mahal mo ay nakakahigit sa iyo sa lahat ng aspeto.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now