Chapter #1

80 11 58
                                    

Maagang gumising si Mikey Way dahil First Day Of School nila. Hindi masaya na pumasok si Mikey dahil tulad ng mga nakaraang taon wala naman siyang kaibigan sa school. Ang kapatid lang niyang si Gerard Way ang kanyang kausap kapag nasa school siya.

Ginising na ni Gerard si Mikey para wag silang malate sa pag pasok nilang dalawa.

Kwarto

Gerard: Mikey Gumising ka na dyan sige na mamaya malate pa tayong dalawa

Mikey: ( Minulat nito ang kanyang mata at ginala sa kwarto ) Anong Oras na ba Kuya Gerard ?

Gerard: Oras na para bumangon ka na dyan sa kama mo at mag ayos ka na dahil malalate na tayo

Mikey: ( Bumangon na ito sa kanyang higaan ) Haaaay nakakatamad naman pumasok

Gerard: Ay naku naman Mikey hindi pwedeng first day of school aabesent ka na agad. Mag ayos ka na at iintayin kita sa may dinning room

Lumabas na si Gerard ng kwarto at wala namang nagawa si Mikey kundi ang sumunod sa kanyang kuya.

Dinning Room

Mr. Way: Asan na yang si Mikey ?

Gerard: Pababa na po yun

Mrs. Way: Pano naman kasi ang hilig ng kapatid mo na mag puyat. Kaya ayan Late na kung magising gusto pa atang malate kayong dalawa

Narining ni Mikey ang sinabi ng Nanay niya pero hindi na niya ito pinansin at umupo na lang ito sa upuan. Kumuha ito ng tinapay at hotdog at kumain na.

Mr. Way: Mikey Late ka nanaman gumising

Mrs. Way: Bakit kasi hindi mo gayahin ang Kuya Gerard mo

Mikey: Kuya Gerard intayin na lang kita sa labas ng bahay. ( Tumayo na ito at Lumabas na ng bahay nila )

Mr. Way: Tignan mo yang kapatid mo Gerard pag sabihan mo yan

Gerard: Hayaan nyo na po siya. Baka hindi lang po maganda ang gising niya kaya ganyan siya ngayon

Mrs. Way: Basta Gerard pag sabihan mo yang kapatid mo

Natapos ng kumain ng agahan si Gerard at lumabas na ito ng bahay. Nakaupo naman sa isang upuan si Mikey habang nakikinig ng music.

Gerard: ( Tinanggal ang headset sa tenga ni Mikey ) Tara na pasok na tayo

Mikey: Okay ( maikling sagot nito at nag umpisa ng maglakad )

Gerard: ( Nag Lakad na din ) Mikey wag ka ng malungkot hayaan mo na yang sila mama at papa

Mikey: Palagi naman silang ganyan sa akin parang always na lang na ako ang napupuna nila. Ikaw kasi ang favorite nilang anak

Gerard: Ano ka ba hindi naman ako ang favorite ni Mama at Papa

Mikey: ( Tumahimik na ito )

Nakarating na sila sa school at nakita naman ni Gerard ang mga kaibigan niya at sumama na ito duon. Habang si Mikey naman ay pumasok na agad sa Room nila.

Classroom

Pag pasok niya sa room niya wala pang tao duon kundi isang babae na mukhang fashionista busy ito sa cellphone niya. Wala naman pake alam si Mikey umupo na ito sa may likuran sa tabi ng bintana. Napatingin naman ulit siya sa babae pinag masdan nya lang ito. Hanggang sa may dumating ng iba pang estudyante. Mayamaya lang may lumapit na lalaki sa babae.

Boy: Hello mukhang new classmate ka namin

Girl: ( Tinignan niya ang boy ) Yeah bago lang ako dito sa sa school ninyo ( ngumiti ito )

Boy: Kung ganun transfer student ka pala itong section na ito kami din ang mag kaklase last year at mukhang isa ka sa new face dito. By the way ako nga pala si Miz ( inabot ang kamay sa girl )

Girl: Shana Michaela ( nakipag shake hands kay Miz ) Nice to meet you Miz

Miz: Ammm dyan ka ba uupo ?

Shana Michaela: No ( nilibot ang mata sa room at nakita ang bakanteng upuan sa likod ) Duon ako uupo sa may tabi nung upuan nung boy na katabi ng bintana

Miz: ( Tumingin sa sinabing lugar ni Shana Michaela ) Duon ka uupo sa tabi nung EMO boy na yun ? Mukhang hindi ka bagay sa lugar na yun. Buti pa wag ka ng umalis at dito ako uupo sa tabi mo para naman mas makapag usap pa tayo

Shana Michaela: Sorry pero ayaw ko dito mas gusto ko duon. ( kinuha na niya ang bag niya at tumayo na ) Pano maiwan na kita dyan

Pumunta na si Shana Michaela sa upuan na katabi ni Mikey at umupo na ito. Nagulat naman si Mikey dahil last year wala naman umuupo sa tabi niya.

Shana Michaela: ( Humarap ito kay Mikey ) Hello ( ngumiti ito ng cute na ngiti )

Mikey: ( Nginitian lang nya si Shana at hindi na pinansin )

Shana Michaela: Mukhang tama ako ng napiling upuan kasi mukhang tahimik ka naman katabi

Mikey: ( Tumingin sa may bintana )

Shana Michaela: Ang tahimik mo naman masyado pero kung ayaw mo akong kausap okay lang naman ( umayos na ito )

Hanggang sa dumating na ang lahat ng classmate nila at pumasok na din ang teacher nila. Maya maya lang tumunog na ang school bell dahil recess time na.

Lumabas naman ang lahat ng estudyante sa room para pumunta ng canteen. Pero ng lalabas na ng room si Mikey hinarang siya ni Miz at ng barkada nitong sina Adrian Neville at Baron Corbin.

Miz: Hoy EMO boy pwede bang lumipat ka na lang ng upuan mo bukas.

Neville: Oo nga mukha kasing hindi bagay na ikaw ang katabi ng new student natin

Corbin: Baka kasi mahawahan siya ng pagiging EMO mo

Miz: Kaya pwede ba bukas ayaw kong makikitang duon ka nakaupo

Biglang may sumingit sa usapan nila

Shana Michaela: Bakit naman siya lilipat ng upuan ?

Becky Lynch: Oy ikaw Miz ayan ka nanaman sa ugali mo binubully mo nanaman si Mikey

Sasha Banks: Oo nga naman pwede ba wag kayong humarang sa daanan nya

Hindi na pinatulan pa ni Miz, Neville, at Corbin sina Sasha at Becky dahil na din andun si Shana. May tumawag naman kay Mikey at ang kuya Gerard nya ito kaya naman pinuntahan na niya ito. Pumunta na din sa Canteen ang tatlong babae

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now