"Alam mo naman Marcus na si Dina talaga ang friends nila not me." Kiming sagot ko na ikinakunot ng noo ni Marcus.

"Of course not! They are your friends too, Hon. Ah... oo nga pala...I have a surprise for you!" Ani Marcus na ikinakunot naman ng noo ko.

Ano ba talaga ang surpresang ito?! Ako lang yata ang hindi nakakaalam?

"Anong surprise ba 'yon?" Nagtatakang tanong ko. Nginitian ako ng malapad ni Marcus sabay kumindat siya.

"You'll see! It will be announce." Ani Marcus na lalong ipinagtaka ko. Magtatanong pa sana ako ng makarinig kami ng makatawag pansin na tawa mula sa aming kanan na ikinalingon namin ni Marcus kay Dina. At halos mamilog ang mata ko ng mapagsino ang lalaking inaangklahan ng braso ni Dina.

Si Hunter na nakatitig naman sa akin. Hindi ko alam kung bakit uminit ang ulo ko pagkakita sa dalawa na magkasama. Pakiramdam ko ay unti unting binabalot ng galit ang puso ko at may kirot na hatid din ang isipin na nauulit muli ang mga pangyayari ng kahapon. Ang kahapon na kung paano agawin sa akin ng kapatid ko ang lalaking gustong-gusto ko.

Ganitong ganito iyon! Ganitong ganito ang pakiradam! Ganitong ganito ang sitwasyon, 'yun nga lang nag iba lang ang lalaking pinag-aagawan namin. Ang haliparot kong kapatid! Bakit ba niya laging inaagaw ang akin?!

Akin?! Did I really just claimed Hunter?! Damn! What the hell is he doing here anyway?! And why the hell is he with my evil sister?!

Kahit ano pang dahilan 'yan, hindi pwedeng makasama ni Hunter ang impakta kong kapatid! Kailangan ko silang mapaghiwalay! Hindi pwedeng mawala sa akin si Hunter! Hindi pwede! Akin siya!

Hindi ko na namalayang humahakbang na pala ako palapit sa kanila ng biglang may brasong pumipigil sa akin.

"Hon, stay. Stay with me. Please?" The sadness in his voice made me turn around and face him. At sa mukha ni Marcus ay kitang kita ko ang sakit na dulot ng aksyon na ginagawa ko.

I am being insensitive. This guy in front of me is the guy who loves me. The guy that I promise to marry. The guy that I built my future with. The guy that I almost killed! And here I am, continuing to hurt him inspite of all the things he went through because of me.

"I...I'm s-sorry." Nakayukong sagot ko na lang sa lalaki na ngumiti ng pilit sa akin. I watched him sigh his frustration as he run his fingers through his hair. Mabilis na ginagap ni Marcus ang dalawang kamay ko at mataman akong tinitigan.

"Hannah... Honey... Please be with me. You know how much I love you! We loved each other so much right?! Malalagpasan natin ito ng magkasama, just be with me, hon! Be with me! Just say yes!" Desperado na Marcus ang nasa harapan ko na kababakasan ng pagmamakaawa ang boses niya. I felt the pain that I caused him that made me shed tears.

"Hannah... please say yes!" Muling ulit ni Marcus na ikinalito ko.

"Yes to what Marc?" Ani ko sa lalaki habang pinapahid ang luha ko.

Marcus just enveloped me in his arms then I heard the murmurs of the guest around us. Then my eyes widened as I heard Marcus parents announced my engagement to their only son. Napaangat ang tingin ko mula sa pagkakayakap sa akin ni Marcus.

Mapaghanap ang mga mata ko na nakatingin sa mga mata ni Marcus. Nanghihingi ng paliwanag sa inanunsyo ng mga magulang nito.

"Marc! Ano ito?!" Bulong ko sa binata ng bigla kaming tapatan ng spotlight na ilaw.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now