Epiphany

461 23 5
                                    

e·piph·a·ny
❝ a moment of sudden revelation ❞

⎯⎯⎯

I was on the set of La Luna Sangre, when I realized that I was too pre-occupied about something. Yeah, I wasn't so sure about what I felt pero ewan ko. Naguguluhan na din talaga ako sa sarili ko.

"Huy? Antonyo." Ani Kath sabay kalabit sa akin. "Ano iniisip mo?"

Napalingon naman ako sa kanya. Dati rati sobrang awkward ko pa pagdating kay Kath pero ngayon wala ng hiya hiya. Tropa tropa lang naman.

"Wala naman. Bakit?"

"Lutang mo kasi, e." Aniya. "Dahil ba kay ano?"

Napakunot noo ako. "Kanino?"

"Sus, akala mo naman di niya alam kung sino binabanggit ko."

Natawa ako sa sinabi niya. "Kung alam ko hindi na ako magtatanong."

Nagkibit balikat lang si Kath at binaling na 'yung atensyon sa phone niya.

Minsan parang mas matanda pa sa akin si Kath, napaka-matured din mag-isip. Kaya bagay talaga sila ni Daniel. Kasi nakita ko kung gaano nila napapabuti ang isa't isa.

"Nakakaloka naman 'to." Ani Kath bigla.

"Alin?"

"Mga fans ni Maine Mendoza."

"Maine? Si Yaya dub?" Tanong ko, tumango naman siya. "Ano nangyari?"

Pinabasa naman niya sa akin 'yung open letter ni Maine. Grabe, hands down ako sa kanya. Walang takot na sabihin kung ano 'yung totoong nararamdaman niya. Nakakasakal nga naman talaga 'yong may makita lang na kasama kang iba, nagagalit na 'yung fans.

Saludo ako sa mga taong kagaya ni Maine na nasa showbiz. Yung walang alinlangan kung sabihin kung ano yung totoong nararamdaman.

"May naalala ka 'no?" Pambabasag ni Kath sa katahimikan namin. "Ganyan na ganyan din siya, diba?"

Ngumiti lang ako. "Hindi ko kilala sinasabi mo."

"Hay nako, Antonyo Junior!"

Napasimangot naman ako sa tinawag niya sa akin. "Grabe ka, Kath. Napakabantot."

"So, kapag siya tumatawag ng ganon sayo, okay lang?" Ani Kath na parang nagtatampo. "Unfair!"

Pumasok naman si Daniel sa set namin at kaagad na tumabi kay Kath.

"Tangi, inaasar mo nanaman si Tonyo." Ani Daniel.

"Grabe, di ko alam kung bakit ko kayo naging kaibigan. Ang babantot ninyo magbigay ng pangalan."

Humagalpak naman sila sa tawa. Oo, ganyan sila sa akin. Lagi nila akong pinagtutulungan.

"Tangi.. bakit ang unfair niya sa atin?" Ani Kath. "Kasi kapag si baby girl natin tumatawag non sa kanya, okay lang. Satin parang ang sama sama natin?"

"Kasi nga mahal niya baby girl natin," Ani Daniel. "Kita mo nga, napaka-protective."

"Sige lang, kung pag-usapan niyo ko parang wala ako dito ha?"

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon