Chapter #46

8 2 17
                                    

Lumapit si Shana Michaela kay Mikey. Habang si Mikey naman ay sobrang kinakabahan. Sina Frank, Ray at Gerard naman ay lumabas muna ng kitchen para makapag usap ang dalawa.

Shana Michaela: Tama si Frank at Gerard sa sinabi nila. Tungkol sa narinig ko kanina ( Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nag salita agad si Mikey )

Mikey Way: Yung narinig mo kanina totoo yun ( Huminga ito ng malalim ) Yung sinasabi ko sayong babaeng gusto ko ikaw yun Shana Michaela. Alam kong mag kaibigan tayong dalawa pero hindi na kaibigan ang nararamdaman ko para sayo. Nung unang araw na nakasama kita sa rooftop nag tataka ako kung bakit mo ako kinakausap pero simula ng palagi kang lumalapit sa akin at naging kaibigan kita naging masaya ako. Dahil din sa mabait ka at iba ka sa lahat ng babae na nakikita ko. Natutunan din kitang mahalin ng higit sa kaibigan ngayon ko lang naramdaman na maging masaya at hindi nag iisa. Ikaw ang nag paramdam nun sa akin Shana Michaela mahal na mahal kita pero alam ko naman na hindi ako yung lalaking mamahalin mo ( Tumulo ang luha nito sa mata )

Shana Michaela: ( Hinawakan niya ang dalawang pisngi ni Mikey at pinunasan ang luha sa pisngi nito gamit ang kanyang dalawang thumb at tumingin ito sa mga mata ni Mikey ) Masaya akong marinig yan sayo Mikey pero nalulungkot akong marinig sayo na hindi kita kayang mahalin ng higit sa kaibigan. Dahil mali ka ng iniisip. Malungkot ako nung lumipat ako ng school dahil malalayo ako sa nag iisang tao na tinuring kong tunay na kaibigan pero nung nakita kita natuwa ako na mag kakaroon ako ng kaibigan dito na tulad ni Ray kaya kahit sinusungitan mo ako nung una pinilit ko pa din na makipag kaibigan sayo. Pero habang tumatagal na kasama kita naramdaman kong hindi lang kaibigan ang nararamdaman ko sayo dahil mahal kita Mikey ng higit sa kaibigan. Kaya masayang masaya akong parehas tayo ng nararamdaman para sa isat isa

Mikey Way: ( Hindi ito makapaniwala sa sinabi ni Shana Michaela kaya naman hinawakan niya ang kamay ni Shana Michaela na nakahawak sa pisngi niya ) Totoo ba talaga yung sinabi mo na gusto mo din ako ?

Shana Michaela: ( Ngumiti ito at tumango )

Mikey Way: Ibig sabihin ba nyan papayag kang tayong dalawa na ?

Shana Michaela: ( Ngumiti ito ) Ayoko ko nga dapat ligawan mo muna ako bago ako pumayag na maging tayong dalawa na

Mikey Way: Kung yan ang gusto mo sige gagawin ko yan. Okay lang ba na pumunta tayo sa park bukas ?

Shana Michaela: Oo naman ( nakangiting sabi nito )

Mikey Way: ( Hinalikan niya sa pisngi si Shana Michaela )

Bigla naman na nag salita si Gerard na nakasandal sa pinto ng kitchen kasama si Ray at Frank.

Gerard Way: Eheeeeem ang sweet naman nung nakita namin ( Nakangiting sabi nito )

Ray Toro: Ibig sabihin ba nyan kayong dalawa na

Mikey Way: Sa ngayon hindi pa pero tiyak naman na hindi mag tatagal magiging kami na din

Frank Iero: Buti naman kung ganun. Mukhang tumalab yung plano mo Ray ?

Napatingin naman si Mikey at Shana Michaela kay Ray.

Shana Michaela: Ray ano yung sinasabi ni Frank na plano mo ?

Mikey Way: Oo nga ano yung plano na yun ?

Ray Toro: ( Napailing na lang ng ulo ito bago mag salita ) Ganito kasi yun kanina nung pinaikot ko yung bote hindi ko inaasahan na kay Gerard tatapat yun dahil kung sayo Mikey tumapat yun O kay Shana Michaela yun din ang ipapagawa ko kung dare ang mapipili. Kung truth naman ibubuking ko yung tunay na nararamdaman ninyong dalawa sa isat isa. Dahil kay Gerard tumapat yung bote tapos dare ang pinili nya naisip ko sa kanya na lang ipagawa yun kaya ko binulungan si Frank kanina para alam niyang plano ako

Gerard Way: Kaya nga nung umalis ka kanina alam namin na tumalab yung plano ni Ray

Frank Iero: Pano naman kasi Mikey ang tagal mong mag sabi buti na lang talaga mabilis makaisip si Ray ng paraan

Shana Michaela: So ibig sabihin Ray alam mo na gusto ako ni Mikey ?

Ray Toro: Oo matagal na naming alam na tatlo yun

Shana Michaela: Bakit hindi mo sinabi sa akin yun ? Ikaw talagang kulot ka

Tumakbo naman si Ray at hinabol naman siya ni Shana Michaela. Para silang batang nag hahabulan na dalawa. Natatawa naman sina Frank,Gerard at Mikey habang pinapanuod ang dalawa.

Mayamaya lang ay may biglang nag doorbell sa gate nila kaya naman agad na pinuntahan ni Mikey ang gate para buksan ang ito at malaman kung sino ito.

Sumunod naman si Gerard kay Mikey para malaman din niya kung sino ang nag doorbell.

Nang malapit na si Gerard sa Gate nanlaki na lang ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang nag doorbell. Hindi niya alam ang gagawin niya halos malalaglag na ata ang kanyang puso at hindi makapag isip ang kanyang utak ng gagawin niya dahil sa taong nasa harapan ni Mikey. Para bang na freeze ang katawan niya nabalik na lang ang kanyang ulirat ng marinig ang boses ni Frank.

Frank Iero: Oy Gerard bakit ka nakatulala dyan at para kang nakakita ng multo dyan ? Okay ka lang ba ?

Gerard Way: Huh !!!! O-o O-ka-y la-ng a-ko ( Utal na sagot nito kay Frank )

Frank Iero: ( Napakamot ito ng ulo ) Niloloko mo ba ako Gerard ? Bakit ganyan kang sumagot kung Okay ka lang ?

Gerard Way: Wag mo na lang akong pansinin Frank bumalik ka na sa loob ng bahay

Frank Iero: ( Hinawakan sa balikat si Gerard ) Ano ba kasi yan ? Bakit ka ba kasi biglang naging ganyan para kang nakakita ng multo dyan ? Sabihin mo sa akin kung ano man yan baka matulungan kita

Gerard Way: Ano kasi ( Hindi niya alam kung paano niya ipapaliwanag kay Frank ang dahilan kung bakit siya ganun )

Nag salita naman si Ray na kasama ni Shana Michaela na papalapit sa kanila.

Ray Toro: Oh anong meron dito ?

Shana Michaela: Sino yung nag doorbell Gerard ?

Gerard Way: Si -----

Hindi na natapos ni Gerard ang sasabihin niya dahil sa tinawag siya ni Mikey na nakatayo sa may Gate

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now