LYSB

547 33 2
                                    

"And you need to know, you're the only one alright, alright."

Nakakainis. Nakakainis kung bakit ba napaka-manhid mo? Kung bakit ba hindi mo napapansin 'yung mga taong gusto kang mahalin?

Ika nga ni Kathryn sa BALU, nasan 'yung lugar ng mga taong gustong magmahal sa'yo?

Lagi mo nalang iniisip na hindi ka karapatdapat mahalin. Ano pa bang dapat kong gawin para lang maramdaman mong mahal kita?

Nandito lang naman ako para sa'yo kahit hindi mo ako masuklian lahat ng 'yun. Nandito lang naman ako para suportahan ka. Nandito lang naman ako para mahalin ka ng sobra kahit pa na hindi mo na kayang mahalin sarili mo.

Gustong gusto kong sabihin sa'yo na dito ka nalang, dito ka nalang sa tabi ko.

Gustong gusto kong hilingin sa'yo na ako nalang mahalin mo, 'wag na siya. Pero ano bang karapatan kong hilingin sa'yo 'yun diba? Sino ba ako sa buhay mo?

"Hoy!"

Muntik na ako mahulog ako sa kinauupuan ko nang bigla mo akong ginulat.

Ano ka ba naman? Hindi mo na nga ako kayang saluhin, pati ba naman sa sahig mafafall pa ako? "Bakot ka nanggugulat?"

"Ang lalim kasi ng iniisip mo. May problema ka?"

"Wala naman." Wika ko. "Bakit ka nandito? Off limits 'to ah?"

"Bakit ikaw? Sabi mo off limits 'to?"

Napailing nalang ako. "Masarap ang bawal."

Ngumiti siya sa akin. "Masarap nga, nakakamatay naman."

Oo, masarap nga. Masarap magmahal ng taong off limits na pero kasabay din non 'yung unti unti mong pagkamatay dahil sa selos, lungkot, inis, galit. Lahat na.

"Ano ba kasing iniisip mo?" Pangungulit niya.

"Wala nga."

"Wala daw pero lagi kang natutulala."

Natawa naman ako. "Promise, wala talaga."

Nginitian niya ako. Oh my heart hurts so good, ani Lany sa isip ko. Nakakainis. Bakit ba sa'yo pa ako nagkagusto?

"Uy!" Aniya at tinapik ako. "May problema ka e. Ano ba kasi 'yon?"

Umiling ako. "Wala nga kasi. Ang kulit oh?"

"Sabi mo magsasabihan tayo lagi diba?"

"Wala naman kasi talaga."

Sumimangot siya. "Nakakainis ka naman e. Ang damot."

Tumawa ako. "Wala 'to. Pagod lang."

Sumandal naman siya sa akin. "Ako, rin. Pagod na ako."

"Magpahinga ka."

"Kapag ba nagpahinga ako, magpapahinga ka rin?"

"Oo naman. Sabi ko sa'yo, dito lang ako lagi diba?"

Huminga siya ng malalim. "Talaga?"

"Oo nga."

"Oh, my heart hurts so good," Aniya sabay hawak sa may bandang puso niya at pumikit. "I love you babe, so bad... so bad."

Napakunot noo naman ako. "Nagkakanta ka?"

"Oh, my heart hurts so good..."

Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at tumayo na. "Una na ako, rehearsals na."

"Wait up!" Wika ko. "Bakit?"

Kibit balikat lang siya.

"Bakit mo kinanta 'yun?"

"Because my heart hurts so good kapag kasama kita." Wika niya. "I may not say it nor make you feel it, I appreciate everything you do for me."

Nalaglag 'yung panga ko sa sinabi niya.

"And, to tell you, I feel it." Aniya at ngumiti. "I feel it here." Sabay turo sa puso niya.

Napangiti naman ako pero tinalikuran na niya ako.

"Kisses, wait!" Sigaw ko kaya naman lumingon siya sa akin. "My heart hurts so good, I love you so bad, so bad."

Ngumiti naman siya. "LYSB, Donny."

--

An: Okay, ang sabaw. Hahahah. Anyways, follow me on twitter; /inkedbybeaddie (may donkiss serye ako) Thank you! 💖

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon