You and Me

621 20 31
                                    

Note: TonKiss fan fiction! :>

"'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to prove; and it's you and me and all of the people, and I don't know why I can't keep my eyes off of you."

"May, let's go. They're waiting for us already!" Tinawag ni Edward Barber si Maymay Entrata.

Nasa set kami ng La Luna Sangre ngayon. Pare-pareho naman kaming tapos na sa taping at pack up na.

"Teka lang." Sagot ni Maymay. "Uy, Tony. Gusto mo sumama?"

"Ha?" Tanong ko. "Saan?"

"Ano, kakain lang sa labas kasama sila Heaven."

"Ahh, PBB no?"

Tumango siya. "Ano? Sama ka na?"

"Hindi na. Baka nakakahiya, e."

"Hala, ano ka ba! The more the merrier."

Natawa naman ako sa kanya. "Sige, sama ako."

Nginitian niya ako at sabay kaming lumabas na sa tent. Nadatnan namin si Edward sa labas na nakabusangot yung mukha.

"What took you so long?" Inis niyang baling kay Maymay. "You know how much I hate making Kisses wait."

Napakunot noo ako. Kisses? Kisses Delavin? Wait up. May something sa kanila? Tiningnan ko si Maymay at kita ko sa mata niya yung sakit.

"Sorry." Tanging nasabi ni Maymay. "Ininvite ko lang naman si Tony."

"Let's go." Ani Edward.

Sa buong byahe namin ay tahimik lang silang dalawa. Kahit di magsalita si Maymay ay alam kong naoffend siya kanina. Sino bang hindi? Inaantay mo nga pero minadali mo naman para sa iba.

"Okay ka lang?" Bulong ko kay Maymay.

Napatingin naman siya sakin. Tumango sabay ngiti siya. Pero, I'm not gonna buy that. Alam ko kapag nasasaktan ang isang babae.

Nang nakarating na kami sa restaurant na sinasabi ni Maymay ay nandoon na yung iba nilang kasama.

"Tonyyy!" Sigaw ni Heaven.

Napangiti naman ako ng nakita ko siya. "Hey. Saan si Marcus?"

"Grabe ha. Siya talaga hinanap mo?"

Natawa naman ako sa kanya. "Sorry, so what's up?"

"Okay naman ako. Ikaw? Successful ng La Luna ha?"

Nginitian ko siya. "Okay naman. Yeah, busy na nga sa dami na ng scenes eh."

"Buti at sinama ka nila Maymay."

Tumango lang ako at hinanap sila Maymay. Nakita ko siyang kasama nung Yong kaya nilapitan ko na.

"Uy." Tawag ko kay Maymay.

"Hala, uy." Ani Maymay. "Ay, Yong si Tony pala. Tony si Yong."

"Sa boyband ka rin diba?" Tanong ni Yong.

"Oo."

"Naks, May." Asar ni Yong kay Maymay.

"Ano?" Nakakunot noo niyang tanong kay Maymay.

"Wala." Nakatawang sabi ni Yong. "Nasan na kaya si Kisses?"

Napatingin rin ako sa kanila. Oo nga. Bakit wala pa 'yon?

"Pupunta ba talaga si Kisses?" Tanong ni Heaven. "Hindi naman nalelate 'yon ah?"

Pagkatapos magsalita ni Heaven ay siya namang pagdating ni Kisses. She was still smiling pero kita mo yung pagod niya.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon