Chapter #33

9 2 17
                                    

Nang nasa bahay na sila ni Shana Michaela sabay sabay silang gumawa ng mga assignment nila sa may salas habang nag kukulitan at kumakain ng sandwich at cookies na gawa ng nanay ni Shana Michaela.

Mikey Way: Ang sarap talaga ng sandwich na gawa ni Mrs. Hickenbottom

Gerard Way: Oo nga nakakaingit din itong si Shana Michaela kasi mabait yung parents nya

Ray Toro: Sinabi mo pa Gerard kaya nga mabait din si Shana Michaela kasi mabait din ang parents niya

Frank Iero: Tama nga si Gerard nakakaingit ang pamilya ni Shana Michaela

Umupo naman si Shawn Michaels sa sofa kung saan nakaupo si Shana Michaela

Shawn Michaels: Mukhang masaya kayo dito ha ( nakangiting sabi nito )

Shana Michaela: Sinabi mo pa Kuya Shawn Michaels pano naman kasi itong mga ito ang kukulit

Gerard,Frank,Ray,Mike: Hello po ( sabay sabay na bati nila kay Shawn Michaels )

Shawn Michaels: ( nginitian ang apat ) Nga pala kayong apat dito na kayo mag dinner mag luluto kasi si Mama at gusto nya dito na daw kayo mag dinner. Isa pa pag uwi ni Papa gusto din nyang makilala kayong iba pang kaibigan ni Shana Michaela

Shana Michaela: Ano Gerard Frank Ray Mikey Okay lang ba yun sa inyo ?

Ray Toro: Ako sobrang okay sa akin yun baka nga dito na din ako makitulog ( masayang sabi nito )

Shana Michaela: Ay gusto ko yan Ray tapos doon ka sa kwarto ko matulog para makapag bonding naman tayo tulad ng dati ( Excited na sabi nito )

Ray Toro: Sige matagal na din kasing hindi natin nagagawa yun

Shana Michaela: Kayo Frank Mikey Gerard Okay lang ba na dito na kayo mag dinner ?

Frank Iero: Okay lang sa akin ikaw Gerard ?

Gerard Way: Oo naman okay sa akin yun nakakahiya naman kung tatanggihan natin

Mikey Way: Naku gusto mo lang matikman yung niluto ng mama ni Shana Michaela kaya ka pumayag ( Pang aasar nito kay Gerard )

Gerard Way: ( Natawa na lang ito )

Shawn Michaels: Mukhang masaya ang dinner natin mamaya kasi madami tayo

Shana Michaela: Sinabi mo pa Kuya ( masayang sabi nito )

Dumating na ang oras ng dinner at nakaupo na ang lahat sa at nag umpisa na silang kumain kasama ng visita ng Papa ni Shana Michaela. Matapos ang ilang oras ng kwentuhan naisipan na ng bisita ng Papa ni Shana Michaela na umalis hindi naman agad pinaalis ng Papa ni Shana Michaela sina Frank, Gerard, Mikey at Ray dahil gusto daw silang makausap nito.

Salas

Ray Toro: Tito bakit mo po kami gustong makausap ?

Mikey Way: May problema po ba ?

Mr.Hickenbottom: Wala namang problema may gusto lang sana akong sabihin sa inyo

Gerard Way: Ano po yun ?

Mr.Hickenbottom: Hindi ba bukas ang umpisa ng semester break ninyo ?

Frank Iero: Opo

Mr.Hickenbottom: Sa lahat kasi ng naging kaibigan ni Shana Michaela ibang iba kayo tulad ni Ray na bestfriend niya mababait din kayo at nakikita kong hindi kayo tulad ng iba

Shana Michaela: Papa hindi naman po talaga sila tulad ng iba kasi po sa lahat ng naging kaibigan ko sila ang pinaka the best ( masayang sabi nito )

Shawn Michaels: Alam namin yun Shana Michaela alam mo naman na bantay kita kaya alam ko kung sino ang mabubuting kaibigan mo at yung mga taong hindi nakakabuti sayo

Gerard Way: Mukhang batay sarado ka pala sa Kuya mo Shana Michela ( pang aasar nito )

Shawn Michaels: Dapat lang Gerard para naman alam namin kung ano ang nangyayari sa kanya ( nakangiting sagot nito )

Shana Michaela: Pero Papa ano po ba yung sasabihin mo sa kanila ?

Mr.Hickenbottom: Gusto ko lang naman sabihin sa kanila na gusto kong isama sila bukas sa pag punta natin sa Resort na pupuntahan natin

Shana Michaela: ( Nanlaki ang mata nito ) Talaga po Papa isasama natin sila ( Tuwang tuwa ito sa sinabi ng kanyang tatay )

Gerard Way: Pero bakit nyo po gustong sumama kami ?

Mr.Hickenbottom: Mahalaga kayo kay Shana Michaela at alam kong magiging masaya siya kung kasama kayo doon

Mikey Way: Pero hindi po ba makakasagabal kami sa inyo lalo na po kung family bonding nyo na po yun

Mr.Hickenbottom: Ano ka ba Mikey hindi naman kayo magiging abala sa amin isa pa gusto ko din kasing maging masaya si Shana Michaela doon dahil tiyak naman ako na magiging busy kami ni Shawn Michaels kasi mag kakaroon din kami ng meeting doon

Ray Toro: May halong tungkol sa business pala ang pag punta nyo doon Tito

Mr.Hickenbottom: Kaya nga naisip ko na isama kayo para malibang naman si Shana Michaela doon. Isa pa sabi kasi ng isang business partner ko isasama daw niya ang anak niyang lalaki

Shawn Michaels: At sinabi ko kay Papa na hindi ko gusto yung anak na lalaki ng business partner ni Papa kaya kung kasama kayo ni Shana Michaela malamang hindi makakalapit yun kay Shana Michaela

Mr.Hickenbottom: Tama si Shawn Michaels doon ipapakilala kasi niya kay Shana Michaela ang anak niya balita ko yung anak nun papalit palit ng babae kaya ayoko naman na hindi mabantayan ang anak ko kaya sana pumayag kayong sumama sa amin bukas

Ray Toro: Tito wag kang mag alala kami ang bahala kay Shana Michaela isa pa kasama namin si Mikey tiyak hindi makakalapit yun kay Shana Michaela

Mikey Way: Hoy Ray ano naman ang kinalaman ko dyan

Frank Iero: Bakit Mikey hindi ka ba papayag sa inaalok ng Papa ni Shana Michaela ?

Gerard Way: Oo nga gusto mo bang yung anak ng business partner ng Papa niya ang makasama ni Shana Michaela doon ?

Mikey Way: Bakit wala naman akong sinabing hindi ako sasama

Shana Michaela: So ibig sabihin ba nyan sasama kayong apat ?

Gerard Way: Oo naman nakakahiya din naman na tanggihan ang Papa mo Shana Michaela

Mr.Hickenbottom: Kung ganun iintayin namin kayo bukas ng hapon dito sa bahay

Ray,Gerard,Mikey,Frank: ( Tumango sila bilang sagot )

Ilang minuto din ang lumipas at nagpasya ng umuwi si Mikey,Gerard at Frank bago umalis ang tatlo pinagbalot sila ng Nanay ni Shana Michaela ng masarap na dessert para daw sa parents nila. Si Ray naman ay nag paiwan dahil doon daw siya makikitulog.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now