Chapter #51

10 2 30
                                    

Hindi mag kasabay na pumasok si Mikey at Gerard ng school tulad ng dati tumambay si Mikey sa Rooftop ng school nila.

Naisip niya na pupunta doon si Shana Michaela gusto din niyang humingi ng sorry dahil sa hindi siya nakapunta sa Park. Alam niyang galit sa kanya si Shana Michaela dahil simula nung nagising siya sinubukan niyang imessage ito pero hindi siya nirereplayan nito.

Rooftop

Habang nag iintay siya kay Shana Michaela umupo siya sa paborito niyang pwesto at nag lagay ng headset.

Mayamaya naman may umupo sa tabi niya. At inalis sa isang tenga niya ang headset. Tumingin siya dito dahil baka si Shana Michaela na ito.

Mikey Way: ( Na disappoint ito ng hindi si Shana Michaela ang nakita niyang katabi niya )

Gerard Way: Mikey wag ka ng magalit sa akin. Sorry kung hindi ko sinabi sayo yung tungkol sa totoong magulang mo

Mikey Way: Pwede ba Kuya Gerard iwan mo na lang ako dito. Wala akong tinagong sikreto sayo pero ikaw sumira ka sa usapan nating walang mag tatago ng sikreto.

Gerard Way: Mikey hindi mo alam ang totoo kaya minabuti kong wag na lang sabihin sayo ang tungkol dito

Mikey Way: Kuya Gerard ano pa ba ang totoong hindi ko alam ( Medyo mataas na ang tono ng boses nito )

Gerard Way: Mikey ginagawa ko lang ito dahil sa hindi ko gustong mapahamak ka

Mikey Way: Hindi ko alam kung paniniwalaan pa kita Kuya Gerard nag tiwala ako sayo pero bakit hindi mo sinabi ito sa akin at parang ang dami mong sinikreto sa akin na dapat kong malaman ( Tumayo ito ) Pwede bang wag mo na lang akong kausapin muna ayoko munang makausap ka

Umalis na sa Rooftop si Mikey at naiwan naman na mag isa si Gerard doon.

Hindi maalis ni Gerard ang kalungkutan dahil na din sa mga sinabi sa kanya ni Mikey.

Classroom Nila Mikey

Pag pasok ni Mikey sa Classroom niya agad naman niyang tinignan ang upuan kung saan nakaupo si Shana Michaela. Pero wala pa ito kaya naman umupo na siya sa upuan niya. Lumapit naman sa kanya si Becky at Shasha.

Sasha Banks: Mikey kamusta yung date ninyo kahapon ?

Becky Lynch: Oo nga mag kwento ka naman sa amin ni Sasha ( Nakangiting sabi nito )

Mikey Way: Pasensya na wala ako sa mood mag kwento ( kinuha nito ang libro ng unang subject nila at nag basa na )

Sasha Banks: Ano ba yan ang daya ninyong dalawa ni Shana Michaela kagabi ko pa siya minemessage pero hindi ako sinasagot

Becky Lynch: Ganyan din siya sa akin kaya nga naisip ko na lang na dito siya tanungin eh

Mikey Way: ( Tumingin ito kay Sasha at Becky ) Buti pa intayin nyo na lang siyang dumating at sa kanya nyo na lang tanongin yan

Sasha Banks,Becky Lynch: Okay ( Sabay na sabi nila at umalis na )

Napaisip naman si Mikey sa sinabi ni Sasha at Becky.

Mikey Way: Bakit naman kaya niya hindi sinasagot ang message ng mga kaibigan niya ? ( Mahinang tanong niya sa sarili niya )

Lumipas ang isang oras at dumating na ang unang teacher nila. Napatingin naman si Mikey sa upuan ni Shana Michaela na bakante dahil wala pa din ito.

Mikey Way: Bakit kaya wala pa siya hindi naman siya nalalate sa pag pasok at kung absent naman siya bakit hindi manlang niya sinabi sa akin ( Sabi nito sa sarili niya )

Matapos ang ilang oras at tumunog na ang schoolbell dahil recess na nila. Pumunta na si Mikey sa Canteen.

Canteen

Habang nakaupo sila at kumakain napansin ni Ray at Frank na wala si Shana Michaela. Habang si Gerard naman ay tahimik lang.

Ray Toro: Mikey asan si Shana Michaela ?

Frank Iero: Hindi ba siya pumasok ngayon ?

Mikey Way: Yun nga ang gusto kong itanong sa inyong dalawa hindi ba nag sabi sa inyo si Shana Michaela kung bakit siya absent ngayon ?

Ray Toro: Hindi kaya nga hinahanap ko siya ngayon

Gerard Way: Baka naman kasi galit siya sayo dahil hindi ka sumipot sa usapan ninyo kahapon

Mikey Way: ( Tumingin ito ng masama kay Gerard ) Kasalanan mo yun kung bakit hindi ako nakarating kahapon ( Inis na sabi nito )

Gerard Way: Pano ko naman naging kasalanan yun ?

Mikey Way: Dahil kung matagal mo ng sinabi sa akin ang tungkol sa totoo kong magulang sana hindi ko nalaman yun kahapon sa Grupo nila Miz at sana nakapunta ako sa usapan namin ni Shana Michaela ( Inis na sabi nito )

Gerard Way: ( Napayuko na lang ito )

Frank Iero: Tumigil na nga kayong dalawa Mikey may matinding dahilan si Gerard kung bakit niya tinago ang totoo sayo

Ray Toro: Tama si Frank kaya pwede ba wag mo namang awayin si Gerard. Naging mabait na Kuya sayo si Gerard kaya sana naman hindi ito ang dahilan para kalimutan mo ang lahat ng pinag samahan ninyong dalawa

Mikey Way: Frank may matinding dahilan si Kuya Gerard ibig sabihin alam mo ang tungkol dito ? Ikaw Ray alam mo din ba ang tungkol dito ?

Ray Toro,Frank Iero: ( Tumango sila bilang sagot )

Mikey Way: Wow ibig sabihin ako lang talaga ang walang alam dito ( Inis na sabi niya )

Frank Iero: Nung nakaraan lang namin nalaman ni Ray ang tungkol dito Mikey. Kaya Sana mag kaayos na kayong dalawa ng Kuya mo

Mikey Way: ( Tumayo ito at umalis na ng Canteen )

Susundan sana siya nila Frank,Ray at Gerard pero tumunog na ang schoolbell dahil tapos na ang recess kaya naman bumalik na sila sa classroom nila.

Kwarto

Minulat ni Shana Michaela ang kanyang mga mata at hindi niya magalaw ang kanyang buong katawan para bang nakatali siya.

Nilibot ni Shana Michaela ang kanyang paningin para malaman kung asan siya pero wala siyang makita dahil madilim doon. Sinubukan din niyang gumalaw pero hindi niya magawa dahil sa mahigpit ang pag kakatali sa kanya. Hindi rin siya makasigaw dahil sa may takip ang kanyang bibig.

May nakita siyang liwanag na nanggagaling sa harapan niya dahil sa may nag bukas ng pinto at may pumasok na tao at binuksan ang ilaw. Dahilan para makita ni Shana Michaela kung nasaan siya at kung sino ang taong pumasok sa kinaroroonan niya.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now