Chapter Twenty-four

1.4K 71 9
                                    

CHAMPAGNE loved James' friends.

Kanina ay nag-dinner sila ng binata sa isang sosyal na restaurant kung saan umagaw siya ng atensiyon dahil marahil sa kulay ng kanyang buhok. Nailang siya, oo, pero nakasanayan din dahil positibo naman ang nakikita niya sa reaksiyon ng mga tao—lalo na sa reaksiyon ng mga lalaki.

Buong buhay niya ay noon lang yata siya nabigyan ng malagkit na tingin nang mahigit sa dalawang lalaki. Even the waiter looked at her like he was checking her out.

Wow. Nakakataas ng self-confidence bilang babae ang atensiyong nakukuha niya.

"Hindi naman pala masama ang total makeover paminsan-minsan," nakangiting sabi niya kay James nang kumakain na sila.

Ngumisi naman ang binata. Mula nang sunduin siya nito sa apartment at makita siyang todo makeup at suot ang bagong dress at stilletos na binili para sa kanya, hindi na naalis ang kislap sa mga mata nito.

"Maganda ka naman talaga, Champagne. Pero mas gumaganda ka kapag nakaayos ka nang ganyan. But still, favorite ko pa rin kapag bagong-gising ka lang at wala pang makeup. Best face ever."

Natawa nang mahina si Champagne. Pero dahil sa pambobola ni James, aaminin niyang bumalik ang self-esteem niya na nawala nang masawi sa pag-ibig. She felt wanted and desired now, and it was a good thing because she started to care about her looks again.

Well, hindi totoo na ang physical appearance ang pinakamahalagang bahagi ng isang pagkatao. Pero malaking bahagi pa rin iyon kaya walang masama kung pipiliin niyang maging vain.

"Isa sa pinaka-effective na paraan para maka-move on is to feel good about yourself again," sabi ni James mayamaya. "Minsan kasi, kapag hindi ka nagawang mahalin ng taong mahal mo, iniisip mong kasalanan natin. Na hindi ka sapat. Na may kulang sa 'yo. O kaya dahil pakiramdam mo, ang pangit-pangit mo."

Tumangu-tango si Champagne. Ganoon nga ang naramdaman niya noon.

"Mali 'yon," sabi ni James, umiiling-iling. "Wala kang kasalanan kung hindi ka niya minahal. Puwedeng bulag lang siya. O, puwede ring hindi lang talaga siya deserving sa pagmamahal mo. Kahit hindi ka sapat sa kanya, siguradong may isang tao d'yan na magiging sobra-sobra ka pa para sa kanya balang-araw."

"Talaga? Baka china-char mo lang ako, ha."

Natawa si James, saka umiling. "Hindi kita 'china-char'." Wow, the way he made a quote in the air using his fingers was adorable. "Kung hindi ka minahal ng taong mahal mo, love yourself. Love yourself until the right person comes."

Nabusog si Champagne, hindi lang dahil sa masarap na pagkain, kundi lalo na sa 'lesson number one' ni James tungkol sa pagmu-move on.

Pagkatapos nilang mag-dinner ay dinala siya ni James sa isang malaking mansiyon sa Forbes Park. Pupunta raw sila sa bahay ni Magnet, ang best friend nito na kasalukuyan daw nagpapa-party dala ng boredom.

Pagdating nila sa malaking bahay, sinalubong agad sila ng malakas na musika at maraming bisita na nagsasayaw sa loob. Hinawakan ni James ang kamay niya at iginiya paakyat sa second floor, papunta sa 'playroom' umano ni Magnet.

Doon, walang malakas na musika. Sa halip, may isang guwapong lalaki na mukhang malungkot ang tumutugtog ng piano. Hindi pamilyar kay Champagne ang tinutugtog nito, pero malamyos iyon sa pandinig. Kasinlungkot ng mga mata ng lalaki.

"That's Note," bulong ni James nang mapansin nito na nakatitig siya sa lalaking nagpa-piano. "He's an aspiring musician. But right now, he's brokenhearted."

Dumako naman ang tingin ni Champagne sa babaeng nakaupo sa sofa at nag-iisang nakatitig kay Note na tumutugtog ng piano. Mukha ring malungkot ang babae.

"And that's Stacy," bulong uli ni James. "Note's best friend. Dumadaan sa malaking pagsubok ang pagkakaibigan nila kaya huwag na lang natin silang istorbuhin sa ngayon."

Sa pagkagulat ni Champagne, ipinalupot ni James ang isang braso nito sa baywang niya at iginiya sa pool kung saan may dalawang guwapong lalaki rin ang naglalaro naman ng billiards. Magkamukha ang dalawa, lalo na sa blond na buhok at asul na mga mata, pero hindi naman kambal. She could tell that the taller one was younger.

Ipinakilala ni James ang dalawa bilang sina Flynn at Fern, o 'Fletcher Brothers' kung tawagin ng binata. Magkaibang-magkaiba ang ugali ng magkapatid dahil si Flynn ay sobrang daldal. Samantalang si Fern naman ay puro tango at iling lang.

Nang malaman ni Champagne na malapit sa edad niya sina Flynn at Fern ay nakahinga siya nang maluwag. Akala kasi niya ay puro kaedaran ni James ang barkada nito. "Hay, 'buti naman at may ka-generation ako dito," biro niya.

Natawa sina Flynn at Fern, pagkatapos ay binigyan ng tango si James na napangiti naman.

Nakilala rin ni Champagne ang dalawa pang babae sa malaking kuwarto—ang kambal na sina Emerald at Emily. Naglalaro ng darts ang mga ito at sa nakikita ni Champagne, parehong malakas ang personalidad ng dalawa. Sabay siyang pinagtaasan ng kilay ng mga ito, pero imbes na ma-intimidate ay hindi niya napigilang mag-react sa napansin.

"Oh, God! Both of you have perfect eyebrows and perfect eyeliners!" bulalas niya, punung-puno ng pagkamangha. "I'd kill to have those!"

Nagkatinginan sina Emerald at Emily, saka sabay na natawa nang mahina. Sa pagtawa ng kambal ay nawala ang katarayan sa magandang mukha ng mga ito. Pagkatapos ay binigyan si Champagne ng tips nina Emerald at Emily para ma-perfect niya ang paglalagay ng tamang eyebrows at eyeliners. They were even nice enough to tell her which beauty product they used.

Nasa kalagitnaan si Champagne ng pag-iinspeksiyon sa label ng eyeliner na ipinakita ng kambal nang dumating si Magnet. Hindi nga nagsisinungaling si James—mukha ngang batong-bato sa buhay ang lalaki base sa magulong buhok at inaantok na mga mata.

Tiningnan lang siya ni Magnet na para bang siya ang pinaka-boring na tao sa mundo bago ito dumeretso sa dingding at kumuha ng isa sa mga pool sticks na nakasabit doon.

"Who wants to play one pocket with me before I die from too much boredom?" anunsiyo ni Magnet.

Emerald and Emily rolled their eyes. Nagkibit-balikat naman sina Flynn at Fern, saka sabay umiling. Samantalang nagpatuloy lang sa pagtugtog ng malungkot na musika ang emo na si Note habang pinapanood ng emo rin na si Stacy.

Si James naman, umiling-iling lang. "That's your game, Magnet. Walang makakatalo sa 'yo."

"Gusto kong maglaro," apela naman ni Champagne. "Nami-miss ko nang mag-billiards."

Tumaas ang kilay ni James. "Are you sure? Puwede mong matalo sa nine ball o eight ball si Magnet, pero hindi sa one pocket na m-in-aster yata ng mokong na 'yan."

Nakangising nagkibit-balikat si Champagne. "Wala namang masama na mag-try, 'di ba?"

"Quit the chitchat, woman," naiinip na sabi ni Magnet, saka nginuso kay Champagne ang pool sticks. "Get one and let's play."

Ngumiti lang si Champagne at tumalima.

Ang hindi niya nasabi kay James, professional billiards player ang papa niya noon at nauna pa siyang maglaro ng billiards bago natutong magsulat.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang IbaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora