Chapter #20

18 4 39
                                    

Nakarating na sila sa Gerard Way Frank Iero at Mikey Way sa Basketball Court.

BasketBall Court

Mikey Way: Shana Michaela ( Sigaw nito )

Frank Iero: Shana Michaela asan ka ? ( Sigaw nito )

Gerard Way: ( Ginala ang mata ) Mikey bakit parang ang tahimik naman dito? Parang walang tao ?

Mikey Way: Pero yun ang sabi ni Shana Michaela sa message niya nakita naman ninyo hindi ba ? ( Halata sa mukha niya ang pag aalala ) Asan na kaya si Shana Michaela ?

Frank Iero: Buti pa hanapin na lang natin siya dito may mga kwarto dyan baka andyan lang siya

Gerard Way: Buti pa nga mag hiwahiwalay na lang tayo para mahanap natin siya

Mikey Way: Sige ( maikling sagot nito kay Gerard Way )

Ginawa na nila ang sinabi ni Gerard Way nag hiwalay silang tatlo para mahanap nila si Shana Michaela. Habang nag lalakad lakad si Mikey Way hindi niya maalis sa kanya ang mag alala. Pumasok sa isang Kwarto si Mikey.

Kwarto

Mikey Way: Shana Michaela andito ka ba ( Ginala niya ang kanyang mga mata habang nag lalakad ito sa kwarto )

Maya maya lang ay nakaramdam siya na parang may tao sa kanyang likoran kaya naman agad siyang tumalikod para malaman kung sino iyon. Nakita niyang may tatlong lalaki ang nasaharapan niya.

Miz: ( Pumalakpak ito ) Tama nga ang sinabi sa akin ni Shana Michaela na madali ka niyang mapaikot

Neville: Oo nga paniwalang paniwala ka sa message niya sayo

Corbin: Alam mo sa ganda talaga ni Shana Michaela pwede niyang itago ang tunay na ugali niya

Neville: Pano naman kasi ang amo ng mukha niya parang hindi talaga siya katulad namin

Mikey Way: Ano bang pinag sasasabi nyo dyan ? Asan si Shana Michaela may ginawa ba kayong tatlo na masama sa kanya ? ( Sunod sunod na tanong nito at halata ang pag aalala niya )

Miz: Bakit naman ganyan ang reaksyon mo ? Halata ang pag aalala sa mukha mo ( nakangising sabi nito )

Neville: Bakit Boyfriend ka na ba nya ?

Corbin: Oh baka naman feeling boyfriend ka lang O kaya naman feeling savior ( Matapos mag salita ay tumawa ito )

Mikey Way: Kaibigan ko lang si Shana Michaela kaya concern ako sa kanya. Asan na ba kasi siya ? ( Inis na tanong nito at tiniklop niya ang kamao niya )

Miz: ( Tinignan ang kamao ni Mikey Way ) Mukhang tumatapang ka na talaga bang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya ?

Mikey Way: Sumagot ka sa tanong ko sayo Miz. Asan si Shana Michaela ? ( Galit na tanong nito kay Miz at mas humigpit ang pag kakatiklop ng kamao nito )

Miz: Asan nga ba siya ?

Neville: Ang totoo nyan wala siya dito

Mikey Way: Kung ganon asan siya ? Nag message siya sa akin na andito siya at kailangan niya ng tulong ko ( Pasigaw na tanong nito )

Corbin: ( Natawa ito ) Ay oo nga pala pinapunta ka niya dito dahil sa may surpresa kami sayo

Mikey Way: Ano bang sinasabi ninyong surpresa ?

Miz: Kami ang surpresa alam mo ang totoo nyan kaninang uwian nag message sa akin si Shana Michaela. Gusto mong basahin ? ( Kinuha ang cellphone niya sa bulsa at may pinabasa kay Mikey )

Shana Michaela

Miz nasa may basketball court ngayon siya ikaw na ang bahala sa kanya. Nga pala gusto ko sana pahirapan mo sya ng sobra yung hinding hindi nya makakalimutan. Pano mag enjoy kayo sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Mikey Way ng mabasa niya ang message na yun hindi nya alam kung maniniwala siya sa pinakitang message sa kanya o hindi. Parang sasabog ang puso niya sa sakit ng mabasa niya ang message na yun at hindi siya makapaniwala dahil number talaga ni Shana Michaela ang nakaregister duon.

Neville: Oh EMO bakit ka natahimik

Corbin: Masakit mapag laroan hindi ba ?

Miz: Ayan ba ang babaeng mamahalin mo ang katulad namin

Hindi namalayan ni Mikey Way na tumutulo na ang kanyang luha dahil sa kung sino pa ang taong nag papasaya sa kanya ay siya din palang mananakit sa kanya at hindi lang basta pananakit ng physical kundi emotional.

Neville: Siguro tama na muna yan kasi halata naman sayo na nagulat ka sa tunay na kulay ng babaeng tinawag mong kaibigan

Miz: Alam mo tama si Neville sa ngayon papabayaan ka muna namin na pag isipan ito. Hindi ka muna namin bubugbugin kasi may iba kaming surpresa sayo.

Binuksan ni Neville ang pinto ng kwarto at nagulat si Mikey ng makita niya ang nasa labas ng pinto.

Mikey Way: Kuya Gerard Frank ( tumingin ito kay Miz ) Anong ginawa ninyo sa kanila ?

Hawak ng apat na lalaki si Frank Iero at Gerard Way at nanlalata na ang dalawa dahil sa bugbog na inabot nila at halos konti na lang ng ay mawawalan na ng malay ang dalawa.

Corbin: Dahil hindi ikaw ang sinaktan namin ng Physical sila na lang na dalawa

Miz: Ngayon sino na ang mag tatanggol sa iyo ang kuya mo na ayan konti na lang mawawalan na ng malay kasama ang kaibigan niyang tulad mong EMO ( Tumawa ito )

Mikey Way: ( Hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili kaya naman sinuntok niya sa mukha ng malakas si Miz ) Wala ka talagang puso ( Galit na sabi nito )

Miz: ( napaupo ito sa lakas ng suntok sa kanya ni Mikey ) Ako pa talaga ang walang puso. Eh si Shana Michaela ano siya anghel ? ( Tumayo ito at pinahid ang dugo sa labi niya )

Neville: Pag isipan mo ngang mabuti ang kinakalaban mo EMO ( nakahanda na sana siyang sugurin si Mikey pero pinigilan siya ni Miz )

Miz: Neville hayaan mo na muna yan may araw din yang EMO na yan sa ngayon kailangan nyang pag isipan kung talaga bang kaibigan nya si Shana Michaela O baka naman tulad nating mag papahirap sa kanya ang babaeng akala niya kaibigan niya ( Inutusan ang apat na lalaki na bitawan na si Frank at Gerard )

Nang mabitawan ng apat si Gerard at Frank agad naman na pinuntahan ni Mikey ang dalawa.

Mikey Way: Gerard kaya mo pa ba ?

Gerard Way: Kaya ko pa buti pa buhatin mo na lang si Frank kailangan na nating makauwi para magamot na siya

Mikey Way: ( Binuhat na si Frank dahil wala na itong malay ) Pero ikaw pa ano ka ?

Bigla naman na may dumating at napatingin si Mikey sa tatlong taong tumatakbo papunta sa kanila.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now