Chapter #30

11 2 16
                                    

Napabuntong hininga na lang si Ray dahil na din sa nasabi niya.

Ray Toro: Oo totoo yung narinig ninyo gusto ni Shana Michaela si Mikey bago pa maganap yung ginawa nila Miz na pag awayin si Mikey at Shana Michaela

Gerard Way: Pano mo naman nalaman yan ?

Frank Iero: Kelan nya sinabi sayo yun ?

Flashback

Tinawagan ni Ray si Shana Michaela dahil sa may napansin siya sa message ni Shana Michaela sa kanya.

Phone Conversation

Shana Michaela: Hello Ray bakit ka napatawag ?

Ray Toro: May gusto lang akong itanong sayo ? Ano ang tawag mo kay Mikey ?

Shana Michaela: Mr. Emo Boy bakit ?

Ray Toro: ( Kinuwento ang nang yari kung bakit nagalit si Mikey )

Shana Michaela: Kaya pala ganun na lang ang galit niya sa akin. Pero Ray hindi talaga ako yung nag message sa kanya kilala mo naman ako hindi ba

Ray Toro: Oo naman kilala naman kita alam kong kahit kelan hindi mo kayang gawin yun

Shana Michaela: Buti ka pa naniniwala sa akin pero si Mikey hindi siya naniniwala sa akin na hindi ako ang gumawa nun ( halata sa boses niya ang kalungkutan )

Ray Toro: Maayos din natin ito Shana Michaela wag ka ng malungkot. Matanong ko lang talaga bang kaibigan lang ang turing mo kay Mikey ?

Shana Michaela: Nung una talagang gusto ko lang siya maging kaibigan kasi alam mo naman na ayaw ko ng kaibigan na tulad ko na mayaman. Pero habang tumatagal na kaibigan ko siya nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Mahal ko si Mikey ng higit pa sa kaibigan pero tiyak naman ako na hindi niya ako magugustohan dahil ayaw niya sa katulad ko lalo pa ngayong galit siya sa akin

Ray Toro: Sabi ko na nga ba kasi nahahalata ko sayo na parang hindi lang kaibigan ang tingin mo sa kanya

Shana Michaela: Ray sana secret lang natin ito. Kahit sana kay Gerard at Frank wag mong sasabihin na gusto ko si Mikey

Ray Toro: Wag kang mag alala wala akong pag sasabihan nito

End Of Flashback

Gerard Way: Bestfriend ka nga talaga ni Shana Michaela pano naman kasi ikaw lang ang pinag sabihan nya ng tungkol dyan

Frank Iero: Pero hindi ako makapaniwala na sa ganda nyang yan naisip pa niya na hindi siya magugustuhan ni Mikey

Ray Toro: Hindi naman kasi siya tulad ng ibang babae na ang tingin niya sa sarili niya na lahat ng lalaki mag kakagusto sa kanya

Frank Iero: Tama ka dyan Ray pano naman kasi napansin ko sa kanya na hindi siya tulad ng ibang babae kahit mayaman siya mabait siya

Ray Toro: Mabait talaga si Shana Michaela kaya nga hindi rin ako makapaniwala na magiging bestfriend ko siya. Teka bakit ba parang gulat na gulat kayo kanina sa nasabi ko ?

Gerard Way: Nakakatuwa lang kasi na parehas sila ng nararamdaman sa isat isa

Ray Toro: Tama ka dyan Gerard ewan ko ba naman dyan kay Mikey bakit hindi pa niya sabihin ang kanyang nararamdaman kay Shana Michaela

Frank Iero: Mahina kasi ang loob ni Mikey

Ray Toro: Bakit hindi na lang natin sila tulungan ?

Gerard Way: Ayan na nga ang iniisip namin ni Frank ang matulungan namin si Mikey

Ray Toro: May naisip na akong paraan sasabihin ko na lang mamaya sa inyo pag andito na si Mikey

Gerard Way: Ano naman yun Ray ?

Frank Iero: Oo nga sabihin mo naman sa amin para naman magawa nating tatlo para matulungan din natin si Mikey

Gerard Way: Tama si Frank doon kanina lang nung kausap ko si Mikey parang gusto nya ng sabihin kay Shana Michaela ang tunay na nararamdaman nya

Frank Iero: Maganda na nga ang pag kakataon niya ngayon kasi dalawa lang sila sa Park ngayon kaso tiyak naman na hindi magagawang sabihin ni Mikey yun ngayon

Ray Toro: Tama ka dyan Frank kasi tiyak naman na maiisip niyang baka hindi siya gusto ni Shana Michaela at baka masira lang ang friendship nilang dalawa

Gerard Way: Kaya nga dapat matulungan natin si Mikey kasi nakikita kong si Shana Michaela ang nararapat na maging girlfriend nya kasi alam kong si Shana Michaela ang babaeng mag papasaya sa kanya

Frank Iero: Isa pa bagay naman sila kahit na hindi Emo si Shana Michaela na tulad ni Mikey. Tsaka si Shana Michaela lang naman ang babaeng nakatanggap kay Mikey

Gerard Way: Tama ka dyan Frank si Shana Michaela lang din ang kauna unahang babae na nakapag pasaya sa kapatid ko. Kaya dapat lang na si Mikey at Shana Michaela ang mag katuluyan

Ray Toro: Kung ganun dapat mag lakas loob si Mikey na ligawan si Shana Michaela kung kailangan na makipag sabayan siya kay Miz gawin niya

Frank Iero: Pero sa pa anong paraan naman yan Ray

Sinabi ni Ray ang naisip niyang paraan kay Gerard at Frank.

Park

Lumapit si Mikey kay Shana Michaela dala ang pag kain na binili niya.

Mikey Way: Sino yung kausap mo ? ( Umupo ito sa tabi ni Shana Michaela at inabot ang burger )

Shana Michaela: Si Ray ang kausap ko hindi mo manlang sinabi sa akin na may movie marathon kayong apat ayan tuloy malalate ka sa pag uwi ( Kinuha ang pag kain at kumain na ito ng burger )

Mikey Way: Okay lang yun kausap ko din kanina si Kuya Gerard at alam niyang kasama kita kaya ako malalate ako ng uwi ngayon ( kumain na din ito ng burger )

Shana Michaela: Ganun ba pasensya na sa abala ( ngumiti ito )

Mikey Way: Okay lang yun anong gusto mong gawin pag katapos natin kumain ?

Shana Michaela: Mag lakad lakad na lang tayo dito

Mikey Way: Okay ( ngumiti ito at may nakitang ketsup sa may gilid ng labi ni Shana Michaela ) Wait lang wag kang gagalaw

Shana Michaela: Bakit naman ? ( Nagtatakang tanong nito kay Mikey )

Mikey Way: ( Pinunasan niya ang ketsup sa gilid ng labi ni Shana Michaela gamit ang thumb niya ) Ayan okay na wala na yung ketsup

Shana Michaela: Salamat ( Ngumiti ito ng super cute )

Natulala naman si Mikey kay Shana Michaela at unti unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ni Shana Michaela. Para namang na freeze si Shana Michaela at natulala lang ito kay Mikey.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now