Chapter #43

7 3 14
                                    

Huminga ng malalim si Gerard at inumpisahan ng mag salita.

Gerard Way: Nung grades school kami ni Mikey narinig kong nag uusap si Mama at Papa tungkol kay Mikey nalaman kong hindi ko siya tunay na kapatid. Sabi ni Papa sa akin ang tunay na magulang ni Mikey ay namatay sa Car Accident

Ray Toro: Paano napunta sa inyo si Mikey ?

Gerard Way: Napunta sa amin si Mikey dahil kinakailangan ni Madam Nellie na Lola ni Mikey na pumunta sa London para mag pagamot dahil may malubhang sakit siya.

Frank Iero: Kaya pala siya napunta sa pamilya ninyo

Gerard Way: Pinaalagaan kay Mama at Papa si Mikey dahil ang akala ni Madam Nellie na maaalagaang mabuti at mamahalin ni Mama at Papa si Mikey dahil ang tatay ni Mikey ay kapatid ng Tatay ko

Frank Iero: Pero mali ang akala ni Madam Nellie dahil hindi naman nila tinuring na parang tunay na anak si Mikey

Gerard Way: Tama ka dyan Frank kaya pumayag si Mama at Papa na alagaan si Mikey dahil buwan buwan na makakakuha sila ng pera kay Madam Nellie at pinag trabaho din si Papa sa kompanya na ipapamana kay Mikey. Ngayong bumalik na dito si Madam Nellie gusto na niyang kunin si Mikey

Ray Toro: Maganda nga yun andito na ang lola niya hindi na niya kailangan mag tiis sa bahay ninyo

Gerard Way: Yan din ang nasa isip ko Ray pero ayaw ni Papa na malaman ni Mikey ang totoo

Frank Iero: Dahil ba mawawala na yung perang nakukuha nila kay Madam Nellie

Gerard Way: ( Tumango ito ) Sabi ni Papa sa akin kaya niyang iligpit si Mikey kapag nalaman ni Mikey ang totoo. Ayoko naman na mapahamak si Mikey

Frank Iero: Eh ano ang kinalaman ni Miz ?

Gerard Way: Narinig kasi niya ang pag uusap namin ni Papa at nirecord niya iyon at pinapanakot niya na ibibigay niya iyon kay Mikey kapag hindi ko siya tinulungan kay Shana Michaela

Frank Iero: Kung ganun ipapanakot niya yang record na yan sayo tama ba ?

Gerard Way: Tama ka dyan at ayokong mag away din kami ni Mikey pag nalaman niya yan. Isa pang dahilan ko kung bakit nasabi kong hindi sila pwedeng mag katuluyan dahil parang kilala ng pamilya nila Shana Michaela ang pamilya ni Sophia ang tunay na nanay ni Mikey

Frank Iero: Paanong kilala nila business partner ba nila si Madam Nellie ?

Gerard Way: May kaibigan si Tita na Sophia yun ang dinalaw niya kahapon at kanina nabanggit naman ni Shawn Michaels si Madam Nellie kaya possibleng yung Sophia na dinalaw ni Tita kahapon yun ang nanay ni Mikey

Ray Toro: Pano na yan kung kilala ng pamilya nila Shana Michaela si Madam Nellie mas madaling mag kita si Mikey at ang lola niya

Frank Iero: Pero wala naman sigurong alam ang pamilya nila Shana Michaela tungkol kay Mikey

Gerard Way: May punto ka dyan Frank. Pero tama ba ang naisip ko na wag na lang magkatuluyan si Mikey at Shana Michaela ?

Ray Toro: Tingin ko hindi dahil alam naman natin na mahal nilang dalawa yung isa't isa kaya kung ako ang tatanungin ayos lang na maging silang dalawa

Frank Iero: Miski naman ako yun din ang opinion ko Gerard isipin mo matagal ng malungkot ang buhay ni Mikey. Simula ng dumating si Shana Michaela sa buhay niya naging masaya siya gugustohin mo bang bumalik siya sa dating malungkot at mag isa

Gerard Way: ( Tumingin ito kay Mikey at nakita niyang masaya itong kasama si Shana Michaela ) Ngayon ko lang siyang nakitang ganyang kasaya kaya kung ako ang tatanungin ayokong mabalik si Mikey sa pagiging malungkot at palaging mag isa. Pero paano kung ibigay ni Miz ang record na yun kay Mikey

Frank Iero: ( Hinawakan sa balikat si Gerard ) Kung malaman man ni Mikey ang katotohanan sa pamamagitan ni Miz tiyak naman na maiintindihan ka ni Mikey kung bakit mo nagawang itago yun sa kanya

Ray Toro: Tama si Frank kaya wala ka dapat ikatakot at tiyak ako kung talagang kilala ng pamilya ni Shana Michaela si Madam Nellie mas maproprotektahan nila si Mikey

Frank Iero: May punto si Ray doon mayaman sina Shana Michaela kaya pwede silang tumulong para protektahan si Mikey sa Papa mo

Gerard Way: ( Tahimik nitong inisip ang mga sinabi nila Frank at Ray ) Tama kayo hindi dapat ako ang maging dahilan para mawala ang taong nag papasaya kay Mikey dapat ako ang sumuporta sa kanilang dalawa

Frank Iero: Ayan ang tama ( nakangiting sabi nito )

Lumipas ang ilang minuto at nakabalik na sila sa pangpang at bumaba na silang lima sa bangka at bumalik na sila kung asan ang parents ni Shana Michaela.

Mrs.Hickenbottom: Oh kamusta nag enjoy ba kayo sa pinuntahan ninyo ?

Shana Michaela: Opo Mama super ang kulit nga ni Mikey sa bangka kanina

Mikey Way: Ako pa talaga ang makulit ikaw kaya yun

Shana Michaela: Hala ikaw nga yun ang daldal mo kaya

Mikey Way: Ako pa naging madaldal ikaw kaya yun

Shawn Michaels: ( Natawa ito sa dalawa ) Alam ninyo wag na kayong mag turuan mukhang parehas naman kayong nag enjoy

Frank Iero: Halata naman sa kanila kasi kung makikita nyo lang sila sa bangka ang sweet kaya nila

Ray Toro: Tama ka dyan Frank tapos ang saya saya pa nilang dalawa

Mr.Hickenbottom: Masaya akong nakikitang masaya ang anak ko. ( Tumingin ito kay Mikey ) Salamat sayo Mikey kasi mukhang ikaw ang dahilan kaya siya masaya ngayon

Mikey Way: Wala po yun

Mr.Hickenbottom: Masaya din akong ikaw ang napili ni Shana Michaela na maging boyfriend ( masayang sabi nito )

Nagkatinginan naman si Shana Michaela at Mikey.

Shana Michaela: Papa may sasabihin sana ako sayo ?

Mr.Hickenbottom: Kung ano man yan wag mo munang sabihin. Gusto ko lang kasing ipaalala sayo Shana Michaela na kapag nalaman ko na palabas lang na kayong dalawa. Hindi na manliligaw sayo si Miz dahil siya na mismo ang magiging future husband mo

Shana Michaela: ( Nanlaki ang mata nito ) What ? Papa naman alam mo naman na hindi ko gusto si Miz

Mr.Hickenbottom: Alam ko Shana Michaela kaya nga si Mikey ang naging boyfriend mo hindi ba dahil siya ang gusto mo. Sinasabi ko lang naman ito sayo para alam mo lang ang plano ko kung nag sisinungaling ka

Mikey Way: Pero hindi naman po kami nag papanggap lang totoo naman po na kami talaga

Shana Michaela: Papa wala ka bang tiwala sa akin ?

Mr.Hickenbottom: Meron pero sa usapan kasi about sa love life mo alam kong mahilig kang gumawa ng palusot

Mrs.Hickenbottom: Naku tama na nga yan ang mahalaga kayong dalawa na. Kaya tara na kayo kumain na tayo masamang pinag iintay ang pagkain

Pumunta na sila sa mesa at masayang kumain. Wala namang magagawa si Shana Michaela at Mikey kung hindi mag panggap na silang dalawa.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now