Huling Sayaw

590 30 10
                                    

"Paalam sating huling sayaw.. may dulo pala ang langit, kaya't sabay tayong bibitaw sa ating huling sayaw."

--

Hindi ko na alam kung ano ba dapat kong gawin. Lahat na lang mali, lahat na lang inaagaw ko. Hindi ko naman kagustuhan na mapunta sa sitwasyon na ganito.

"Kisses!"

Napalingon ako bigla sa tumawag sakin. Pilit akong ngumiti para lang itago yung lungkot at sakin na mayroon ako.

"Chan." Bati ko.

"Kamusta na?" Aniya. "Long time no see!"

Ngumiti ako. "Okay naman ako, Chan. Ikaw?"

"Okay din. Namiss kita."

Niyakap naman niya ako. Naramdaman ko yung pagkamiss ka sa akin ni Chan nung niyakap niya ako. Siguro nga, siguro nga nawawalan na kami ng oras para kamustahin sila o makasama man lang dahil sa mga kabi-kabilang projects.

"I'm sorry."

"Ha? Bakit?"

"Kasi na-broke ko yung promise ko sa inyo."

Napakunot ng noo si Chan. "Anong na-broke mo?"

"Hindi ko na kayo nakakamusta and nakakasama. I'm sorry talaga."

"Hey, naiintindihan naman namin kung bakit ka walang time para makipagkita sa amin." Nakangiti niyang wika sa akin. "Kamusta kayo ni Ej?"

I smiled trying to hid the pain I felt. "Okay naman kami, Chan."

Nagpaalam na si Christian at naiwanan naman ako sa dressing room. Napatingin ako sa wallpaper ng phone ko. Napahinga ako ng malalim.  Miss na miss na kita.

--

"Don't you get it?!" I yelled. "I am terrified! I am so scared of losing you!"

"Kaya ba hinahayaan mong magalit sila kay Maymay?" Tanong niya.

Umiling ako. "No."

"Then why don't you tell them to stop on hating Maymay?!"

Hindi ko alam kung saan ba ako mas nasasaktan. Sa pagsigaw niya sakin o sa pagkami niya kay Maymay.

"Kisses, I love you." Aniya. "But why do you keep on questioning that?"

Hindi ko masabi sa kanya lahat ng worries at insecurties ko. Kasi alam ko naman na sasabihin niya.

"My efforts are not enough ba?" Tanong niya. "Pilit naman akong nakikipagkita sayo ah? Kahit mahirap, kahit pagod ako."

"Sinusumbatan mo ba ako?"

"Kisses, hindi! Gusto ko lang maintindihan mo na hindi lang sakin umiikot buhay mo o sayo umiikot buhay ko." Napatulala ako sa sinabi niya. "May pangarap pa tayong dalawa."

Gusto ko siyang sigawan sa mga sinabi niya pero siguro nga masyado na siyang nahihirapan sa sitwasyon namin.

"Sorry, Edward." Nanghihina na rin kasi ako. "Siguro nga ay tama ka. Mali na ginawa kitang sentro ng buhay ko. Hayaan mo, natututo na ako."

"Kisses.."

Ngumiti ako sa kanya. "Siguro mas makakabuti sa ating dalawa na itigil na natin 'to."

"N-no." Aniya at humakbang palapit sakin. "T-that's not what I mean."

Humakbang ako paatras sa kanya. Kitang kita ko sa mata niya na nasaktan siya sa ginawa ko.

"I'm doing this for you, Edward." Wika ko. "Kumawala ka na sakin hangga't kaya ko pa."

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon