Halaga

485 17 3
                                    

"Sa libu-libong pagkakataon na tayo'y nagkasama, iilang ulit palang kitang nakitang masaya."

"Oh." Wika ko kasabay ng pag-abot ko ng panyo ko sa kanya.

Tiningnan lang niya ako kasabay ng pagbagsak ng luha niya. Napakunot noo naman ako.

"Get up." Wika ko. "Don't cry over a guy who doesn't deserve a girl like you."

"Wala kang alam." Aniya at yumuko.

Nakaramdam ako ng pagkainis. "Tigas ng ulo."

"Nasasaktan ako, e."

"So?" Wika ko. "Nasasaktan ka pala bakit hindi mo pa iwanan?"

"Mahal ko." Aniya. "Sobra."

"Mahal ka pa ba?"

Humagulgol siya dahil sa tanong ko. Oo, pareho na naming alam ang sagot. Sa paraan palang ng pag-iyak niya ay gets ko na.

"Tumayo ka na diyan." Pag-uulit ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Can't you be nice kahit kaonti lang?"

"I am nice and loving person." Wika ko. "But that doesn't mean I'll tolerate you crying for the wrong person."

"Whatever." Aniya at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Napailing nalang ako habang tinitingnan siya.

Sa tagal na naming magkatrabaho bilang loveteam ay lagi nalang siyang umiiyak, dahil sa kanya, sa boyfriend niya.

Oo, may boyfriend siya. Pero kami kami lang din lang naman ang nakakaalam kaya kapag umiiyak siya, ako lang lagi ang nakakakita.

Lagi nalang rin siyang nasasaktan dahil sa boyfriend. Ewan ko ba, kung ano bang meron sa boyfriend niya? Di niya maiwan iwan.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos, ilang beses ko na rin siyang sinabihan, pero 'ayon hindi naman niya ako pinapakinggan. Lagi lang nauuwi sa sagutan.

'Tsaka yung mga payo ko sa kanya? 'Di naman niya pinapansin. Kaya nabubwisit nalang ako madalas.

"Hoy, ano? Ngangawa ka nalang ba diyan?" Tanong sa kanya sabay tapik sa balikat niya.

"Can't you just go away and let me have peace?" Iritado niyang tanong.

"Can't you just move on and let yourself have peace?" Balik kong tanong sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at umiyak lang ulit. Ano pa bang pwede kong gawin sa taong 'to?

'Di ko rin alam bat di niya kayang mawala 'yung boyfriend niya? Eh ang gago lang naman 'tsaka feeling pogi ang kumag.

"Hoy, ano ka ba." Wika ko. "Kala mo naman namatayan ka."

"Hoy, ano ka rin ba." Anas niya. "Just leave me alone!"

"Just let yourself free!" Balik ko sa kanya.

Araw araw ganito ang eksena namin sa tent namin. Kapag tapos na ang shoot at may break kami, babalik 'yan ng tent. Pagkatapos ichcheck niya social media accounts niya... ilang segundo lang ngangawa na 'yan. Ewan ko ba dito, di na nasanay sa mga nangyayari sa paligid niya.

"Tumigil ka na nga diyan." Wika ko. "Kung talagang mahal ka niyang banyaga mong boyfriend di ka niya paiiyakin."

"Eh ano nanaman?" Aniya. "Nasasaktan ako, e. Ano ba."

"Eh ano nanaman dahilan?" Wika ko. "Kasi sweet nanaman sila nong loveteam niya?"

Kung nakamamatay lang ang sama ng tingin siguro double dead na ako ngayon.

"Wala ka talagang konsiderasyon sa feelings ko 'no?" Akusa niya sa akin

"Meron naman, nung mga first week natin dito sa set, naiintindihan ko pa." Wika ko. "Pero, jusko naman. Tatlong buwan na tayong magkasama sa tent na 'to, iilang beses ka lang ba hindi umiyak dahil diyan sa boyfriend mong tanga?"

"Hoy! Hindi siya tanga!" Asik niya sa akin.

See? Sa haba ng sinabi ko, 'yung pagiging tanga ng boyfriend niya ang tumatak.

"Tanga siya, sobra." Wika ko. "Tanggapin mo 'yun. Kasi pinagpapalit ka niya sa kasikatan niyang sila lang may alam."

Hindi ko mawari kung matatawa ba siya o naiinis sa sinabi ko.

"Naiinis ka ba o natatawa?" Tanong ko

"Bwisit kasi mga sinasabi mo." Aniya.

"Bakit? Totoo naman ah? Sila lang naman ng ka-loveteam niya ang may alam na sikat sila."

Bumuntong hininga siya saka inabot ang kamay niya sa akin. Ganito lagi eksena namin, kapag inoffer ko sa kanya kamay ko mag-iinarte siya. Pero kapag napikon na ko't lahat lahat doon niya iaabot ang kamay niya. Pambihirang babae 'to. Ibang klase.

Inabot ko na kamay niya at tinayo siya. "Alam mo kasi? Kung talagang seryoso 'yang boyfriend mo, kahit maliit lang na effort gagawin niya. Kaso hindi eh."

"Can't you just support me having a relationship?" Aniya sa iritableng boses. "Wala ka kasing lovelife."

"Anong relationship? Baka relationshit. Tigilan mo ako sa kakatanggol mo sa gagong 'yon ah. Di ka mananalo." Wika ko. "Atsaka, kahit wala akong lovelife, masaya ako. Ikaw ba masaya? Hindi diba?"

Sinimangutan niya ako at hinampas sa mukha. Oo, sa mukha niya talaga ako madalas hampasin. Sa susunod talaga maghehelmet na ako.

"Nakakainis ka talaga!" Asik niya sa akin.

"Mainis ka lang." Gatong ko. "Kasi alam kong totoo mga sinasabi ko."

"Hindi ka ba nagsasawa na paulit ulit mong sinasabi sa akin 'yan?"

"Ikaw nga hindi nagsasawa kakaiyak diyan sa boyfriend mong banyaga, ako pa kaya?"

Sinimangutan nanaman niya ako. "May pangalan siya, okay? Edward. Edward Barber."

"Wala akong pakialam sa pangalan niya." Aniya. "Kasi sa feelings mo wala siyang pakialam, so bakit ko pa aalamin ang wala niyang kwentang pangalan?"

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa mahal ko?"

"Duda nga ako sa feelings ko na galit sa kanya, pati ba naman sa feelings mo para sa kanya dargdagan mo pa ng pagdududa?"

"Hoy ano ba?!" Aniya. "Mahal ko siya."

"Sino ba kinukumbinsi mo?" Tanong ko. "Ako o 'yang sarili mo?"

Kinunutan niya ako ng noo. "Ano bang sinasabi mo?"

"Feeling ko hindi mo naman talaga siya mahal. Nalagay mo lang sa utak mo na mahal mo siya."

"Ano?! Kinukwestyon mo ba pagmamahal ko sa kanya?!"

Nagkibit balikat ako. "Ikaw nagsabi niyan."

"LABRUSCAAAAAAAAAAAA!!!!!!!" Sigaw niya.

Tinap ko naman 'yung pisngi niya na palaging may mamon. "Marami namang iba diyan, Kisses. Maraming pwedeng magmahal sayo, 'yung hindi sasayangin yung pagmamahal na binibigay mo at 'yung kaya mo pang ibigay."

Nginitian ko siya. Pasalamat ka talaga at gusto kita kaya ayaw na ayaw kong nakikita kang nasasaktan.

Isang beses ko pang tinapik 'yung pisngi niya.

"Maraming namang iba diyan, 'yung magbibigay ngiti dyan sa labi mo, at alam kung ano ang halaga mo."

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon