Chapter 6 - She's Not Gone

Start from the beginning
                                    

At ayun na nga nung nagkatinginan kami ay lalo ako naaasar. Naasar ako makita pagmumukha niya. Naalala ko naman kasi si Diana at ang aking naudlot na plano.

Parang gustoko matawa sa sarili ko ngayon. Kasi naman eh, ganon ba talaga ako ka bad trip at naiinis akong makita ang pagmumukha ni James? Tumayo na lang ako.

Para ano? Eh di aalis na ako. Alangan namang tumayo lang ako dun di ba? Para naman akong tanga pag ganon. Magpapahangin na lang muna siguro ako. Baka hindi ko na mapigilan itong inis ko ay magwala ako dito. Malaking gulo iyon pag nagkataon.

Si James pa man din ang aawayin ko. Ang yabang ko rin. Para namang kaya talaga ng powers ko na kalabanin itong si James. Takot ko lang ‘dyan.

"Alis na ako" Sabi ko sa mga kaibigan ko. Siyempre nagpalam pa rin naman ako no. Hindi naman ako bastos tulad ni James. Hindi pa man ako tuluyang nakakaalis sa mesa namin ay may nahagip ang aking magagandang mga mata.

James’ POV

Nandito na kami ngayon sa canteen. Siyempre sino pa ba ang mga kasama ko, eh di ang mga kaibigan ko. And guess what. I'm pissed off. Again. And guess again who's the reason? Ang pinakakinamumuhian kong mga tao sa mundo.

Take note, mga ang sinabi ko. Ibig sabihin madami sila. Sino sila? Sino pa kundi ang magaling kong ama, ang babaeng ‘yun. When I say babaeng ‘yun, you should know who I mean. At ang pinakabago sa listahan ko. Si principal Reyes.

Wanna know why? I'll tell you why.

Flashback mode the second time around.

Pagdating ko sa school ay wala ng gaanong tao sa hallway. Obviously nasa mga classrooms na nila ang mga students. Actually sinasadya ko talagang late pumasok minsan. Dahil nga class hours na, wala ng makakakita sa akin. Walang mga babaeng titili.

Instead of going to our classroom right away, napagdesisyunan ko na dumaan muna sa principal's office. Gusto ko lang i check kung tinotoo ng babaeng iyon ang sinabi niya na magda drop out siya. Baka mamaya eh hanggang salita lang iyon.

I didn't bother to knock on the door. Binuksan ko lang ito at basta pumasok. And I didn't expect who I saw. My father. What the heck is he doing here?

"What are you doing here dad?"

"I'm the one who should be asking you that. What are you doing here at this time? It's already class hours. And most importantly, where are your manners James? How can you just enter into a room without even knocking?"

Tsk. Kung makapagsalita siya akala mo kung sinong may manners. Eh basta-basta nga rin lang siyang pumapasok sa room ko ng hindi nagpapaalam. At saka kelan pa ba siya nagkaroon ng pakialam sa mga ginagawa ko?

"I just have something to discuss with the principal. It's none of your business so don't bother to know what it is."

When Suplado Boy Meets Palaban GirlWhere stories live. Discover now