Chapter Five

2K 77 2
                                    

NANG unti-unting nagkamalay si Champagne, unti-unti na ring sumuot sa pakiramdam niya ang matinding sakit ng ulo. Damned hangover.

Ang init din ng pakiramdam niya kaya bumangon siya para tanggalin ang suot na bra. Hindi siya komportableng matulog kapag may bra. Pakiramdam niya, hindi siya makahinga, lalo na at may kalusugan pa naman ang kanyang mga dibdib.

Nang nakahinga na nang maayos, patagilid siyang humiga. Pero hindi rin siya nakabalik sa pagtulog dahil may naamoy siyang hindi kanais-nais na amoy. Iminulat niya ang mga mata at sumalubong sa kanya ang mantsa ng suka sa suot niyang blouse. Napaungol siya. Paborito niya ang top na iyon kaya hindi iyon puwedeng hayaan na lang nang ganoon.

Kaya kahit mabigat ang katawan at antok na antok pa, tumayo si Champagne at dumeretso sa pintong nakita niya sa kuwarto. Malamang ay banyo iyon, at tama naman siya.

Pagdating sa loob ay nakapikit niyang tinanggal ang mga butones ng blusa bago iyon hinubad at inilagay sa lababo. Binuksan niya ang gripo. Balak niyang kusutin ang blusa. Pero naantala ang kanyang gagawin nang makaramdam ng panlalamig. Noon niya naalala na tinanggal nga pala niya ang bra kanina kaya wala nang takip ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. Dapat siguro ay magpalit muna siya ng pantulog bago maglaba...

Natigilan si Champagne sa pagmumuni-muni nang mapansing hindi pamilyar sa kanya ang lababo. Lalong hindi ang malaking salamin sa harap niya. Noon lang tila bumalik ang kanyang huwisyo.

Wala siya sa kanyang apartment.

Parang pelikula na naka-fast forward ang pagdagsa ng mga huling alaala bago siya nakatulog. Nasa bar siya, naglalasing, tinawagan siya ni Kingston at nagpasundo siya sa binata. Pero sigurado siyang hindi ganoon ang hitsura ng banyo sa condominium unit ng best friend niya.

Nakaramdam ng panlalamig si Champagne nang sa wakas ay nagising na ang buong sistema niya. Nakarinig siya ng lagaslas ng shower kung saan isang kurtina lamang ang pagitan nila ng kung sino mang nasa likod niyon. Hindi siya nag-iisa roon!

Punyeta! Sino'ng sinamahan ko?!

Kakaripas na sana ng takbo si Champagne, pero natigilan siya dala ng takot nang biglang namatay ang tunog ng shower kasabay ng mabilis na paghawi ng kurtina. The moment she turned around, she was greeted by a naked man with long brown hair and piercing dark eyes... that darted down her bare chest.

Habang ang mga mata naman niya, nagkaroon ng sariling isip at bumaba rin ang tingin sa ibabang bahagi ng katawan ng lalaki. Mahirap na hindi pansinin kapag may mahaba at malakingbagay sa harap ng isang babaeng tulad niya.

Punyeta! Gano'n pala ang hitsura n'on sa personal!

Napasinghap si Champagne nang ma-realize kung ano ang ginagawa niya. Mabilis na tinakpan niya ng mga braso ang kanyang dibdib. Akmang sisigaw na siya, pero nag-angat ng tingin sa mukha niya ang hubad na lalaki at nang magsalubong ang kanilang mga tingin, nakita niya ang pagdaan ng pagkataranta sa mga mata nito.

"Don't scream," malumanay na sabi ng lalaki, itinaas pa ang mga kamay na tila tanda ng pagsuko. "Wala akong gagawing masama sa 'yo."

Don't scream?! Babae siya kaya natural lang na hindi niya napigilang tumili nang pagkalakas-lakas, saka kumaripas ng takbo. Kaso, hindi nakisama sa kanya ang katawang mabigat pa rin. Kaya hayun, nakakailang hakbang pa lang ay dumulas na ang kanyang mga paa sa sahig. Pagbagsak niya nang malakas ay napuruhan ang kanang braso niya.

Sa pagkakataong iyon ay napasigaw siya dahil sa sakit.

Punyeta...

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaWhere stories live. Discover now