Chapter #50

13 2 18
                                    

Miz: Ano Mikey EMO hindi ba si Gerard ang nag sasalita dyan malabo naman na magawa ko yan. Para malaman mo narecord ko yan nung nasa Resort tayo

Neville: Hindi pa diyan natatapos yan alam mo bang ang tunay na mga magulang mo ay patay na

Baron Corbin: ( May nilapag na folder sa lamesa ) Ayan ang katunayan dahil pinaimbestigahan ni Miz yan sa amin ni Neville. Andyan nakalagay kung sino ang magulang mo swerte ka nga kasi kapatid pala ni Mr.Way ang tunay mong tatay

Neville: Kaso nga lang may kinalaman pala si Mr.Way sa pag kamatay ng magulang mo

Halos hindi na makapag salita si Mikey dahil na din sa narinig niyang audio record na binigay ni Miz sa kanya pati na din ang Files na nakaharap sa kanya ngayon.

Kinuha ni Mikey ang folder na nasa mesa at tinignan niya ito. Nakita niya ang tungkol sa nanay at tatay niya hindi na niya tinignan pa ang ibang papel dahil sa gulong gulo na ang utak niya sa mga nang yayari.

Miz: Tungkol sa pag kamatay ng magulang mo sinadya yun ng tatay ni Gerard. Kung gusto mong malaman kung totoo ang sinasabi ko buti pa mag tanong ka na lang kay Mr.Cesar siya ang bestfriend ng tunay mong tatay. Nandyan sa files na yan kung saan mo siya makikita.

Neville: Alam mo Mikey kung ako sayo pupuntahan ko na yan ngayon para naman malaman ko na ang totoo

Miz: Pano maiwan ka na namin

Umalis na ang tatlo at nanatiling tahimik si Mikey at gulong gulo lalo na sa narinig niyang audio record na sinend sa kanya ni Miz. Napatingin siya sa folder na binigay kanina ni Neville. Binasa ni Mikey yun at nang makita niya kung asan si Mr.Cesar pinuntahan niya ito para malaman ang sinasabi ni Miz sa tungkol sa pag kamatay ng magulang niya.

Pumunta sa isang opisina si Mikey at hindi naman siya nahirapang hanapin ito. Nag usap sila sa canteen ng opisinang pinag tratrabahuhan nito.

Canteen

Mr.Cesar: Pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo akong makausap ?

Mikey Way: Mr.Cesar may gusto lang po akong malaman tungkol sa pag kamatay ni Sophia at Mike

Mr.Cesar: ( Nagulat ito sa tanong ni Mikey ) Ba-ki-t m-o i-na-a-l-am ya-n ? ( Utal na tanong nito kay Mikey )

Mikey Way: Dahil ako po ang anak nila ( Yumuko ito ) Totoo bang may kinalaman si Mr.Way sa pag kamatay nila ?

Mr.Cesar: ( Huminga ito ng malalim ) Oo pinag sisisihan ko na hindi ko sinabi ang katotohanan noon. Dapat sinabi ko ang totoo kay Madam Nellie ang katotohanan nung araw na nalaman naming namatay sa car accident si Sophia at Mike

Mikey Way: Ano po ba talaga ang nang yari sa tunay kong magulang ?

Mr.Cesar: Ganito kasi yun nakita ko si Mr.Way na may sinira sa kotse ni Mike nung araw na yun nakita ako ni Mr.Way kinausap niya ako na wag kong sabihin kahit kanino ang ginawa niya. Aaminin ko nagalit ako sa Tatay mo dahil gusto ko din si Sophia pero hindi ako ang pinili ni Sophia kaya naisip kong para na din akong nakapag higante kay Mike. Pero mali ako dahil nung araw na yun hindi namin akalain ni Mr.Way na madadamay si Sopihia doon.

Mikey Way: ( Hindi na niya napigilan ang sarili niya dahil sa mga narinig niya at naiyak na lang ito )

Mr.Cesar: Sana mapatawad mo ako sa maling na gawa ko ( Tumulo ang luha nito )

Hindi alam ni Mikey kung magagalit siya kay Mr.Cesar O hindi gulong gulo siya sa lahat ng nalaman niya. Tumayo siya sa kinauupuan niya at hindi na nag paalam kay Mr.Cesar at umalis na umuwi siya ng bahay ng gulong gulo ang utak. Isa lang ang gusto niya ang malaman ang totoo kay Gerard.

Pag dating niya ng bahay agad siyang pumunta sa kwarto ni Gerard at inintay ang pag dating ni Gerard.

End Of Flashback

Matapos na maalala ni Mikey ang nang yari hindi naman niya namalayan na nakatulog na siya.

Hagdan Ng Bahay

Habang pababa naman si Gerard ng hagdan narinig niya ang kanyang tatay na may kausap sa cellphone. Naisip niyang pakinggan yun para hindi siya makita nag tago siya sa may pader malapit sa hagdan.

Mr.Way: Ano nahanap nyo ba yung pinapahanap ko sa inyo ? Buti naman kung nahanap na ninyo siya wag ninyong sasaktan yan. Intayin nyo ako na pumunta dyan

Matapos makipag usap ni Mr.Way ay nilagay niya ang kanyang cellphone sa bulsa niya at tumingin kay Mrs.Way na nakaupo lang sa sofa at nanunuod ng TV.

Mrs.Way: Anong balita ?

Mr.Way: Okay na ang lahat tiyak akong magada ang planong naisip natin

Mrs.Way: Tiyak talaga tignan lang natin ngayon kung piliin pa niya ang mga taong yun ( Natatawang sabi nito )

Mr.Way: Tama ka dyan gusto mo bang makita siya ?

Mrs.Way: Oo naman gusto kong makita ang taong yun

Hindi na tinapos ni Gerard ang usapan ng Magulang niya pumunta na siya sa kwarto niya.

Kwarto Ni Gerard

Humiga si Gerard sa kama niya at naisip niya ang pinag uusapan ng magulang niya.

Gerard Way: Sino naman kaya yung pinahanap ni Papa kanina ? Ano ang plano ni Mama at Papa ? Tungkol kaya yun kay Mikey ? Pero paanong tungkol yun kay Mikey hindi naman alam ni Papa at Mama na alam na ni Mikey ang totoo.

Halos hindi nakatulog si Gerard sa gabing yun dahil sa kakaisip kung ano ang sinasabi ng Mama at Papa niyang plano.

Hindi rin siya nakatulog dahil alam din niya na galit sa kanya si Mikey gusto din sana niyang tawagan si Frank para makausap pero masyado ng gabi kaya minabuti na lang ni Gerard na nakatulala habang iniisip ang halat ng pangyayari sa araw na yun.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now