Chapter #24

9 4 41
                                    

Classroom Nila Mikey Way

Miz: Mukhang nagustohan mo ang binigay ko sayo ha ( biglang hinalikan si Shana Michaela sa pisngi )

Sasha Banks: Nakakakilig naman kayong dalawa dyan ( Masayang sabi nito )

Becky Lynch: Oo nga mukhang may manliligaw na si Shana Michaela dito sa classroom natin ( Masayang sabi nito )

Habang masaya ang mga kaibigan ni Miz at ni Shana Michaela. Nabigla si Shana Michaela sa ginawa ni Miz kaya hindi agad ito nakapag salita at napatingin ito sa may pinto ng room nila nanlaki na lang ang mata niya ng makita niya ang nakatayo sa may pinto.

Corbin: ( Tumingin sa may pinto ng room nila ) Oh Mikey Way andito ka na pala ( Masayang bati nito )

Neville: Tamang tama lang ang dating mo kasi nag kakasiyahan kasi kami dito ( Lumapit ito kay Mikey at inakbayan niya si Mikey )

Mikey Way: ( Hindi naman siya makasagot dahil sa hanggang ngayon nakatingin pa din siya kay Shana Michaela at parang puputok sa sakit ang kanyang puso sa nakita niya )

Corbin: Oh bakit parang hindi ka ata makasagot dyan Mikey may problema ba ?

Miz: Oo nga may problema ba ( inakbayan nito si Shana Michaela )

Hindi na niya kinaya pa ni Mikey ang nararamdaman niya kaya naman bigla na lang siyang tumakbo palabas ng classroom nila.

Shana Michaela: ( inalis ang pag kaka akbay sa kanya ni Miz at kinuha ang backpack niya at sumunod ito kay Mikey )

Becky Lynch: Oh anong meron duon sa dalawang yun ?

Sasha Banks: Ewan ko ( Pag mamaang maangan nito )

Miz: ( Ngumiti ito ng palihim at pumunta sa upuan niya at umupo )

Pumunta na din sa upuan nila si Neville at Corbin.

Corbin: Miz mukhang ayos ang plano natin

Neville: Oo nga mukhang iiwasan na niya si Shana Michaela

Miz: ( ngumiti ito ) Dapat lang kasi inuumpisahan ko ng gumawa ng mga bagay para magustohan niya ako

Corbin: Ayos nga yung ginawa mo kanina

Neville: Ikaw na talaga

Daan

Hindi na napapansin ni Mikey Way ang kanyang nadaanan dahil isa lang ang nasa isip niya ang makauwi ng bahay nila. Habang tumatakbo siya ay may biglang humawak sa wrist niya kaya napahinto siya sa pagtakbo. Pero nang haharap na siya para makita kung sino ang humawak sa wrist niya biglang bumitaw ito at nakaramdam siya ng pag akap mula sa likod niya.

Shana Michaela: ( naka akap mula sa likod ni Mikey ) Kung ano man yung nakita mo kanina tiyak mali yung iniisip mo ngayon

Mikey Way: Bakit ka pa sumunod sa akin ? Malinaw na sa akin ang lahat ngayon Shana Michaela wala ka ng dapat pang ipaliwanag ( yumuko ito at halata sa kanyang mga mata na gusto ng umiyak )

Shana Michaela: Hindi ako yung nag message sayo maniwala ka naman sa akin. Hindi ko kayang gawin yun dahil ma ------

Hindi na natuloy ni Shana Michaela ang kanyang sasabihin dahil inalis ni Mikey ang pag kakaakap niya. At humarap si Mikey kay Shana Michaela.

Mikey Way: Tama na pwede ba ayoko ng makinig sa lahat ng sasabihin mo. Panalo ka na dahil nasaktan mo na ako dahil pinag laroan mo ang damdamin ko kaya kung pwede lang wag mo na akong sundan. ( Tumalikod ito at nag umpisa ng mag lakad palayo kay Shana Michaela )

Shana Michaela: ( Nakatayo lang ito habang nakatingin kay Mikey na papalayo sa kanya at sunod sunod na bumagsak ang luha niya sa mata )

Nag umpisa na ang klase sa kanilang school hindi na bumalik si Shana Michaela sa school dahil umuwi na lang siya dinahilan na lang niya sa kanyang magulang na medyo sumama ang pakiramdam niya kaya siya umuwi.

Samantala sa school naman nila ay nag umpisa na ang klase nang dumating ang oras ng recess nalaman ni Gerard, Frank at Ray ang nang yari sa classroom nila Mikey dahil sa sinabi iyon ni Sasha Banks.

Canteen

Tahimik lang na kumakain si Frank,Ray at Gerard ng basagin ni Ray ang katahimikan.

Ray Toro: Tungkol pala sa sinasabi ko kaninang maga. May napansin akong kakaiba sa Message ni Shana Michaela kay Mikey

Gerard Way: Ano naman yun ?

Ray Toro: Nung oras na nakareceive ng Message si Mikey nakareceive din ako ng Message mula kay Shana Michaela

Frank Iero: Oh ano naman yun

Ray Toro: ( Pinakita ang message ni Shana Michaela sa kanya ) Hindi nyo ba napapansin ?

Gerard Way: Ang alin ? ( Nag tataka ito habang binasa ulit yung message )

Frank Iero: Sandali lang ( Binasa ulit yung message na pinakita ni Ray )

Ray Toro: Ano Frank napansin mo na ba ?

Frank Iero: Hindi ko sigurado kung tama ang nasa isip ko

Ray Toro: Hay sasabihin ko na nga kagabi tinanong ko si Shana Michaela kung ano ang tawag niya kay Mikey

Gerard Way: Mr. Cute Emo ang palagi nyang tawag kay Mikey pati nung unang beses na nag message siya kay Mikey nabasa ko na Mr. Cute Emo din ang tinawag niya kay Mikey

Ray Toro: Alam kong mag message si Shana Michaela kapag nag message siya kahit kelan hindi niya ilalagay ang pangalan mo dahil yung tawag niya sayo ang gagamitin niya

Frank Iero: Napansin ko nga yan kasi kapag mag katext kami Little Cutie ang tawag niya sa akin at kahit kelan hindi siya nag message sa akin ng pangalan ko ang nakalagay at hindi mawawala ang mga emoticons o kaya emoji

Ray Toro: Nakuha mo Frank

Gerard Way: ( napaisip ito ) Ganyan nga siya mag message kasi ako palagin Cute Gee ang tawag niya sa akin. Kung ganun iba ang nag message kay Mikey pero pa anong number niya ang nag reflect sa cellphone ni Mikey

Frank Iero: Oo nga malabo naman na hindi siya yun tapos number niya ang nag send ng message

Ray Toro: Pwede yun dahil hindi naman siya yung nag message pero number nya ang mag rereflect

Gerard Way: Paano naman yun ?

Frank Iero: ( Napaisip ito ) Kung may makikitext sayo pwede mang yari yun

Ray Toro: Nakuha mo Frank

Gerard Way: Kung ganun may posibilidad na hiniram ang cellphone ni Shana Michaela at ginamit yun para mag message kay Mikey

Ray Toro: Oo kaya dapat malaman ko kay Shana Michaela kung sino ang nang hiram ng cellphone nya kahapon

Gerard Way: Dapat makausap natin si Shana Michaela para malaman natin kung sino yung nang hiram ng cellphone nya

Ray Toro: Dapat talaga para mag kaayos na din silang dalawa

Frank Iero: Dahil halata naman kay Mikey na talagang mahal niya si Shana Michaela ng higit pa sa kaibigan kaya dapat tulungan natin siya

Gerard Way: Tama ka dyan Frank

Tumunog na ang schoolbell at lahat naman ng estudyante ay bumalik na sa kanikanilang classroom.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now