Chapter #6

39 6 29
                                    

Maagang pumasok si Shana Michaela sa school at agad naman itong pumunta sa Rooftop.

Rooftop

Agad naman na nilibot niya ang mga mata niya sa buong paligid ng rooftop.

Shana Michaela: Mukhang wala pa si Mr. Cute Emo dito ( Umupo siya sa pwestong laging unuupuan niya kapag anduon si Mikey Way ) Bakit kaya hindi siya pumunta dito kahapon nung uwian ? ( pag tatanong nito sa sarili niya ) Buti pa mag iintay na lang ako dito baka mamaya andito na siya ( Kinuha niya ang novel book sa backpack niya at nag basa na ito )

Mayamaya lang may tumayo sa harapan niyang lalaki. Napansin niya ang sapatos nitong itim akala naman niya si Mikey Way na ito.

Shana Michaela: ( nakatingin sa binabasa niya ) Mr. Cute Emo ikaw na ba yan ?

Hindi siya sinasagot ng lalaking nakatayo sa harapan niya kaya naman tinignan niya ito. Nagulat siya ng makita niyang hindi si Mikey Way ito. Kaya naman agad na napatayo si Shana Michaela sa kinauupuan niya.

Boy: Ikaw ba si Shana Michaela ?

Shana Michaela: Oo ako nga ( sagot nito sa lalaki ) Bakit mO ako kilala may kailangan ka ba sa akin ?

Boy: Ako nga pala ang Kuya ni Mikey Way. Ako si Gerard Way

Shana Michaela: Mikey Way ?? ( napaisip ito ) Aaaahhhhh si Mr. Cute Emo

Gerard: Mr. Cute Emo ?? ( natawa ito ) ayan ba ang tawag mo sa kapatid ko Mr. Cute Emo ??

Shana Michaela: Oo kasi ang Cute niyang Emo pero hindi ko akalain na Gwapo pala ang Kuya niya ( ngumiti ito )

Gerard: Bago ka lang dito hindi ba ?

Shana Michaela: Oo bagong student lang ako dito galing ako sa isang kilalang school. Bakit mo naman natanong yan ?

Gerard: Wala ngayon lang kasi kita nakita dito. Kaya ako pumunta dito para kausapin ka tungkol kay Mikey Way

Shana Michaela: Ganun ba bakit may problema ba ?

Gerard: Ayoko ko lang na lumalapit ka sa kapatid ko. Hindi mo maiintindihan ang kapatid ko at lalo namang hindi ka karapat dapat na maging kaibigan ng kapatid ko

Shana Michaela: Bakit naman wala naman akong ginagawang masama kay Mikey ?

Gerard: Wala ka ngang ginagawang masama sa kanya pero dahil sa ginagawa mong pag lapit sa kapatid ko pwede siyang mapahamak

Shana Michaela: Teka pano naman siyang mapapahamak dahil sa akin ( gulong gulo ito )

Gerard: Tingin mo ba matutuwa ang mga kaibigan mo kapag nakita nilang kasama mo ang kapatid ko ? Hindi man nila ipakita kapag nakaharap ka pero hindi nila itratrato ng tama si Mikey dahil hindi siya tulad mo.

Shana Michaela: Pero hindi ko naman hinahangad na magustohan siya ng mga kaibigan ko dahil sa totoo lang mali ka ng iniisip sa akin hindi ako tulad nila. Maniwala ka sa akin kung tulad man nila ako sa paningin ninyong lahat nag kakamali kayo. Gusto kong maging kaibigan si Mikey dahil iba siya sa lahat ng taong nakasama at naging kaibigan ko

Gerard: Pero dahil sa pag lapit mo sa kanya alam mo ba ang nangyari sa kanya kahapon ng uwian ? Kung hindi mo pa alam nabubugbog si Mikey ng dahil sayo

Shana Michaela: ANO ?? Nabugbog si Mikey dahil sa akin ? Paano ? ( Gulong Gulo ito )

Gerard: Kaya kung maari lang layuan mo na ang kapatid ko wag mo na siyang lalapitan ( tumalikod na ito kay Shana Michaela at nag umpisa ng mag lakad paalis ng Rooftop )

Shana Michaela: ( nalungkot naman ito sa sinabi sa kanya ni Gerard ) Haaay bakit naman ganun ( huminga ito ng malalim at inayos na ang itsura niya ) Hindi bale kakausapin ko na lang sa Room si Mikey

Pumasok na si Shana Michaela sa ClassRoom nila at agad naman niyang ginala ang mata niya sa buong classroom para hanapin si Mikey. Pero hindi niya nakita si Mikey duon kaya naman umupo na siya sa upuan niya.

Sasha Banks: Oh Shana Michaela bakit parang ang lungkot mo naman dyan ?

Becky Lynch: Oo nga ang tahimik mo dyan sa upuan mo. Samantalang kapag pumapasok ka always kang nakangiti at masaya

Shana Michaela: Wala lang ako sa mood

Bigla namang sumingit si Miz sa usapan.

Miz: Shana Michaela, Becky Lynch at Sasha Banks pwede ba kayo bukas ng gabi may party kasing gaganapin sa bahay namin

Becky Lynch: Sige ba pupunta ako dyan ikaw Shasha Banks ?

Sasha Banks: Sure pupunta din ako dyan tiyak masaya yan ^_^

Miz: Ikaw Shana Michaela sana naman pumunta ka bukas sa party. Siguro naman hindi ka na makakahindi ngayon dahil nung unang inaya kita tumanggi ka

Shana Michaela: Hindi ako mangangako na makakapunta ako kasi bukas may Lakad kami ng Kuya ko. Kung makakaabot ako pupunta ako

Miz: Pero sana makarating ka bukas sa party para naman makasama naman kita

Shana Michaela: ( ngumiti lang ito )

Mayamaya lang ay pumasok na ang unang teacher at sinabihan ng umupo na ang lahat ng studyante habang nag klaklase tahimik lang si Shana Michaela sa upuan niya.

Shana Michaela: ( nag sasalita siya sa isip niya ) Bakit kaya hindi siya pumasok ngayon ? Totoo kayang nabugbog siya kahapon ? Kamusta na kaya siya ? Okay lang kaya siya

Napansin ni Sasha Banks na tulala si Shana Michaela

Sasha Banks: ( Ginulat si shana michaela ) Bakit ka tulala diyan?

Shana Michaela: ( Nagulat ) Huh !!! Bakit mo naman ako ginulat Shasha ?

Sasha Banks: Para kasing wala ka sa sarili mo dyan

Shana Michaela: Wala ito nag fofocus lang ako sa lesson natin

Sasha Banks: Okay ( Hindi na niya pinansin si Shana Michaela )

Lumipas ang madaming Oras at dumating na ang uwian. Lumapit si Miz kay Shana Michaela.

Miz: Shana Michaela sabay na lang tayo umuwi ngayon pwede ba ?

Shana Michaela: Okay lang naman kasabay ko din naman sina Sasha Banks at Becky Lynch

Miz: Buti naman at hindi mo ako tinangihan

Shana Michaela: ( ngumiti na lang ito )

Nag lakad na pauwi ang anim. Masaya naman silang umuwi dahil nag kwekwentuhan sila at nag tatawanan dahil sa asaran.

Born To Make You HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon