This time

403 15 3
                                    

AN: Pambawi sa mga kapwa ko KissWard's/KissEd's. Malkokayo. Kapit lang! Pusho, pusho. 💛

"Gonna try to be the best that I could be... all I need is one more chance to make it up to you, you'll see."

--

"Kisses."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nang nakita ko kung sino ay napaawang ako ng bibig.

"P-pwede ka bang makausap?"

"B-bakit, E-edward?"

Oo, tama kayo. Si Edward ang kausap ko. Sa loob ng ilang buwan ay ngayong lang ulit kami magkakausap.

"I just wanna ask something. Please, talk to me?"

Tumango naman ako. Afterall, he's one of my closest friend here in the industry.

Nakarating kami sa parte ng building na wala masyadong tao. Ganito ba ka-private ang sasabihin niya? Kaya kailangan naming lumayo?

"Kisses.." Pagtawag niya sa akin. "K-kung sakali ba.." Napakunot noo ako dahil patigil-tigil siya sa pagsasalita. "May pag-asa pa ba?"

"Ha?"

"Kung sakali ba na bumalik ako sa'yo, may pag-asa ba? Kahit pa na nasaktan kita?" Wika niya. "May pag-asa pa ba na makabawi ako sa lahat ng mga kasalanan ko sa'yo?"

Hindi ako kaagad nakapagsalita sa tanong niya. I honestly did not think about this. I was tryinh to move on. Pinipilit kong maging okay ako.

"Pwede ko bang itama lahat ng mga naging pagkakamali ko?" Nakikita ko sa mata niya 'yung sinseridad. "Papayag ka ba na bumalik ako sa buhay mo?"

Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isasagot ko sa mga sinasabi niya. Ang tagal kong inantay 'to, pero bakit ako nahihirapan ngayon?

"Please, pwede mo bang buksan ulit 'yung puso mo para sa tarantadong kagaya ko?"

"E-edward..."

"Pero nagbago naman ako, hindi na ako tarantado... hayaan mo naman akong ipakita sayo ang bagong ako? O di kaya'y maiparamdam ko man lang sayo ang totoo kong nararamdaman?" Aniya at hinawakan ang kamay ko. "Please, give me another chance. I'll make things rights."

"H-hindi ko a-alam." Wika ko. "G-give me t-time to p-process e-everything..."

Pinilit niyang ngumiti sa akin. "I-I'll w-wait... you know w-where to fine m-me."

Iniwanan ko na muna siya doon. Gulong gulo ako dahil sa mga sinabi niya. Akala ko ba si Maymay na ang pinipili niya? Bakit siya bumabalik sa akin?

"Are you okay?" Tanong ni Christian sa akin for nth time.

"Oo, tian." Wika ko. "Okay lang ako."

"Ay, wag ako ha." Aniya. "Wag ka sakin magsinungaling."

Napabuntong hininga naman ako. "Nagkausap kasi kami ni Edward kanina, Tian.."

Napakunot noo naman siya. "Oh ano sabi?"

"Humihingi ng isa pang pagkakataon, Tian."

"Ano sinabi mo?"

"Wala." Wika ko. "Oo, ang tagal ko ngang inantay 'yun, pero ang hirap pala magtiwala ulit. Hindi ko alam pero nahihirapan ako."

"Pagisipan mo mabuti, Kween." Aniya.

"Pero mahal ko talaga, Tian."

"Sinaktan ka nga e." Aniya. "Ano? Round two ba?"

Napasimangot naman ako. "Tian tian naman, e."

"Basta... kapag sinaktan ka nya, wag ka ulit iiyak sa akin. Hindi ako unan." Aniya sa masungit niyang boses kaya naman napanguso ako. "Wag na wag kang magtatanong kung anong dapat mong gawin, wag ako ang tatanungin mo.." Aniya at tumayo sa kinauupuan niya. "Gusto ko, ganito ang gagawin mo, tumawag ka ng ambulansya kaagad. Baka hindi ko na siya matantsa kapag pinaiyak ka pa ulit niya. Naiintindihan mo?"

Maluluha akong napayakap kay Christian. "Ang akala ko pipigilan mo ako."

"Bakit ko naman pipigilan ang kasiyahan mo?" Aniya at niyakap ako pabalik. "Basta ang akin lang, magtira ka para sa sarili mo ha?"

Tumango ako at niyakap ng mahigpit si Christian. "Thank you, Tiantian."

--

Pagkatapos naming mag-usap ay dumiretso na ako sa rooftop dahil alam kong nandoon si Edward.

Nang nakita niya ako ay nakita ko 'yung ngiti niya kahit pa na may luhang pumapatak sa mata niya.

"Dumating ka..." Aniya at tumakbo palapit sa akin.

"I'm sorry kung natagalan ako..."

"Kahit gaano ka pa katagal, maghihintay ako." Aniya at niyakap ako ng mahigpit. "Hinding hindi na kita papakawalan pa."

Napayakap ako pabalik sa kanya. Sobrang miss na miss na miss ko na siya.

Tama naman sila e, bakit ka bibitaw sa taong mahal mo? Kung mahal niyo naman talaga ang isa't isa, dapat sabay kayong lumaban sa hamon ng buhay.

"Mahal na mahal kita, Kirsten." Aniya at hinalikan ako sa noo.

Napangiti naman ako. "Mahal na maha din kita, Edward."

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon