Sumama din pag-akyat sa akin ang dalaga. May dala siyang supot ng isang sikat na fastfood. Mukhang nakuha pang mag-drive tru ng dalaga, marahil habang himbing ako sa pagtulog kanina sa kotse.

Pagkabukas ko ng condo ko ay dumeretso na ang dalaga sa kusina. Inayos niya ang mga pagkain sa counter table ko doon habang naupo naman ako sa high stool chair at pinanood lang ang dalaga sa paghahain nito. It's refreshing to see a woman doing stuff in my kitchen. Kahit na ba paghahain lang ng mga binili niyang pagkain.

Kahit papaano pala maalaga ang dalaga...

"Kumain ka na para makainom ka ng gamot." Anito pagkatapos ihain ang binili niya.

"I can't eat. My arm hurts when I raise it." Reklamo ko sa dalaga. Gusto ko makonsensya siya sa ginawa niya sa akin.

"Use your other hand." Sarkastikong anito na ikinakunot ng noo ko.

"I'm right handed Hannah." Anunsyo ko.

"Ang arte mo! Porket mayaman ka, sobra ka na sa arte! Magkamay ka!" Ani Hannah.

"This is all your fault! Feed me!" Iritang ani ko sa babae na ikinairap niya sa akin.

"Such a pain in the àss!" Reklamo ni Hannah pero maya-maya ay lumapit din siya at tumabi. Alam kong susubuan na niya ako nang kunin niya ang kutsara at tinidor. Iniumang niya ang kutsara sa bibig ko kaya isinubo ko na din iyon habang sinusupil ko ang ngiti ko. Nilulubos-lubos ko na ang pagiging mabait ng dalaga, kahit papaano pala ay nakokosensya din siya. Makaganti man lang sa pagtulak niya sa akin kanina at sa natamo kong injury.

Naparami pa nga yata ang kain ko dahil natutuwa ako sa bawat ekspresyon ng pagkairita na dumadaan sa mukha ng dalaga kada inuumang niya ang kutsara sa bibig ko. Kung noon ay madalang ang pagdaan ng emosyon sa mukha nito ngayon naman ay puno na iyon ng iritasyon. Mas mabuti na iyon kesa sa wala.

"Oh inumin mo!" Mataray na aniya sa akin habang inaabot ang gamot at tubig. Painkiller marahil na binili niya iyon. Inabot ko na lang iyon at ininom.

"Aalis na ako. Malayo pa kasi ang uuwian ko." Anunsiyo niya sa akin pero pinigilan ko siya sa braso. Ewan ko ba kung bakit nataranta ako ng magpaalam siya.

"Hey, could you stay? Nurse me back to health." Paawa ko pa sa babae

"Hindi ako nurse!" Gigil naman niyang sagot sabay haltak niya ng braso niya mula sa pagkakahawak ko.

Then my mind played another scene where Hannah is wearing a very sexy outfit of a nurse then she's examining me. My body suddenly felt warm and I swallowed hard.

Damn! That would be as sexy as hell!

"Hoy nakikinig ka ba?! Sabi ko uuwi na ako. Nariyan na ang ibang gamot mo sa table." Anito na nagpabalik sa akin sa realidad.

"I might need you. Pakiramdam ko kasi lalagnatin ako eh... kasalanan mo naman bakit ako nagkaganito! Take care of me Hannah." Aniko sa babae. Alam ko nagiging needy na ako and I wanted to punch myself with the words that came out of my mouth but I just want to be with Hannah. She look more pissed as her nostrils flare. I wanted to pinch her cheek at how cute she is when she's angry.

"Sugat lang yan! Hindi ka pa mamamatay!" Singhal niya na lalong nagpalabas ng pang-aasar ko sa babae.

"Hindi mo ba nakikita ang laki ng hiwa sa braso ko?! Kasalanan mo ito kung bakit nagkaganito ako! Inaya mo ako kung saan tapos itinulak mo ako sa bangin! Ibang klase ka rin ha, ikaw pa ang galit!" Sagot ko naman sa dalaga. Napapalatak ito at animo'y nagtitimpi. Ramdam ko naman na bahagya itong nakonsensya sa ginawa niya sa dumaang guilt muli sa mata nito.

"Oo na! Oo na!" Napipilitang anito sa akin.

"Good. Stay in my room too. Baka lagnatin ako mamaya, mabigat na ang pakiramdam ko." Dagdag ko sabay talikod sa babae ramdam ko naman ang pagsunod niya.

Gusto ko sanang maligo kaso pakiramdam ko ay lalagnatin ako kaya naghubad na lang ako ng pantalon. Hinayaan ko lang mahulog iyon sa paanan ko at pagkatapos ay naglabas ng boxers sa cabinet ko. Hindi ko din alam paano magpapalit ng damit kaya baka hubadin ko na lang din iyon. Naisip kong mas madali pala ang maghubad kasya magbihis kapag ganitong sugatan ka.

Paglabas ko ng banyo ay nakahiga na ang dalaga sa kama ko. Nakapagpalit na din ito ng damit na marahil baon niya mula sa backpack niya. Sandali akong napatitig sa babae. Bagay na bagay siya sa kama ko. Humiga ako sa tabi niya at nang maramdaman ako ng babae ay tumagilid siya sa akin.

"Masakit pa ba?" Muling naging malambing ang tono ni Hannah na gustong-gusto ko. Kung sana ganito ng ganito ang tono niya marahil ay hindi ko din siya maaaway.

"Hindi na masyado. Baka umepekto na ang painkillers." Sagot ko sa dalaga. Umusog siya sa tabi ko at nanlaki ang mata ko ng dumikit sa braso ko ang dibdib niya. Bigla naramdaman ko din ang palad niya sa noo ko. Sinasalat lang pala ng dalaga ang noo ko para tignan kung tumaas ang temperatura ko.

"Medyo mainit ka nga." Aniya sa akin. Pero hindi ko sigurado kung sa lagnat pa talaga iyon o dahil sa init na hatid ng paglapat ng malambot niyang katawan sa akin.

Fvck! Here we go again...

Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagkakadaiti ng katawan niya sa akin kaya mabilis akong napalunok. There is this urge to hold her tight and kiss her senseless but I tried with all my might to control myself. Nakahinga lang ako ng maluwag ng umusog na palayo ang babae.

"Matulog ka na Hunter para hindi mo na maramdaman ang sakit. Don't worry, aalagaan at babantayan kita." Anito na nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Napatitig ako sa dalaga. Kay sarap sa tenga ko ng sinabi niyang 'yun. Ewan ko kung bakit nagustuhan ko ang sinabi niya kaya heto ako at abot tenga ang ngiti sa dalaga. She chuckled at my silly expression.

"Don't get used to it." Warning niya na ang tinutukoy ay ang malambing niyang himig.

"I want to get used to it." Sagot ko naman sabay salikop ng kamay niya gamit ang kamay kong walang sugat. Then I closed my eyes. Tinatanggal ni Hannah ang kamay kong mahigpit na nakakapit sa kamay niya pero mas hinigpitan ko iyon. Then she finally gave up and let me hold her hand. That surrender leaves a sweet smile on my lips 'til I drifted to sleep.

Heartless Hannah (Completed)Where stories live. Discover now