恋の予感

515 19 1
                                    

❝ Koi no yokan ❞

❝ The sense one can have upon first meeting a person that the two of you are going to fall in love ❞

⎯⎯⎯

"Isa ka pala sa mga guest ni baby girl 'ni?" Tanong ni Daniel Padilla sa akin.

Nasa set kami ng La Luna Sangre, pareho kami lagi ng break time kapag magka-eksena kami.

"Oo, bakit?"

Nginitian naman niya ako. "Paki-ingatan mo, masyado pa 'yong fragile at ayokong malaman ulit na may iniiyakan siya."

Napakunot noo naman ako. "What do you mean by that?"

Humalakhak siya kasabay ng pag-akbay sa akin. "Ayoko lang na may iiyakan siyang lalake ulit, tapos wala namang kwenta 'yong lalake."

"Wait, what? She cried?? Why?"

"Oh? Bakit parang gulat na gulat ka naman?" He asked. "Oo nga, try mo i-search sa youtube."

Napailing nalang ako sa kanya. "Ewan ko sa'yo, Padilla."

Pagkatapos niya akong pagtawanan ay iniwanan na din naman niya ako. Syempre, pupuntahan na niya ang tangi niya. Ako naman ay hindi nakatiis kaya naman nag-search ako sa youtube.

Nakita ko kung gaano siya kabuting tao, hindi man ako ang nakasama niya doon ay alam ko sa sarili ko na totoong tao siya.

Grabe, iba pala siyang magmahal 'no? Kaya naman pala sobra sobra ding pagmamahal 'yong ibinibigay ng mga fans niya sa kanya.

May ibang video pa ako akong nakita; she's a walking ball of sunshine. And Dj's kinda right, she's fragile and a kid at heart.

"Why are you smiling?" Napalingon naman ako bigla sa nagsalita.

"Ate Angel," Bati ko at ngumiti. "Nothing."


"Is it because of a girl?"

"Hindi po."

"Hmm?"

"Uhm, kinda?"

Natawa naman siya. "I see, so who's the lucky girl?"

"What?" Natatawa kong tanong.

Tumawa naman siya ulit. "What what?"

Nang narealize ko kung ano ang pinupunto niya ay natawa nalang din ako. Ewan ko ba, kapag siya na 'yung nagtanong sa akin natatameme pa rin ako. Ang ganda ganda at ang bait bait niya pa. 'Tsaka feeling ko isa siya sa mga nakakaintindi sa akin, bukod sa totoo kong anghel, ang nanay ko.

"Alam mo, kahit sino pa 'yan, kahit hindi ko pa kilala, alam ko na mabuting tao siya. Kasi mabuting tao ka rin." Ani ate Angel dahilan para mapangiti ako. "Hayaan mo, kahit anong mangyari, nandito lang ako para sa'yo. Okay?"

Tumango naman ako. "Salamat, ate Angel."

⎯⎯⎯

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon