Just wanna be with you

401 14 1
                                    

"Every time, through every up, through every down.. you know I'll always be around, through anything you can count on me."

National Kisses Day ngayon, o album launch ni Kisses. Gustong gusto kong pumunta pero hindi talaga kakayanin. Bakit ba naman kasi wrong timing ang schedule ko?! Kung kailan gusto kong malaman niya na sinusuportahan ko siya.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa inis ko.

"Hoy, bunso!" Si Ford. "Wag ka na nga mainis, for sure, nandoon naman mga fans niyo."

"Oo nga naman, Niel." Sang-ayon ni Russel.

Imbis na gumaan ang loob ko ay mas lalo lang sumama.

"Ayon na nga, ako lang kulang. Andon ang KissNiels." Wika ko.

Nakakapanlumo kasi! Gusto ko talaga manood pero di daw talaga pwede. Kung pwede nga lang tumakas, ginawa ko na!

"Hoy, hoy! Kung iniisip mong tumakas, wag na!" Ani Tristan sa akin sabay batok. "Alam naman ni Kisses na sinusuportahan mo siya."

"And, Ford's right. KissNiel's are there to remind Kisses na you guys got her back."

Mas lalo lang lumukot yung mukha ko sa sinabi nila. Pinapaalala lang nila na wala ako doon at nandoon ang KissNiels!

"Niel, ano ka ba." Sabi ni ate AI. "Marami kaya kayong hindi nakapunta."

"Oo nga. Si Donny hindi rin diba?" Ani Russel.

"Wow, thank you ah. Sobrang nakakagaan ng loob."

Humagalpak naman sila sa tawa. Pero ako? Eto nanlulumo pa rin. Ang tagal ko kayang pinaghandaan 'to tapos biglang hindi ako makakapunta. Gusto ko lang naman ipakita suporta ko sa kanya.

Pero eto ako, sa twitter. Nag-aabang ng updates. Iba rin naman talaga ang mga fans ni Kisses. Solid talaga! Pati mga iba't ibanh ships sa kanya, nagkaka-isa.

Yung KissNiels ko, sobrang proud ako. Kasi hindi talaga sila sumusuko maiparamdam lang na mahal nila kami. Naka-violet talaga sila at may pa-tarpaulin pa. Wooh! Petmalu, KissNiel's!

Binatukan ako ni Tristan dahilan para mapatingin sa kanila.

"Niel, umayos ka nga." Ani Tristan.

"Hayaan mo na," Ani Ford. "Broken 'yan e."

"Wow, sige. Paalala niyo pa." Wika ko. "Napakabuti niyong Kuya e no?"

Tumawa naman sila. "Nako, Niel. Mahal ka lang talaga namin."

"No, thanks." Wika ko na kinatawa naman nila.

Nakakainis kaya na inuulit ulit nila na broken ako. Oo, broken talaga ako! Gusto ko lang naman makasama si Kisses sa album launch niya eh. Bakit ba?

Nagpatuloy na kami sa pagrerehearse. Pinilit kong magfocus para naman mawaglit yung pagiging heartbroken ko. Ang hirap kasi e!

"Wooh! Water break, please!" Sigaw ni Joao.

"Niel, okay ka lang?" Tanong ni Tristan sakin.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"Mukha ba siyang okay?" Tanong ni Ford.

"Hindi, mukha siyang nalugi." Pang-aasar sakin ni Tristan.

Inakbayan naman ako ni Russel, "Alam mo bunso, it's okay. Di lang naman ito ang first album launch ni Kisses."

"Ano ba? Paano kaya ko makakapagfocus kung paulit ulit kayo?" Tanong ko.

Humagalpak naman sila sa tawa. "Affected ka kasi masyado, bunso."

Sinipa ko naman si Joao. "Nakakaloko na kayo. Magkakapatid ba talaga tayo?"

"Oo naman!" Ani Joao sabay gulo sa buhok ko. "Yun nga lang, wala talagang chance na makapunta ka sa skydome."

"Tigilan niyo nga ako!"

Humagalpak ulit sila sa tawa. Di ko nalang sila pinansin kaya naman bumalik na kami sa pagrerehearse. Naalala ko naman na guest niya si Tony. Ang swerte non. Di naman niya kilala si Kisses dati e, o akala ko lang?

Napatulala naman ako nang naisip ko nanaman si Kisses, hay. Iba na 'to. Hindi na 'to maganda. Siya nalang lagi naiisip ko.

"Iba talaga pag tinamaan 'no?" Narinig kong wika ni Tristan. "Tingnan mo si Niel, bigla nalang natulala."

"He's smitten." Ani Russel. "Naku, paano kaya niyan?"

"Wala kasi siya sa album launch." Ani Ford.

Nilingon ko naman sila na kinabigla nila. "Oo nga, wala nga ako sa album launch. Wag niyo na ulit uliti."

Natawa naman sila. "Ano ka ba, bunso. Sabi nga namin kanina, hindi ito ang last album launch ni Kisses."

"Pero diba mas okay kung first album launch palang ay nandoon na ako?"

"For sure naman maiintindihan ni Kisses kung bakit wala ka." Ani Ford. "Napakabait nun, e."

Napabuntong hininga nalang ako. "Nasanay kasi ako.."

"Na pwede siyang puntahan?" Ani Tristan. "Kung pwede lang talaga Niel sasamahan ka pa namin. Kaso hindi talaga, e."

Tumango nalang ako at tingnan ko yung twitter account ko. Halos manlambot ako nang nakita ko yung pictures ni Kisses at Tony.

"Ay, iba rin 'tong si Labrusca!" Ani Tristan. "May pa-flowers ang mokong!"

"Tinaob niya lahat ng ships ni Kisses." Natatawang wika ni Ford. "Pero KissNiel pa rin ako."

"Look at how Tony smile.." Ani Russel. "Parang may kilig?"

Tinitigan ko yung pictures nila. Kita ko yung ngiti ni Kisses na hindi pa niya naibibigay sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng selos. Masasabi ko kasi na masaya si Kisses habang kausap si Tony.

Bakit kaya ganon no? Kung sino pa yung gusto mong makasama yun pa ang ayaw ibigay sa'yo. Bakit naman ganon?

Nagscroll pa ako at nakita ko yung iilang tweet tungkol sa pagpapaalam ni Tony kay Kisses na aalis na siya. Kaya ko din naman gawin 'yun, e. Pagbigyan niyo lang ako. Bigyan niyo lang ako ng chance. Malay niyo, kami pala talaga.

Bumuntong hininga naman ako. Hay, ang hirap talaga mangarap. Lalo na kung bituin talaga yung pinapangarap mo. Sana ganon ko kadaling maabot. Kaso hindi e, milya milya yung layo.

Pero kahit na ganoon? Gusto ko lang talaga na makasama si Kisses. Kahit na anong mangyari, ayawan man niya ako o ano, nandito lang ako para sa kanya.

"Okay lang 'yan." Ani Tristan sabay tapik sa balikat ko.

"Yes, bunso." Ani Ford. "Babawi tayo!"

Natawa naman ako sa sinabi nila. "Thank you talaga sa suporta."

"Sus, ikaw bunso namin e." Ani Joao. "Kaya umayos ka na. May papatunayan ka pa."

Napangiti naman ako sa sinabi niya at tumango. Antay ka lang, Kisses. May mapapatunayan din ako para sa sarili ko at para maging proud ka rin sa akin. Gusto ko na malaman mo na pwede mo rin akong ipagmalaki.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon