Did you forget

482 24 4
                                    

"And at last, all the pictures have been burn, and all the past is just a lesson that we've learned; I won't forget, please don't forget about us."

--

Ayokong manumbat, ayokong magkaroon ng kasamaan ng loob, ayokong magkalayo layo ang loob namin. Pero bakit? Bakit nila ako hinihila pababa?

May pa-blind item pala sila sa akin. Bakit? Para saan? Nakalimutan na ba nila na buhay ako? Nakalimutan na ba nila lahat ng pinagdaanan namin ng sama sama? Bakit? Anong dahilan?

"Kisses."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Tumakbo siya palapit sa akin para yakapin ako.

"I miss you."

Alam kong may sinseridad ang pagkakasabi niya. Pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba ako kung tingin ko sa kanila ay mga kaibigan na pansamantala lamang?

"Kristine." Pagbati ko sa kaibigang minsan kong narinig na nanira ng kapwa.

"Namiss talaga kita." Aniya na animo'y parang madalas na niyang sinasabi sa akin ito.

Ngumiti ako. Ngiting kayang ipakita na kaya ko, na kinakaya ko lahat.

Hindi mali na minsan ipakita mo na malakas ka, na kahit alam mong sa sarili mo na hindi sila totoo sa'yo ay kailangan mong ngumiti. Iyon lang naman ang kinaiinisan nila sa'yo.

Isang bagay na kailanman ay hindi nila makukuha, iyong ngiti. Hayaan mong sila mismo ang magtaka kung bakit nakakangiti ka pa rin sa kabila ng pinagdadaanan mo.

"Kisses, bai!" Bati rin sa akin ng isa ko pang tinuring na kaibigan.

Kaibigan na kailanman ay hindi ko inasahang iiwan ako sa ere. Masaklap? Akala ko iyon na ang masaklap. Ngunit hindi pala, ang pinaka-masaklap pala ay iyong harap harapan kang tinalikuran at iniwan ay nakukuha ka pa ring tawagin sa pangalan mo na animo'y totoong pagkakaibigan ang meron sila sa'yo.

"Yong." Pagbati ko.

"Kamusta, bai?"

Kamusta? Kamusta ang alin, Yong? Ang puso ko? O ang pagkatao ko? Kung ang tinatanong mo ang puso ko, eto, durog na durog na. Na sa pagaakala ko ay hindi mo magagawang durugin. At kung yung pagkatao ko naman ang iyong tinatanong, eto, nayurakan na ng lahat. Maging ikaw ay walang habas na tinapakan ako.

Nakalimutan mo na ba, Yong? Isa ako sa mga taong yumakap sa'yo nung mga panahong walang wala ka, nung mga panahong iniisip ng lahat na mahina ka; na bobo ka, na wala kang alam, nakalimot ka na ba, Cornelio?

"Ayos naman ako, Yong." Iyon lang ang kaya kong sabihin, dahil hindi mo rin naman ako maiintindihan.

Ngumiti ulit ako, ngumiti ako ng walang pag-aalinlangan. Dahil kahit ano pa mang ginawa mo o gagawin mo, alam ko sa puso ko na kaibigan kita. Pero huwag mo naman sana akong abusuhin, dahil kahit ang daan ay may hangganan rin.

"Kisses," Pagtawag mo sa akin. "Okay ba tayo?"

Ako ba talaga ang dapat sumagot ng katanungan na iyan? Dahil ikaw itong gumawa ng paraan kung bakit tayo nalagay sa sitwasyong ito.

Nagsisisi ka ba? Nagsisisi ka ba na hiningi mo sa akin ang bagay na iyon? Kasi ako, hindi. Hindi ko pinagsisisihan na binigyan kita ng pagkakataon. Dahil sino ba ako para limitahan ka? Ang pinagsisisihan ko lang ay iyong hindi mo ako pinagtanggol. Na ikaw mismo ang dahilan kung bakit tayo nalagay sa alanganin.

"Marco," Pagbati ko. "Sa tingin mo?"

Pero kagaya nila, nginitian lang din kita. Dahil kahit ano pang kamalian pa ang nagawa mo sa akin ay kaya kitang patawarin.

"Kisses, you okay?"

Kay tagal, kay tagal kong hinintay na itanong mo sa akin 'yan. Bakit ngayon lang? Bakit mo lang naisipang itanong sa akin yan?

Ang sakit, ang sakit sakit na sa lahat ng taong inasahang ko lalaban kasama ko ay siya mismo ang taong tumalikod sa akin. Bakit nga ba? Bakit mo nga ba naisipan na talikuran ako? Dahil ba sa mas maiaangat ka niya? Hindi mo ba naisip na kung hanggang saan lang kaya niyo?

Pero nandito lang ako, nandito lang ako pero hindi para damayan kayo. Nandito ako para ipaalala na hindi ang pagkakaibigan natin ang pinili niyo kundi ang panandaliang kasikatan na mayroon kayo.

"Edward." Wika ko. "Yeah, I'm good."

Minsan tayong sinubok ng panahon.. bumalik ka sa amin noon. Ang sabi mo ay hindi mo kayang talikuran mga kaibigan mo. Pero bakit ako? Tinalikuran mo ako? Dahil ba sa kadahilanang hindi mo naman talaga ako tinuring na kaibigan?

"Isske," Pagbati mo sa akin. "Bakit ka tulala?"

Ikaw? Bakit mo ako nakakausap ng may ngiti sa labi sa kabila ng mga ginawa mo sa akin? Masaya ka ba? Masaya ka ba na nahihirapan ako?

Nandoon ako, nandoon ako mula nung umpisa. Hindi kita iniwanan dahil ganoon kita kamahal. Dahil ganoon akong kaibigan. Pero bakit pinili mo akong bitawan sa kasagsagan ng kasikatan natin?

Hindi ka ba masaya sa mga tinatamasa ko? Hindi ka ba masaya na hindi ako naiiwan sa kasikatan mo? Bakit? Anong dahilan mo?

Nakalimutan mo rin ba? Nakalimutan mo rin ba na ikaw ang umiyak dahil sa nasasakal na kita? Nakalimutan mo rin ba na ikaw ang nagreklamo dahil sa hindi ako masaya kapag masaya ka? Nakalimutan mo ba na umiyak ka dahil akala mo'y nasasaktan ako kapag masaya ka sa iba?

Tinanggap ko lahat, linunok ko lahat ng mga negatibong komento tungkol doon. Hindi pa ba sapat? Ako na ang nagmukhang masama sa mga binitawan mong salita pero niyakap pa rin kita ng buong puso. Pinaglaban ko pa rin ikaw. Pero bakit hindi mo iyon nagawa sa akin ngayon?

Siguro nga'y kasalanan ko. Kasalanan ko na binigay ko ng buo yung tiwala ako, pero sisisihin ko pa ba ang sarili ko? Nakinig lang naman ako sa payo nila. Na matuto akong buksan ang puso ko para sa iba, pero hindi naman nila nasabi na maling tao pala ang pinagbuksan ko ng puso ko.

"Ah wala, ate May." Wika ko. "Wala 'to."

Oo, wala 'to. Kumpara sa mga pangbubully sa akin noon, walang wala 'to. Walang sing-sakit. Pero kakayanin ko 'to. Lalaban ako. Lalaban ako hangga't kaya ko, hangga't may naniniwala sa akin. Iyon naman ang mahalaga diba?

Marami pa akong gustong sabihin pero hindi na kaya ng puso ko. Pero sana, isa sa mga araw na 'to, mabuksan na ninyo ang isip at puso niyo ng malaman niyo kung anong impact ng mga ginawa ninyo sa akin. Dahil sa bawat salita o aksyon na ginawa niyo ay taliwas lahat sa mga mga prinisipyong sinabi niyo noon.

Ako nga pala si Kirsten Danielle Delavin o mas kilala bilang Kisses Delavin ay humihingi ng tawad ngunit lalaban pa rin. Masasaktan pero hinding hindi susuko.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon