Chapter #27

16 4 45
                                    

Habang pinupunasan ni Shana Michaela ang isa sa cabinet dahil sa medyo mataas ito at hindi naman niya abot gumamit siya ng silya para tungtungan. Nang tapos na siyang punasan yun ay dapat bababa na siya kaso lang nawalan siya ng balanse kaya naman nalaglag siya.

Shana Michaela: ( Nakapikit ito dahil alam niyang babagsak siya sa lapag pero pag dilat ng mata niya nakita niya ang mukha ni Mikey )

Mikey Way: ( Buhat si Shana Michaela ng bridal style ) Hindi ka kasi nag iingat buti na lang nasalo kita

Shana Michaela: ( Tahimik lang itong nakatingin sa mukha ni Mikey )

Mikey Way: Oy pinakikinggan mo ba ako Shana Michaela

Shana Michaela: ( nabalik ito sa ulirat ) Huh !!!! Oo salamat pala sa pag salo sa akin ( ngumiti ito )

Mikey Way: ( Natulala naman ito dahil sa ngiti ni Shana Michaela )

Shana Michaela: Mikey

Mikey Way: Ano yun ?

Shana Michaela: Pwede mo na ba akong ibaba kasi hindi tayo matatapos dito sa ginagawa natin isa pa nakakahiya naman sa kanila

Mikey Way: ( Lumingon ito sa likuran niya at nanlaki ang mata ng makita sina Ray,Frank at Gerard na nakatingin sa kanilang dalawa )

Frank Iero: Eheeeeeem Mikey Shana Michaela anong ginagawa nyo dyan ? ( nakangiti nitong tanong sa dalawa )

Ray Toro: Oo nga bakit buhat buhat mo si Shana Michaela ?

Gerard Way: At mukhang wala ka pang balak na ibaba siya

Mikey Way: ( Agad na binaba si Shana Michaela at halata sa mukha niyang nahihiya siya ) Ka-ni-na pa ba ka-yo dyan ? ( utal na tanong nito )

Gerard Way: Hindi naman narinig kasi na sumigaw si Shana Michaela kanina kaya napapunta kami dito

Ray Toro: Oo nga Shana Michaela bakit ka ba mapasigaw kanina

Shana Michaela: Nahulog kasi ako sa tinutungtungan ko buti na lang andito si Mikey at nasalo niya ako. Yun ang dahilan kung bakit nyo kami nakitang ganun ang itsura namin kanina

Gerard Way: Yun naman pala akala namin kung ano na ang meron

Ray Toro: Sige babalik na kami sa ginagawa namin

Frank Iero: Shana Michaela mag iingat ka sa susunod ha

Shana Michaela: ( Tumango na lang ito )

Bumalik naman na ang tatlo sa kanilang ginagawa at naiwan na ulit si Shana Michaela at Mikey sa kusina

Shana Michaela: Salamat ulit sa ginawa mo kanina

Mikey Way: Wala yun

Shana Michaela: ( Huminga ito ng malalim ) Yung tungkol sa nakita mo nung nakaraan sa room natin ------ ( Hindi natapos ang sasabihin dahil nag salita si Mikey )

Mikey Way: Wag ka ng mag paliwanag pa ( bumalik na ito sa ginagawa niya )

Shana Michaela: Hindi ko naman alam na kay Miz pala galing yung roses at teddy bear isa pa nabigla din ako sa ginawa ni Miz. Akala ko nga sayo galing yun pero hindi pala

Mikey Way: Bakit mo naman naisip na ako ang mag bibigay sayo nun ?

Shana Michaela: Malay ko ba kung binigay mo yun bilang peace offering ?

Mikey Way: Ako pa talaga ang mag bibigay sayo ng peace offering. Ikaw nga yung dahilan kung bakit napahamak kami

Shana Michaela: ( Tinaasan ng kilay si Mikey ) So ako talaga ang sinisisi mo. Bakit kasi hindi mo muna tinignan maigi yung message bago ka natarantang pumunta duon

Mikey Way: Alam mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko hindi mo na maiisip na mapansin kung may iba sa message na yun. Isa pa habang papunta kami dito ni Ray pinaliwanag na niya sa akin yung tungkol sa message na yun hindi ko lang talaga maalis sa isip kong hindi maniwala na hindi ikaw ang may gawa nun

Shana Michaela: Kung sa bagay may punto ka naman duon. Pero bakit sa akin mo pa din sinisisi yun wala naman akong alam duon. At kung hindi sayo yung galing yung roses at teddy bear hindi naman big deal yun. Ganito na lang ako na lang ang mag aalok ng peace offering sayo

Mikey Way: Bakit naman mag aalok ka pa ng peace offering ?

Shana Michaela: Para naman mag kaayos na tayong dalawa. Ganito na lang sabihin mo sa akin ang gusto mong peace offering promise gagawin ko

Mikey Way: Sige pag iisipan ko yang alok mo mamaya ko na lang sasabihin kung anong gusto kong peace offering. Sa ngayon tapusin na muna natin itong ginagawa natin

Shana Michaela: Okay ( nakangiti nitong sagot )

Nag umpisa na ulit mag ayos si Mikey at Shana Michaela. Matapos naman silang mag ayos ay tinawag sila Ray para pumunta sa Salas dahil may binili si Gerard at Ray na pag kain dahil gabi na din.

Salas

Nakaupo ang lahat at kumain na sila habang nag uusap usap.

Shana Michaela: Salamat sa tulong ninyong apat mabilis na ayos ang condominium ko ( masayang sabi nito )

Gerard Way: Wala yun isa pa kaya pumayag na din kaming tulungan ka para na din makapag usap na din kayo ni Mikey

Ray Toro: Oo nga isa pa sayang naman kung masisira ang friendship nyo dahil lang dyan sa message na yan

Shana Michaela: May punto ka naman dyan Ray ( kumain na ito ng pizza )

Frank Iero: Nga pala Shana Michaela bakit naman kailangan mo pa ng condominium eh may bahay ka naman ?

Shana Michaela: Balak ko kasi pag kagraduate ko dito na ako titira para naman matuto akong tumayo sa sarili kong paa ng hindi naka asa kay Mama at Papa

Ray Toro: Wow maganda yang balak mo

Shana Michaela: Nga pala Mr. Cute Emo ano may naisip ka na bang peace offering ?

Gerard Way: Oh Ano naman yan ?

Mikey Way: Wala yun kuya Gerard

Shana Michaela: ( Sinabi kay Gerard kung ano yun )

Frank Iero: Ay may idea ako

Mikey Way: Naku Frank wag na mamaya kung ano ano pa yang idea mo may naisip naman na ako

Frank Iero: Grave ka naman Mikey mag bibigay na nga ng idea ayaw mo pa

Mikey Way: Mamaya kasi hindi naman maganda yan

Ray Toro: Frank hayaan mo na may naisip na daw si Mikey

Gerard Way: Oo nga buti pa mag isip ka na lang ng idea na para sa special project mo sa science para naman mabawi mo yung mababa mong score sa mga quiz natin ( pabiro nitong sabi kay frank )

Frank Iero: Gerard naman sinabi mo pa yun nakakahiya naman nalaman pa nila na mababa ang score ko sa mga quiz sa science

Gerard Way: Okay lang yan kaibigan naman natin sila

Mikey Way: Frank bakit hindi ka na lang mag patutor kay kuya matalino naman siya at matataas palagi ang grades nya

Shana Michaela: Yun naman pala Gerard bakit hindi mo na lang tulungan yang si Frank tutal mag kaibigan naman kayo

Frank Iero: Maganda yung idea nila bakit hindi mo na lang ako tulungan

Gerard Way: Sige na tutulungan na kita. Palagi naman ako yung tumutulong sayo

Natawa na lang ang lahat sa dalawa matapos kumain ng lahat nag ligpit na sila at umuwi na din sila sa bahay nila.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now