Chapter #16

19 4 54
                                    

Shana Michaela: Mama ikaw pala yan bakit po ?

Mrs.Hickenbottom: Dinalhan ko kayo makakain para naman wag kayong magutom nga pala Shana Michaela andito ang kapatid ng kaibigan mo

Nag wave naman si Gerard Way kay Shana Michaela

Shana Michaela: Oh Gerard bakit ka napadaan dito ? ( Inaya niyang pumasok sa loob ng kwarto niya si Gerard )

Pumasok naman sa kwarto niya ang Mama niya at si Gerard Way ng nasaloob na ang Mama ni Shana Michaela nilapag na niya ang pagkaing dala niya at lumabas na ulit ng kwarto.

Gerard: Dinalhan ko lang si Mikey ng masosoot niyang damit para bukas sabi kasi niya sa text sa akin dito daw siya matutulog

Shana Michaela: Huh?? ( napakamot ng ulo ) Mikey nasabi mo na agad yun sa Kuya Gerard mo ?

Mikey: Oo hindi mo lang siguro napansin na nag tetxt ako sa kanya busy ka kasi sa science project natin

Shana Michaela: Okay

Gerard: ( Nilibot ang mata sa kwarto ) Ang arte naman ng kwarto mo. Nakakapanibago sa mata

Shana Michaela: Arte agad hindi ba pwedeng yan lang kasi ang gusto ko ( umupo sa kama habang kumakain ng sandwich na gawa ng mama niya )

Mikey: Hay naku Kuya Gerard alam mo naman na hindi natin siya katulad na mahilig sa mga emo things

Gerard: ( nag rolled eye at kumuha ng sandwich at kinain ito )

Mikey: Kuya ayaw mo bang sumali sa amin mamaya ?

Gerard: Hindi ako pwede ngayon pupunta ako sa bahay ni Frank ngayon kasama si Ray gagawa kasi kami ng Project na bukas ipapasa

Shana Michaela: Sayang naman mukhang dalawa lang talaga kami ni Mikey mag momovie marathon

Gerard: Babawi na lang ako sa susunod isasama ko pa si Frank at Ray

Shana Michaela: Wow naman dati ako lang ang kasama ni Ray ngayon kayo na madalas niyang kasama happy ako para sa kanya kasi may mga new friends na siya

Gerard: ( ngumiti na lang ito kay Shana Michaela ) Pano mauna na ako ( pumunta na ito sa pinto at lumabas na )

Mikey: ( kumuha ng sandwich at kumain na ) Alam mo ang swerte mo sa parents mo pano kasi mukhang supportive sila sayo

Shana Michaela: Talaga gusto mo maging mag kapatid na lang tayo para sila na lang din ang parents mo

Mikey: ( Natawa ito sa sinabi ni Shana Michaela ) Sira ka ba hindi naman pwede yang sinasabi mo

Shana Michaela: Eh pano naman kasi magiging malungkot ka nanaman. Naiingit ka ba sa akin ?

Mikey: ( Natahimik ito sandali bago sumagot ) Oo naiingit ako sayo may mga kaibigan ka maganda ang buhay mo mahal ka ng pamilya mo. Samantalang ako wala lahat ng meron ka sa buhay mo

Shana Michaela: ( Inakap ng mahigpit si Mikey ) Wag kang mag salita ng ganyan iba iba ang buhay ng tao pero wag mong isipin na wala sayo ang lahat ng meron ako. Andyan ang kuya mo na nag mamahal sayo andito akong kaibigan mo pati na din si Frank at Ray

Mikey: ( Tahimik lang ito )

Shana Michaela: ( Umayos na ito ) Tama na nga ang drama na ito wala naman tayo sa TV. Buti pa tapusin na natin ito para naman makapag umpisa na tayo ng movie marathon

Mikey: Buti pa nga

Ginawa na nila ang science project nila gabi na din ng matapos nila iyon tinawag naman ng Mama ni Shana Michaela ang dalawa sa kwarto para makakain na ng Dinner masayang kumain ng Dinner si Shana Michaela at Mikey Way dahil tanggap naman si Mikey Way ng Papa,Mama at Kuya ni Shana Michaela. Matapos naman ang Dinner ay bumalik na sa kwarto ang dalawa para mag umpisa ng mag movie marathon.

Kwarto Ni Shana Michaela

Nakahanap na silang dalawa ng papanuorin ang napili nilang panuorin ay Dawn Of The Dead. Nakaupo ang dalawa sa sofa na nakaharap sa malaking Flat Screen TV na nakadikit sa pader. Sa mesa naman na nasa harap nila ay puno ng makakain at mga softdrinks.

Shana Michaela: ( Tinatago ang mukha nito sa unan na hawak )

Mikey: Ano pang nakita mo sa pinapanuod natin kung nag tatago ka sa unan Hehehehe ( Pang aasar nito kay Shana Michela )

Shana Michela: Eh ang papangit kasi nung mga zombie mamaya mapanaginipan ko pa yan mamaya ( Nakatago pa din ang mukha sa unan )

Mikey: Alam mo wala namang zombie na gwapo o maganda kaya wag ka ng magtago dyan ( Inalis ang hawak na unan ni Shana Michaela )

Shana Michaela: Bakit pa kasi ako natalo sa jack en poy kanina dapat kasi Beauty And The Beast na lang ang pinanuod natin

Mikey: ( Nag rolled eye )Ang bored naman nun tsaka para naman tayong bata kapag yun ang pinanuod natin

Shana Michaela: Basta mamaya tatabihan mo akong matulog para naman hindi ako matakot

Mikey: Oo na para ka namang bata baka naman ipaghehele pa kita mamaya o babasahan ng bedtime stories ( pag katapos niyang sabihin yun tumawa ito )

Shana Michaela: Sige mang asar ka pa ( Pinalo ng unan si Mikey pero mahina lang naman )

Maya maya ay pumasok si Shawn Michaels sa kwarto. Napatingin naman ang dalawa sa kanya.

Shawn Michaels: Kayong dalawa tama na yang panunuod ninyo matulog na kayo at may pasok pa kayo bukas Shana Michaela wag ka ng makulit. Mikey Way ikaw na ang bahala sa kapatid ko

Mikey: Okay po

Lumabas na ng kwarto si Shawn Michaels.

Mikey: Tapusin na lang natin ang movie na ito tapos matulog na tayo

Shana Michaela: Okay

Nanuod na ng maayos ang dalawa habang kumakain. Nang matapos na nila ang pinapanuod nila ay pumunta na sa kama si Shana Michaela at humiga na ito. Sumunod naman si Mikey Way na humiga sa kama.

Shana Michaela: ( Umakap ito kay Mikey )

Mikey: ( Medyo nagulat sa pag kakaakap ni Shana Michaela )

Shana Michaela: Good Night na Mr. Cute Emo ( Pinikit na ang mata niya habang nakaakap kay Mikey )

Mikey: Good Night din sayo

Shana Michaela: ( Hindi na ito sumagot dahil mabilis itong nakatulog )

Mikey: ( Bigla niyang naisip ang mga tanong na ito ) Bakit ganito ang nararamdaman ko ? Bakit ang saya saya ko kapag kasama ko siya ? Bakit parang ayaw ko ng mawala siya sa akin ? Siya lang ang nagpasaya sa akin ng ganito

Habang nag lalaro sa isip ni Mikey ang mga tanong na yan hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Born To Make You HappyWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu