Chapter #49

13 2 24
                                    

Nakaupo si Mikey sa kama ni Gerard habang inaantay niya itong dumating. Nagulat naman si Gerard pag pasok niya ng kwarto niya dahil andoon si Mikey.

Gerard Way: Oh Mikey andito ka na pala. Teka hindi ba may lakad kayo ni Shana Michaela ngayon hindi ba natuloy ? ( Gulat na tanong nito kay Mikey )

Mikey Way: Kuya Gerard may gusto akong itanong sayo pwede bang sagutin mo ako ng totoo ( Seryosong sabi nito )

Gerard Way: Bakit ano ba ang itatanong mo ? ( Umupo ito sa upuan niyang nasa harapan ng computer desk )

Mikey Way: Ano yung dapat na malaman kong totoo ? Yung kaninang pinag uusapan ninyo ni Frank ?

Gerard Way: ( Bumilis ang tibok ng puso niya ng marinig ang tanong ni Mikey ) Hindi naman importante yun Mikey

Mikey Way: Kuya Gerard hindi ba talaga importante yun o baka naman matagal ka ng may tinatago sa akin na dapat kong malaman ? ( Seryosong tanong nito )

Gerard Way: Ano naman ang itatago ko sayo Mikey hindi ba may usapan tayong dalawa na walang mag tatago ng sikreto sa ating dalawa. Ano ba yang sinasabi mo ?

Mikey Way: ( Tumingin ito sa mga mata ni Gerard ) Sina Mama at Papa ba ang tunay na magulang ko ?

Halos nanlaki ang mata ni Gerard sa tanong ni Mikey sa kanya at halos sobrang bilis ng tibok ng puso niya hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa tanong ni Mikey.

Mikey Way: Kuya Gerard nang iintay ako sa sagot mo

Gerard Way: ( Pinilit nitong ngumiti ) Ano bang klaseng tanong yan Mikey malamang mag kapatid tayong dalawa kaya si Mama at Papa ang totoong magulang mo

Mikey Way: ( Tumingin ito sa mata ni Gerard ) Ngayon sagutin mo kung ano ang lahat ng sinabi mo dito ( Hawak ang cellphone niya may plinay siyang audio )

Gulat na gulat si Gerard ng marinig niya ang audio na nakay Miz. Napayuko na lang si Gerard at hindi makapaniwalang na kay Mikey na ang record na yun.

Mikey Way: Kaya ba hindi ako mahal ni Mama at Papa dahil hindi nila ako tunay na anak ? ( Malungkot na tanong nito )

Gerard Way: ( Tumango ito at biglang bumagsak ang luha sa mata )

Mikey Way: ( Hindi na niya napigilan ang luha niya at bumagsak na ito ) Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo ?

Gerard Way: Dahil yun ang gusto nila mama at papa ( Umiiyak na sabi nito )

Mikey Way: Sino ang tunay kong magulang ? ( Umiiyak na sabi nito )

Gerard Way: Wala na sila Mikey patay na sila ( Nakayukong sabi nito habang lumuluha )

Mikey Way: ( Napaupo na lang sa kama ito at lalong naiyak sa narinig niya )

Gerard Way: Baby ka pa lang ng mamatay ang magulang mo. Kaya ka napunta dito ( Lumuluha pa din ito )

Matapos ang sinabi ni Gerard tumayo si Mikey at pumunta sa kwarto niya. Hindi na siya nagawang sundan pa ni Gerard dahil alam ni Gerard na kailangan ni Mikey mapag isa muna.

Kwarto Ni Mikey

Sobrang sakit ang nararamdaman ni Mikey dahil sa tagal ng panahon na tinatanong niya kung bakit hindi siya mahal ng tinuturing niyang Ama at Ina dahil pala sa hindi niya tunay na magulang ito.

Nakaupo si Mikey sa kama at nakayuko ang ulo niya sa tuhod niya at umiiyak. Nang iangat niya ang ulo niya nakita niya na umiilaw ang cellphone niya nakita niyang tumatawag si Shana Michaela sa kanya. Kinuha niya ang cellphone niya at nakita niyang may 20 missed call at 10 na message galing kay Shana Michaela binuksan niya ang message ni Shana Michaela.

Shana Michaela

Baby Unicorn asan ka na ba kanina pa ako andito sa park :-(

Shana Michaela

Baby Unicorn bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko sayo kanina pa kita iniintay :-(

Shana Michaela

Baby Unicorn asan ka na ba kasi sumagot ka naman please T_T

Shana Michaela

Baby Unicorn ayos ka lang ba bakit ba hindi mo sinasagot ang tawag at message ko sayo ?_?

Hindi na niya binasa pa ang ibang message ni Shana Michaela at nilapag na lang niya ulit sa kama ang cellphone niya at niyuko na lang niya ang ulo niya sa tuhod niya.

Naalala niya ang pag uusap nila ni Miz sa classroom bago siya lutang na umuwi ng bahay.

Flashback

Lalabas na sana ng classroom si Mikey ng harangin siya ni Miz,Neville at Corbin.

Miz: Wag ka munang umuwi may dapat kang malaman ( nakangising sabi nito )

Neville: Tiyak kaming pag nalaman mo ito mawiwindang ang buhay mo ( nakangiting sabi nito )

Baron Corbin: Wag kang mag alala hindi ka namin bubugbugin dahil ayaw namin na humarap ka kay Gerard na may black eye at pasa ( natatawang sabi nito )

Mikey Way: Ano nanaman bang kasinungalingan ang sasabihin ninyo sa akin ? Hindi naman ninyo ako mapapaniwala dyan dahil alam ko naman na gagawa lang kayo ng paraan para lang mapaghiwalay kami ni Shana Michaela

Miz: Hindi ito tungkol kay Shana Michaela Mikey kaya ko gagawin ito dahil sa hindi nagawa ni Gerard ang pinapagawa ko sa kanya

Mikey Way: Pinapagawa kay Kuya Gerard ? Ano naman yun ? Isa pa alam mo naman na hindi ka niya susundin

Neville: Kaya nga ito ang punishment ni Gerard kasi hindi siya sumunod kay Miz

Miz: Pero Okay lang naman dahil may malaking gulo naman na mang yayari sa inyong dalawang mag kapatid

Baron Corbin: Isang magandang palabas ang mangyayari sa inyong dalawa

Mikey Way: Pwede ba tumigil na kayong tatlo dahil kung ano man yang sasabihin ninyo hindi ko kayo papaniwalaan

Miz: Hindi naman ako ang mag sasabi sayo ng totoo kundi ang Kuya mo ( Nakangiting sabi nito habang hawak ang cellphone niya at pinipindot ito )

Nag vibrate ang cellphone ni Mikey at tinignan niya ang cellphone niya at nakita niya ang message ni Miz. Isa itong Audio.

Mikey Way: Ano namang kalokohan ito ?

Miz: Subukan mong pakinggan ( Nakangising sabi nito )

Sinubukan na pakinggan ni Mikey ang audio na sinend sa kanya ni Miz. Nanlaki na lang ang mata niya ng marinig ang boses na nasa audio. Hindi siya magkakamali dahil kilalang kilala ni Mikey ang boses na yun hindi siya mag kakamali dahil ang boses na nasa Audio ay si walang iba kundi si Gerard.

Born To Make You HappyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt