Chapter Six

2.2K 103 6
                                    

SA TUWING nagpapakalasing si Champagne, parati siyang "nawawala sa sarili," gaya ng madalas sabihin sa kanya ni Penelope.

Noong unang beses na mangyari iyon—noong panahong bigo siya dahil kina Kingston at Elaine—umuwi siya sa bahay na lasing. Natulog daw siya sa kuwarto ng mama at papa niya at sinukahan ang kama pero wala siyang matandaan sa nangyari.

Noong pangalawang beses naman, party-hard ang drama niya nang matanggap sa IBAA bilang copywriter. Sa sobrang kalasingan, namali siya ng apartment na nauwian. Nakatulog siya sa unit ni Lola Ana. Mabuti na lang at sa bahay ng mabait na matanda siya namali ng pasok at hindi sa ibang tao. Inalagaan siya ng ginang at ipinagluto pa ng soup paggising niya kinabukasan.

Mula noon, hindi na pumapayag ang mga kaibigan niya—lalo na si Kingston—na maglasing siyang mag-isa. Siya kasi iyong tipo ng lasing na nakakalimot sa pinaggagagawa kapag nakainom. Ngayon lang uli niya iyon ginawa.

Tinapunan ni Champagne ng masamang tingin ang cast ng kanang braso niya. Hinding-hindi na talaga siya magpapakalasing mag-isa kahit kailan. Pero kahit paano, masasabing suwerte pa rin siya dahil mukha namang hindi manyak o masamang tao ang "nag-uwi" sa kanya.

Kanina, matapos niyang madulas ay binalutan agad siya ng tuwalya ng lalaking may tsokolateng mga mata. Sa awa naman ng Diyos ay may tuwalya na ring nakatali sa baywang nito at nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan na dapat matakpan para hindi mawala ang katinuan niya.

Sa pagkagulat ni Champagne, binuhat siya ng lalaki na ikinatili niya. Muntik na siyang yumakap sa leeg nito dala ng gulat, pero mabuti na lang at napigilan niya ang sarili at sa halip ay inayos niya ang tuwalyang nakabalot sa kanyang katawan para hindi iyon mahulog.

"Ano ba'ng ginagawa mo?"natatarantang tanong ni Champagne. "Put me down!"

"You're hurt. I'm bringing you to the hospital," mariing sagot ng lalaki, nagtatagis ang mga bagang na para bang may ikinagagalit ito. Gayunman, hindi naman ito mukhang nananakit. There was a gentle glint in his brown eyes as he pinned her with a hard look.

Nanlaki naman ang mga mata niya nang ma-realize na seryoso ang lalaki dahil naglalakad na ito papunta sa main door. It looked like they were in a condominium unit—a huge one. Mas malaki pa yata iyon sa unit ni Kingston. "Hindi tayo pupunta kahit saan na wala akong suot na bra!"

Bigla namang huminto sa paglalakad ang lalaki. And heck, he had the nerve to blush and to look like he was embarrassed! "Right. Magbihis muna tayo."

Ibinaba si Champagne ng lalaki sa malaking sofa, pagkatapos ay pumasok ito sa pinto na tingin niya ay kuwarto nito. Siya naman, pinulot ang bra niyang nakakalat sa sahig. Kahit mahirap at masakit dahil sa injury sa braso, pinilit pa rin niyang isuot iyon. Pero hindi niya makabit ang hook dahil hindi kaya ng kanyang braso.

"Uhm, I can help you with that."

Tinakpan ni Champagne ng mga braso ang kanyang dibdib. Kahit suot na niya ang bra, hindi pa rin siya komportable sa sitwasyon dahil halos nakalantad pa rin ang itaas na bahagi ng katawan niya. She glared at the now-fully clothed gorgeous dark-eyed guy with long, disheveled brown hair before she turned her back on him. "No. I can manage."

Bumuga ng hangin ang lalaki at naglakad palapit sa kanya. "You can't. You're injured."

Alam ni Champagne na dapat ay makaramdam siya ng takot. The guy was tall, and big, and he looked really intimidating. But she remembered his gentle dark eyes and that was probably the reason she remained calm as he stood behind her and hooked her bra with one swift movement of his hands.

Of Hugot, Memories, At Marami Pang Ibaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن