Somebody that I used to know

484 23 3
                                    

Ps. Did not proofread. Sorry.
-

"Now you're just somebody that I used to know."

--


Once upon a time, I fell inlove with a guy.

Did I?

Or I just thought that? Kasi di ba kami kami lang magkakasama nitong mga nakaraang buwan.

Sige, isa isahin natin yung mga posibleng maging dahilan kung bakit nahulog man ako.

Una, lagi niyang pinaparamdam sa akin na gusto niya ako. Lagi niya akong pinipili.

Pangalawa, pinaparamdam niya sa akin na special ako. Hinahayaan niya akong kumuha sa pagkain niya at alam niya kapag gusto ko pa. (Because, food is life!! Remember that, oki?)

Pangatlo, siya yung unang una na magpapangiti sa akin kapag malungkot ako, siya rin yung humawak ng mahigpit sa akin nung panahon na sobrang gulo ng buhay ko. Never niya akong hinusgahan.

Hindi siya cute, hindi rin siya mabait at lalong hindi rin siya perpekto pero siya yung gusto ng puso ko. Siya yung ginugusto ng puso ko.

Pero anong nangyari?

Bigla nalang niya akong iniwan. Iniwanan niya ako sa ere na parang basura lang.

Akala ko pa naman iba siya, akala ko hindi siya katulad nila, pero akala ko lang pala yon.

Iniwan mo lang din ako, pati tinuring kong matalik na kaibigan ay tinalikuran ako. Bakit? Para saan?

Kung dahil 'yan sa kasikatan ay wala akong pakialam diyan. Hindi ko ginusto na mahigitan kayo, pantay pantay lang tayo. Nagsimula sa ibaba, pero bakit ako pa yung sinaktan niyo? Bakit ako pa? Minahal ko naman kayo ah? Higit pa sa sobra.

Pero ako ba? Minahal niyo ba ako? Minahal niyo din ba ko?

Bakit niyo ako hinayaang mag-isa?

"Baby girl!"

Bigla akong napatalon sa gulat ng narinig ko si mommy Vice.

"Mommy!"

Tumakbo ako palapit sa kanya para yakapin siya. Tawa lang ng tawa si Mommy Vice. Nakita ko naman silang dalawa na nasa gilid ni Mommy Vice.

"Alam mo ba?" Ani Mommy Vice. "Anak ka namin ni Karylle."

"Po?"

"Mana ka sa kanya kasi Binibining Kurba ka na rin ngayon." Wika ni Mommy Vice. "Tapos mana ka sakin sa pagiging hugutera."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Namiss po kita, mommy Vice."

"Bumisita nong isang araw sa showtime sila Maymay, bakit hindi ka kasama?"

"Nagpapractice po ako kasama si teacher gelai."

Inakbayan naman ako ni Mommy Vice dahilan para mapaharap ako kila Maymay at Edward.

Si Maymay masama ang tingin sa akin. Si Edward naman ay nailing habang nakatingin sa akin.

Ano? Kasalanan ko nanaman? Bakit ba hindi siya magpakatotoo sa sarili niya? Hindi siya magugustuhan na lahat because of her attitude. Pastar na, wala pa man. Naiinis ako sa kanila, akala mo'y ginagamit ko para sumikat ako. I wanna slap them with the truth na ako yung ginagamit nila, niloloko nila yung Kissables ko.

Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy Vice ay pumuntaakong dressing room ko. Inayusan naman ako kaagad ni Ms. Bang. I'm a fan. Hihihi

I drifted again from the reality. Ang sakit pala. Kahit pala anong inis ang mayroon ako sa kanya, di ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan.

He didn't fight for me, he didn't kept his promise to me.. He really broke me, he left me hanging.

How can I tell anyone that I am broken? My heart is broken because of him. I thought he'll stand by my side. But no, he made me realize that he will not, and he's not deserving for my love.

"Kisses?"

"Po?"

I looked at myself at the mirror, wow, I saw my glam team smiling at me. I am really blessed to have them inspite of being broken and empty inside.

"Maiwan ko muna kayo ha?" Wika ni Ms. Bang.

I was left with Maymay and Edward. What the hell?

"Alam mo, Ed?" Biglang sabi ni Maymay. "Ayoko talaga sa mga taong manggagamit at plastic."

Napairap nalang ako sa sinabi niya. Wow, galing. Dinedescribe niya sarili niya.

"May." Pinipigilan siya ni Edward

"Naiinis ako, bakit kasi kailangan niyang magpanggap diba?"

Napailing nalang ako. Napaka-attention seeker, di bale sana kung kinaganda niya diba? Kaso hindi!!!!

"Akala mo kung sino, wala namang talent."

That's where I lost my control. She crossed the line.

"Atleast may manners, unlike someone who has many talents wala namang good manners." I said and gave them my sweetest smile.

I stood up at nilapitan si Maymay. "Alam mo kasi May," Wika ko sabay haplos sa buho niya, "Ang pag-iinarte binabagayan yan ng mukha." Sabay tingin sa salamin, "Wala kang karapatang mag-inarte kung hindi ka maganda," Sabay tingin ulit sa kanya, "Di ka na nga maganda, nag-iinarte ka, ay wala. Ganon pa rin."

"Sumosobra ka na!" Sigaw ni Maymay sa akin. "Akala mo porket maganda ka kung sino ka na?! Mayaman ka lang uy! Pero wala ka pa ring talent!"

Tumawa ako. "As I've said, mas okay na ako sa walang talent pero may manners, May."

Nakita kong halos maputol na yung ugat niya sa leeg sa sobrang inis. Hmm, I sense victory baby. You can't compete with a Queen.

Sa sobrang inis ni Maymay ay padabog siyang lumabas ng dressing room.

"Bakit mo naman sinabi kay Maymay yun?" Tanong ni Edward. "Oo, maganda ka. Tingin mo tama ginawa mong pamamahiya sa kanya?"

"Tama bang pina-blind item niya ako?"

"Hindi si Maymay yun!" Depensa ni Edward.

"Oh please." Wika ko. "Ikaw nga siniraan ka na niya noon sakin, tingin mo di niya kayang gawin sakin yun?"

"W-what? A-anong siniraan niya ako?"

Ngumisi lang ako. "Kung ako sayo kikilalanin ko ng mabuti ang ka-loveteam ko."

Lumabas na rin ako ng dressing room at umakyat muna ng rooftop. Gusto ko munang magpahangin.

Ibang iba na talaga si Edward ngayon. Kung dati ay lagi siyang namamagitan sa dalawang nag-aaway ngayon ay may kinakampihan na siya.

Umupo ako sa sahig sabay tingala. Lord, bakit niyo naman po ako laging sinasama doon sa dalawa?

Pagod na po ako. Pagod na po ako kakaaksaya ng oras para sa taong mahal ko pero di naman talaga ako mahal.

Pagod na po akong masaktan, pagod na po akong umiyak, pagod na rin po akong mag-isa.

Okay lang naman po siguro na sumuko na ako diba?

Kasi hindi ko na  kaya.

Naisip ko po kasi na sarili ko nalang ang pwedeng tumulong sa akin. Naisip ko rin po na mas mabuti pang mahalin ko ang sarili ko ng buo kesa sa mga taong hindi maiparamdam sa akin na mahalaga ako.

At ngayon, pipiliin ko ng maging masaya. Kasi makakamove on na ako.

Pumikit ako at huminga ng malalim, apahawak naman ako sa dibdib ko ng makita ko yung mukha ni Edward, Edward Barber na hindi ko na kilala ngayon. Now, he's somebody that I used to know.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon