Chapter #47

7 2 17
                                    

Naglakad papunta sa may Gate si Mikey at binuksan niya ito. Nakita niyang may isang matandang babae na mukhang mayaman ang nakatayo sa labas ng gate.

Mikey Way: Ano pong kailangan mo ?

Madam Nellie: Andyan ba si Mr. at Mrs. Way ?

Mikey Way: Wala po si Mama at Papa dito

Madam Nellie: Ganun ba alam mo ba kung anong oras sila darating ?

Mikey Way: Hindi po pero baka ang Kuya Gerard ko alam kung anong oras ang balik ni Mama at Papa. Sandali lang po at tatawagin ko siya

Madam Nellie: Sige ( nakangiting sabi nito )

Tumalikod si Mikey at nakita naman niya sa hindi kalayuan sa gate si Gerard at ang mga kaibigan niya kaya naman tinawag niya si Gerard.

Mikey Way: Kuya Gerard tara dito dali

Pinuntahan naman ni Gerard si Mikey.

Gerard Way: ( Sobra ang kaba nito pero itinago na lang niya ) Bakit Mikey ?

Mikey Way: May nag hahanap kasi kay Mama at Papa ikaw na ang kumausap tiyak naman kasing alam mo kung asan at anong oras sila uuwi

Gerard Way: Sige ako na ang bahala dito balikan mo na sila doon sa loob

Pumasok na sa loob si Mikey sinama na din niyang pumasok ng loob ng bahay nila sina Ray,Shana Michaela at Frank. Habang naiwan naman si Gerard at Madam Nellie sa may Gate.

Gerard Way: Andito po ba kayo para kunin si Mikey ?

Madam Nellie: Kung ganun alam mo ang totoo tungkol kay Mikey ?

Gerard Way: Opo

Madam Nellie: Sumama ka sa akin sa kotse ko mahirap naman na mag usap tayo dito ng nakatayo mangagawit tayong parehas at baka lamukin pa tayo dito ( Pabirong sabi nito )

Gerard Way: ( Napangiti na lang ito )

Sumunod si Gerard kay Madam Nellie at sa kotse sila nag usap.

Madam Nellie: Masaya akong makita ngayon ang apo ko. Gustong gusto ko siyang akapin pero alam kong hindi ko pwedeng gawin yun dahil tiyak magugulat siya at mag tataka ( malungkot na sabi nito )

Gerard Way: Sigurado pong mag tataka si Mikey kapag ginawa mo po yun

Madam Nellie: Alam kong tinuring mong parang tunay na kapatid si Mikey alam kong malulungkot ka din kapag nawala na siya sa bahay na yan. Pero sana naman naiintindihan mo ako Gerard may karapatan akong kunin si Mikey dahil apo ko siya

Gerard Way: Alam ko po yun at mas maganda nga po kung nasa inyo siya. Dahil kapag kinuha mo na po siya hindi na siya mabubugbog ni Papa hindi na siya makakarinig ng sermon ni Mama na nakakapanakit sa damdamin niya. Pero hindi po maalis sa akin na malungkot kapag wala na siya ( Malungkot na sabi nito )

Madam Nellie: Gerard hindi mo naman kailangan malungkot alam kong ikaw lang ang nag malasakit, nag mahal at nag protekta sa apo ko kaya kung ayos lang sayo sa pag kuha ko kay Mikey ay sumama ka sa kanya

Gerard Way: Pero pano naman po ang mga magulang ko ?

Madam Nellie: Gerard malaki ka na ito na ang last year mo sa highschool kaya pwede mo nang iwan ang mga magulang mo. Kaya ko gustong sumama ka kay Mikey sa pag alis dito dahil ikaw lang ang mapagkakatiwalan ko

Gerard Way: Ano po ang ibig mong sabihin Madam Nellie ?

Madam Nellie: Gerard 1 year na lang ang itatagal ko sa mundong ito kapag hindi ko napagaling ang sakit kong matagal ko ng nilalabanan. Ikaw at si Mikey ang hahawak ng kompanya ko dahil alam kong mapag kakatiwalaan kita hindi tulad ng magulang mo

Nakaramdam naman ng kalungkutan si Gerard ng marinig na 1 taon na lang ang buhay na nalalabi kay Madam Nellie kapag hindi ito gumaling.

Gerard Way: Pwede ko po bang pag isipan ito ? ( Nakayukong tanong niya ) Hindi ko din po kasi alam kung paano ko sasabihin kay Mikey ang tungkol dito

Madam Nellie: Hindi naman kita minamadali ( Hinawakan niya ang balikat ni Gerard ) Pwede mo namang pag isipan ito. Kung talagang ayaw mong sumama kay Mikey Okay lang. Kung gusto mo naman na sumama sa kanya mas lalong maganda

Gerard Way: ( Huminga ito ng malalim ) Sige po pag iisipan ko ito ng maiigi Madam Nellie

Madam Nellie: Gerard pwede mo naman akong tawaging Lola Nellie ( nakangiting sabi nito )

Gerard Way: Pero ---

Madam Nellie: Oh wag ka ng umangal ( pag pupitol nito sa sasabin ni Gerard ) Kapag sumama ka din naman kay Mikey sa pag alis sa bahay na yan Lola Nellie na din naman ang itatawag mo sa akin

Gerard Way: ( Napangiti na lang ito )

Madam Nellie: Oh pano pag isipan mong maigi itong pinag usapan natin tawagan mo na lang ako kapag buo na ang pasya mo

Gerard Way: ( Tumango na lang ito )

Bumaba na si Gerard sa kotse ni Madam Nellie. Nang makababa siya doon ay umalis naman na si Madam Nellie. Nang pumasok na siya sa loob ng bahay nag tanong agad si Mikey sa kanya.

Mikey Way: Kuya Gerard sino yung matanda kanina ? Bakit niya hinahanap sina Mama At Papa ?

Gerard Way: Wala kakilala lang ni Mama at Papa yun kaya niya hinahanap si Mama at Papa ( Pag sisinungaling nito )

Mikey Way: Ganun ba eh bakit hindi na niya inintay sila Mama at Papa ?

Gerard Way: May lakad pa daw kasi siya kahit gabi na kaya ayon umalis na

Mikey Way: Okay ( Maikling sagot nito )

Kotse

May tumawag naman kay Madam Nellie na hindi naman niya kilala sinagot niya ito.

Phone Conversation

Madam Nellie: Hello

Unknown: Hello Madam pwede ba tayong mag usap ?

Madam Nellie: Tungkol saan at sino ka naman ?

Unknown: Tungkol sa nangyaring car accident sa nanay at tatay ni Mikey

Madam Nellie: ANO ? ( Gulat na sabi nito ) Anong alam mo tungkol sa aksidente na nang yari sa magulang ni Mikey ?

Unknown: Marami akong alam tungkol doon kaya kung gusto mo malaman ang totoo mas magandang magkita tayong dalawa

Madam Nellie: Sige papayag ako sa gusto mo. Kelan at saan naman tayo mag kikita ?

Unknown: Bukas ng hapon sa coffee shop malapit sa school ng pinaka mamahal mong apo na si Mikey

Madam Nellie: Sige

End Of Conversation

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now