Mahal kita pero di mo lang alam

422 18 5
                                    

Continuation of Halaga

"Mahal kita kahit 'di mo na ako tinitignan... mahal kita kahit lagi mo nalang akong dinededma."


"Hoy, bakit ka nakasuot ng helmet?" Tanong niya sa akin pagpasok niya sa tent namin.

"Wala lang. Baka lang kasi ngumawa ka ulit tapos hampasin mo ako sa mukha." Wika ko na akala mo wala lang 'yung sinasabi ko. "Para ready ako."

Sa inis niya ay hinampas niya ako sa sikmura ko. "Kainis!"

"Aray ko!" Reklamo ko sabay tanggal sa helmet na suot ko. "Sa susunod buong katawan ko na lalagyan ko ng protection."

She made a face on me. "Whatever, Antonyo."

Tinawanan ko naman siya. "Oh ano? Di ka yata ngangawa ngayon?"

Tinalikuran niya at humiga siya sa upuan ko. Hindi niya pinansin pang-aasar ko? Himala? Ano nanaman kaya problema nito?

"Hoy." Wika ko. "Anong drama 'yan?"

Pero hindi pa rin niya ako pinansin kaya naman napakamot ako sa ulo ko. Lakas talaga ng mood swings niya. Haaay.

"Kisses, ano bang problema mo?" Pangungulit ko.

Oo, kinukulit ko talaga siya. Hindi ko naman kasi matiis 'to, kahit pa na bugbog lagi ang abot ko. Ganoon naman talaga diba? Lalo na kung gusto mo talaga siya, titiisin mo lahat.

"We broke up." Aniya. Literal akong napanganga sa sinabi niya.

They broke up? Bakit? Paano? Eh bakit hindi siya umiiyak? Ano bang trip nito?

"Kung nagtataka ka bakit hindi ako umiiyak? Ako din, e. Hindi ko rin alam." Ani Kisses na tila binabasa ang naiisip ko.

Napabuntong hininga ako, "Alam kong hindi ka okay, alam mo rin naman na masasabihan mo ako ng problema mo diba?"

Bumangon naman siya sa upuan ko, "Alam ko. Alam na alam."

"Ang gloomy ng mood mo. Mas gusto ko pa 'yung ngumangawa ka."

"Ang gulo mo 'no?" Aniya. "Kapag umiiyak ako, inaaway mo 'ko. Ngayon naman gusto mong umiyak ako?"

"Kasi alam ko naman na nasasaktan ka. Kaya okay lang na umiyak ka."

"Nasasaktan din naman ako nun ah?"

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Gusto ko lang naman na ilabas mo 'yung sama ng loob dahil sa hiwalayan niyo."

Ngumiti siya sa akin. "You can drive diba?"

Napakunot noo naman ako. "Oo. Bakit?"

"I'm up for a roadtrip." Aniya at binigyan ako ng pagkatamis tamis na ngiti.

"Ang user mo 'no?"

"Di kaya! I'm just up for a roadtrip."

"Lakas mo maka-aya akala mo naman may kotse siya."

She just grinned at me. "Di mo naman ako matitiis, Anthony."

Natigilan ako sa sinabi niya. It was the first she called me Anthony. Madalas kasi ay apelyido ko o di kaya naman Antonyo ang tawga niya sa akin.

"Fine," Wika ko at tumayo. "Akin ang gas, sa'yo ang food. Aray ko!"

Hinampas kasi niya ako sa sikmura ulit. "Napaka-kuripot mo naman! Bakit kapag sa iba nanlilibre ka?!"

"Hoy, hindi ako nanlilibre ha!" Tanggi ko.

"Sinungaling ka. Lumalaki butas ng ilong mo." Aniya sabay napanguso. Ugh, ang cute ng babaeng 'to.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon