Chapter #19

14 4 54
                                    

Canteen

Mag kakasamang kumain si Shana Michaela,Mikey Way,Gerard Way,Frank Iero at Ray Toro sa isang mesa at sa hindi naman kalayuan sa kanila magkakasamang kumakain si Neville,Corbin at Miz.

Gerard Way: Oh Mikey kamusta ?

Mikey Way: Okay lang ( maikling sagot nito )

Shana Michaela: Hindi mo manlang ba sasabihin sa Kuya Gerard mo na lalaban ka sa gaganapin na Spelling Competition ( matapos sabihin yun ay kinagat ang hawak niyang hamburger )

Nagulat naman si Gerard Way at Frank Iero sa sinabi ni Shana Michaela.

Ray Toro: Wow ang galing mo naman Mikey Way pero hindi ba dalawa ang kailangan na kasali duon ?

Frank Iero: Oo nga sino naman ang kasama mo sa Competition na yun ?

Gerard Way: Tiyak isa sa classmate mo kaya hindi mo manlang ibinalita agad sa akin ?

Mikey Way: ( Huminga ito ng malalim at uminom ng coffee ) Si Shana Michaela ang kasama ko sa Competition. Hindi ko gustong sabihin sayo dahil alam ko naman na wala din namang mangyayari matatalo lang kami duon at tiyak naman na pagtatawanan lang ako ng classmate namin at lalo naman ni Mama at Papa

Gerard Way: Mikey wag kang mag salita ng ganyan susuportahan kita

Ray Toro: Pati ako kasamang susuporta sayo

Frank Iero: Mas lalo naman ako syempre kaibigan na din naman kita

Shana Michaela: Ayan naman pala may 3 supporters ka tsaka ano ka ba ikaw kaya ang nag panalo kanina sa class activity. Kaya nga tayong dalawa ang lalaban sa Competition

Frank Iero: Ano ikaw ang nagpanalo sa activity nyo kanina ?

Mikey Way: Oo pero nakakairita kasi napag tawanan ako ng lahat dahil kay Neville at Miz. Pano naman kasi agad na nag whistle si Shana Michaela hindi pa nga ako handang sumagot

Shana Michaela: Sorry naman kaya ko lang naman ginawa yun kasi nakikita ko na naiirita ka kay Miz at Neville isa pa alam kong kaya mo silang talunin kasi matalino ka din naman

Ray Toro: Ayon naman pala Mikey may dahilan naman pala si Shana Michaela kaya niya ginawa yun ayaw mo ba yun napakita mo sa lahat na kaya mong tapatan ang mga yun

Shana Michaela: Oo nga kaya sorry na Mr. Cute Emo ( Ngumiti ito ng super cute )

Mikey Way: ( Natulala naman siya kay Shana Michaela at nararamdaman niyang parang mamumula na ang kanyang pisngi at nahalata naman niyang napansin yun ni Frank )

Frank Iero: Teka nga Mikey parang na- ( Hindi natapos ang sasabihin niya dahil sa sinubuan ni Mikey ang bibig niya ng Pizza )

Mikey Way: May idadaldal ka nanaman tumahimik ka na nga ( masungit na sabi nito kay Frank )

Natawa naman sina Gerard,Shana Michaela at Ray sa dalawa. Sa pwesto naman nina Corbin Neville at Miz ay nag uusap usap ang tatlo.

Miz: Nakakairita talagang EMO yan mukhang lumalaban na siya sa atin

Neville: Baka naman malakas na ang loob niya dahil kay Shana Michaela

Corbin: Pwede yang sinabi mo Neville halata naman sa kanilang dalawa ang pagiging close ngayon nga mag kasabay pa silang kumakain kasama ang mga EMO niyang kaibigan at Kuya

Miz: Tignan na lang natin kung bukas sabay pa silang kakain at papasok mag pakasaya na silang dalawa ngayong araw na ito

Neville: ( napangiti ito ) Tama ka dyan Miz tiyak bukas hindi na sila close na dalawa

Miz: Sinabi mo pa mamaya tuloy ang ating plano ( nakangiti nitong sabi )

Mayamaya lang ay tumunog na ang schoolbell at lahat naman ng mga students ay pumunta na sa kanikanilang classroom. Dumaan ang maraming oras at tumunog na ulit ang schoolbell dahil oras na ng uwian kaya naman lumabas na ang ibang studyante sa classroom.

Mikey Way: Shana Michaela intayin mo na lang ako sa school gate natin pupuntahan ko lang si Kuya Gerard sa classroom niya pinapapunta nya kasi ako duon

Shana Michaela: Okay ( nakangiti nitong sagot kay Mikey Way )

Mikey Way: Sige mauna na ako ha ( Umalis na ito ng classroom at nag mamadaling pumunta sa classroom ni Gerard Way )

Sasha Banks: Sabay na ako sayo Shana Michaela duon ko na lang din iintayin si Becky Lynch

Shana Michaela: Okay

Pumunta na sina Sasha Banks at Shana Michaela sa School Gate para intayin si Becky Lynch at Mikey Way

Classroom ni Gerard Way

Pumasok na sa loob ng Classroom si Mikey Way.

Mikey Way: Oh bakit mo ako pinapunta dito

Gerard Way: Sasabihin ko lang naman kasi sayo na ikaw na lang sana ang bumili nitong mga pinapabili ni Mama ( Inabot ng Listahan kay Mikey )

Mikey Way: ( napakamot ng ulo habang binabasa ang listahan na bingay ni Gerard Way sa kanya ) Kuya Gerard naman bakit ako pa ang bibili nito sayo inutos ito

Gerard Way: Pupunta naman kayong dalawa ni Shana Michaela sa Mall ngayon kaya sige na ikaw na ang bahala dyan

Frank Iero: Oo nga sasamahan pa kasi ako ni Gerard ngayon sa bahay wala kasi akong kasama duon wala ang Mama at Papa ko kaya nag pasama ako sa kanya

Bigla naman na sumingit sa usapan nila si Ray Toro

Ray Toro: Frank Gerard Mikey mauna na ako sa inyo may pupuntahan pa kasi ako

Gerard Way: Ganun ba sige basta mag iingat ka sa pag uwi

Frank Iero: Oo nga

Aalis na sana si Ray Toro ng makatanggap siya at si Mikey Way ng isang message sa kanilang cellphone pero hindi na nabasa ni Ray Toro ang message na natanggap niya dahil aa nagulat siya pati na din si Frank at Gerard sa natanggap na message ni Mikey.

Shana Michaela

Mikey tulungan mo ako. Andito ako ngayon sa basketball court ng school natin ngayon tulungan mo ako

Mikey Way: ( Nanlaki ang mata niya sa nakita niyang message ni Shana Michaela ) Kuya Gerard maiwan ko muna kayo

Gerard Way: Sasamahan kita

Frank Iero: Ako din sasamahan ko na kayo

Mikey Way: Ray hanapin mo naman si Becky Lynch sabihin mo sa kanya na nasa basketball court ng school natin si Shana Michaela

Ray Toro: Okay

Umalis na silang apat si Ray hinanap na si Becky Lynch at sina Mikey Way Gerard Way at Frank Iero naman ay nag mamadaling pumunta sa Basketball court ng kamilang school.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now