Chapter #38

7 2 38
                                    

Nang dumating na sina Mikey at Shana Michaela sa tabing dagat nakita nilang may isang mesa at dalawang upuan. Nang makita sila nila Gerard,Ray at Frank ay lumapit ito sa kanila hindi na din nila kasama ang nanay ni Shana Michaela dahil may gagawin pa ito.

Shana Michaela: Ano naman kaya ito?

Gerard Way: Shana Michaela Mikey surprise ito ni Tita sa inyong dalawa

Frank Iero: Oo inayos namin kanina yan habang mag kasama kayo

Ray Toro: Para daw mas lalo kang sumaya ngayong araw kaya ayan may romantic dinner kayo ni Mikey ngayon

Shana Michaela: Ano romantic dinner ? ( Nag tatakang tanong nito )

Gerard Way: Oo para mapalitan yung pangit na dinner mo kagabi. Dahil si Mikey ang date mo ngayon

Mula naman sa likod nila may narinig silang pumapalakpak ng malakas kaya naman napatingin silang lahat sa likod nila.

Miz: Wow naman talaga ba yang EMO na yan ang kadate mo ngayong gabi ? ( Natatawang sabi nito )

Frank Iero: Miz anong ginagawa mo dito ? ( Inis na tanong nito )

Ray Toro: Sinusundan mo ba si Shana Michaela ?

Gerard Way: Ang lakas din naman ng pakiramdam mo kasi hanggang dito nasusundan mo kami

Miz: ( Tumawa ito ) Hindi pa ba nasasabi ng future girlfriend ko sa inyo. Kawawa naman kayo huli kayo sa balita pano kasi puro pag eemo ang laman ng utak nyo

Shana Michaela: Miz pwede ba umalis ka na nga lang dito. Isa pa hindi kita future boyfriend kasi ---- ( Naputol ito dahil nag salita si Mikey )

Mikey Way: Kasi ako na yung boyfriend nya at kung tatanungin mo kung kelan pa kami bago lang kanina lang

Natulala naman sina Frank,Gerard at Ray sa sinabi ni Mikey. Hindi rin naman inaasahan ni Shana Michaela na mag sasalita ng ganun si Mikey.

Miz: Wow naman. Talaga kayo ng dalawa ano tingin mo sa akin tanga. Mikey pano mo ako mapapaniwala kagabi lang pumayag ang Papa niya na ligawan ko sya dito sa Resort

Mikey Way: ( Nagulat naman ito sa sinabi ni Miz kaya hindi agad ito nakapag salita )

Frank Iero: Kung ganun ikaw yung pinakilala kay Shana Michaela kagabi ?

Gerard Way: At pumayag si Mr.Hickenbottom na ligawan mo dito si Shana Michaela ?

Miz: Oo ( Tumingin ito kay Shana Michaela ) Hindi ba Shana Michaela ?

Mikey Way: ( Huminga ito ng malalim ) Eh ano naman ngayon Miz kung ikaw ang ipinakilala kay Shana Michaela kagabi ?

Miz: Dapat lang siguro layuan mo na si Shana Michaela kasi tiyak naman na ayaw sayo ng Papa niya dahil pumayag nga siya na ligawan ko si Shana Michaela

Shana Michaela: Miz hindi siya lalayo sa akin dahil tulad ng sinabi ni Mikey kanina Boyfriend ko na siya kaya kung merong dapat lumayo sa akin ikaw yun ( Mataray na sagot nito kay Miz )

Miz: Alam ko naman na kasinungalinag lang yang sinasabi mo Shana Michaela

Shana Michaela: Hindi naman ako nag sisinungaling dahil talagang boyfriend ko na si Mikey kaya kung ako sayo umalis ka na kasi nakaka abala ka sa dinner date naming dalawa

Mikey Way: Oo nga Miz siguro tanggapin mo na lang na wala ka ng pag asa kay Shana Michaela

Miz: Wow naman mukhang palaban ka na ngayong EMO ka. Ito tatandaan mo mag asawa nga nag hihiwalay kayo pa kayang mag girlfriend at boyfriend lang. Hindi dito nag tatapos ang pag tutuos natin Mikey nakukuha ko din si Shana Michaela sayo ( Naglakad na ito palayo sa kanila )

Nang makaalis si Miz gulat na gulat pa rin sina Gerard,Frank at Ray sa sinabi ni Mikey kanina.

Ray Toro: Mikey totoo ba yung narinig namin kanina ?

Gerard Way: Kayo na ni Shana Michaela at kanina lang yun ?

Frank Iero: Grave bakit hindi mo manlang kami pinasabihan

Mikey Way: ( Napakamot ng ulo ) Ano ba kayo hindi naman totoo yung sinabi ko kanina sinabi ko lang yun para tigilan na niya si Shana Michaela

Shana Michaela: Pero hindi ko inaasahang sasabihin mo yun kanina Mikey ( nakangiting sabi nito )

Mikey Way: Sa totoo lang hindi ko din akalain na masasabi ko yun kanina

Gerard Way: Haaay akala ko naman kayo na talaga

Frank Iero: Oo nga yun pala hindi naman pala totoo ( Nanghihinayang na sabi nito )

Ray Toro: Pano yan ano ang plano mo Shana Michaela tiyak babalikan ka ni Miz

Shana Michaela: Hindi naman problema yun dahil ---- ( Hindi natapos ang sasabihin niya dahil may biglang nag salita sa likuran niya )

Shawn Michaels: Dahil kung mag papanggap kayong dalawa pwedeng mapaniwala ninyo si Miz na kayong dalawa talaga

Nagulat naman sina Shana Michaela,Gerard,Mikey,Frank at Ray sa pag sasalita ni Shawn Michaels

Mikey Way: Kanina pa po ba kayo andyan ?

Shawn Michaels: Hindi naman kakarating ko lang nakasalubong ko si Miz. Sinabi nya sa akin ang nang yari dito kaya nalaman ko at ng papalapit ako dito narinig ko ang usapan nyo

Gerard Way: Pero hindi po ba kayo galit sa sinabi ni Mikey

Shawn Michaels: ( Ngumiti ito ) Hindi sa totoo lang hindi ko inaasahang sasabihin ni Mikey yun kay Miz

Shana Michaela: Miski naman kami Kuya hindi rin namin inaasahan na sasabihin yun ni Mikey

Frank Iero: Mukhang lumalakas na ang loob ni Mikey kasi palaban na siya ngayon

Mikey Way: Ano ka ba Frank hindi naman ako palaban isa pa hindi ko kayang labanan si Miz. Tignan mo nga lang yung katawan nun sa katawan ko tiyak talo na ako

Shana Michaela: ( Natawa ito ) Mikey ano ka ba kaya mong labanan si Miz. Kanina nga nagawa mong sabihin yun pero thanks pala sa kanina ( Nakangiting sabi nito )

Mikey Way: Wala yun ( Nakangiting  sabi nito )

Shawn Michaels: Nga pala hihiramin ko muna ang kapatid ko may pag uusapan lang kami

Shana Michaela: Pano Mikey,Ray,Frank,Gerard bukas na lang ulit ( Tumingin ito kay Mikey ) Galingan mong umarte bukas ha ( Nag wink ito kay Mikey )

Mikey Way: ( Nakaramdam naman ito ng pamumula ng pisngi dahil sa wink ni Shana Michaela ) Sige ikaw din galingan mo ang pag arte bukas

Shana Michaela: ( Tumango ito at biglang hinalikan si Mikey sa pisngi )

Mikey Way: ( Nagulat naman ito sa ginawa ni Shana Michaela )

Shana Michaela: Bye na sa inyo

Tumango naman sila Gerard,Frank at Ray nag lakad na papalayo sa kanila sina Shana Michaela.

Frank Iero: Nice may kiss sa cheek si Mikey

Gerard Way: Tiyak kinikilig na yan

Ray Toro: Tiyak naman yan tapos bukas aarte pa sila na mag boyfriend at girlfriend tiyak ang daming kilig moment bukas

Mikey Way: ( Ngumiti na lang ito )

Mayamaya ay nag pasya na silang pumunta sa kwarto nila para mag pahinga.

Kinabukasan

Sa Bahay Ng Way

Habang nanunuod naman ang mag asawang Way ay may kumatok sa kanilang pinto. Kaya naman agad na binuksan ni Mrs. Way ang pinto laking gulat naman niya ng makita niya kung sino ang nasa harapan ng pinto.

Mr. Way: Sino ba yang kumakatok ? Sina Gerard na ba yan ? Napaaga naman ata ng uwi sila ? ( Tanong nito habang nanunuod ng TV )

Mrs.Way: ( Hindi naman makapag salita ito dahil sa gulat )

Kaya naman nag salita na ang nakatayo sa harapan ng Nanay ni Mikey at Gerard. Habang nag lalakad ito papasok ng bahay nila.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now