Chapter #39

8 2 54
                                    

Napatingin naman si Mr.Way sa nagsalita at gulat na gulat ito.

Mr.Way: Madam Nellie ? ( Gulat na sabi nito )

Nellie: ( Nilibot ang mata sa bahay ) Bakit parang gulat na gulat kayo sa pagdating ko ?

Mrs.Way: Hindi lang po namin inaasahan ang pag punta mo dito hindi po ba nasa London ka ?

Nellie: Bumalik na ako dito ngayon dahil sa gusto kong makita ng apo ko na pinaalagaan ko sa inyo habang nasa London ako

Mr.Way: Pero wala po dito si Gerard at Mikey nasa outing sila kasama ang kaibigan nila

Nellie: Mukhang close silang dalawa buti pa si Gerard minahal niya si Mikey. Pero kayong dalawa masahol pa kayo sa hayop lalo ka na Mr.Way

Mr.Way: Ano po ba yang sinasabi mo ?

Mrs.Way: Oo nga po Madam Nellie nakakasakit naman po kayo ng damdamin sa sinasabi ninyo

Nellie: Nasasaktan pala kayong dalawa bakit akala nyo ba hindi ko alam ang mga ginagawa ninyo kay Mikey ( Masungit na sabi nito )

Mr.Way: Wala naman po kaming ginagawang masama kay Mikey

Nellie: ( Tinaasan ng kilay si Mr.Way ) Wala sigurado kang wala baka hindi ninyo alam na dalawa na alam kong sinasaktan nyo ang apo ko

Mrs.Way: ( Nanlaki ang mata nito sa sinabi ni Nellie ) Madam Nellie hindi namin siya sinasaktan

Nellie: Wag nyo akong gawing tanga dahil kahit na nasa London ako may nag babantay pa rin sa apo ko dito. Baka akala ninyo hindi ko din alam na pinakikinabangan ninyo ang buwan buwan na pinapadala kong pera para kay Mikey

Mr.Way: Sandali lang Madam Nellie iniwan mo dito si Mikey kaya dapat lang na makinabang kami sa pera niya dahil dito siya nakatira ( Inis na sabi nito )

Nellie: Kaya nga ninyo tinanggap si Mikey hindi ba para sa pera na makukuha ninyo mula sa akin

Mrs.Way: Teka nga bakit parang kung pag salitaan mo kami ay ganyan na lang ?

Nellie: Dahil alam ko kung ano ang ginagawa ninyo sa apo ko. Yung companya na pinag tratrabahuhan mo Mr.Way sinabi mo ba kay Mikey na pag nakatapos siya ng pag aaral siya ang magiging boss doon. Tiyak naman na hindi dahil alam ko naman na gusto ninyong kayo ang kumuha sa kompanyang para sa kanya

Mr.Way: Ano ba yang pinapalabas mo inalagaan naman namin si Mikey dapat nga mag pasalamat ka pa sa amin dahil habang nag papasarap ka doon sa London andito ang apo mo

Nellie: Ang kapal naman ng mukha mong sabihin yan Mr.Way kaya ako nasa London para mag pagamot dahil nag kasakit ako alam mo yan. Hindi ka ba nahihiya sa mga sinasabi mo kung andito lang ang Kuya mo ang totoong tatay ni Mikey tiyak ako magagalit sayo yun dahil hindi ka magandang pag iwan ng anak. Pamangkin mo ang taong tinuring mong parang hindi pamilya sa mahabang panahon

Mr.Way: ( Natahimik ito sa sinabi ni Madam Nellie )

Nellie: Nag kamali ako na ipag katiwala si Mikey sa inyo kung alam ko lang na hindi ninyo siya mamahalin sana sinama ko na lang siya sa London sana hindi ko din tinago ang katotoohanan sa kanyang ang anak ko ang tunay niyang nanay at ang kapatid mo naman ang tunay niyang tatay

Mr.Way: ( Nag smirk ito ) Kung ganun may kasalanan ka din naman kay Mikey dahil pabaya kang Lola. Kaya wag kang mag salita sa amin na para bang kami lang ang hindi nakapag bigay sa kanya ng pag mamahal na dapat sa kanya

Nellie: Kaya nga ako bumalik dito para kunin ko na siya sa inyo at para makabawi ako sa lahat ng pag kukulang ko sa kanya

Nagulat naman ang mag asawang Way sa sinabi ni Madam Nellie.

Mrs.Way: Bakit naman kailangan mong kunin sa amin si Mikey ?

Mr.Way: Kami ang kinikilala niyang magulang at tiyak hindi siya sasama sayo dahil kay Gerard

Nellie: Makikita na lang natin kung hindi siya sasama sa akin ngayon alam kong hindi niya alam ang tungkol dito

Mrs.Way: Kaya nga malakas ang loob namin na hindi mo na siya makukuha sa amin

Nellie: Nga pala simula sa araw na ito wala na kayong makukuhang buwan buwan na pera at simulan mo na ding mag hanap ng bagong trabaho Mr.Way dahil sa oras na makuha ko si Mikey siya ang kapalit mo sa posisyon mo ( Ngumiti ito )

Mr.Way: Hindi mo makukuha si Mikey sa amin

Nellie: Bakit may karapatan ka ba sa kanya ? Hindi ikaw ang tatay ni Mikey kundi ang kapatid mo kaya wala kang karapatan sa kanya ( Naglakad na ito palabas ng bahay )

Nang makaalis si Madam Nellie napaupo na lang si Mrs.Way.

Mrs.Way: Pano niya nalaman ang lahat ng ginawa natin kay Mikey ?

Mr.Way: Hindi ko din alam pero isa lang ang dapat na gawin natin ang hindi niya makuha si Mikey para tuloy tuloy lang natin magamit si Mikey para ituloy niya ang pag suporta dito at hindi ako maalis sa kompanya nila

Mrs.Way: Si Gerard lang ang makakatulong sa atin mapapaliwanagan niya si Mikey

Mr.Way: Tama papakinggan siya ni Mikey dapat matawagan natin siya ( Kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Gerard )

Sasakyan Ni Madam Nellie

Mrs.Hickenbottom: Kamusta Madam ?

Nellie: Ayos naman matagal ko ding kinimkim ang lahat ng ito habang nasa London ako. Kamusta si Mikey ?

Mrs.Hickenbottom: Ayos naman po siya sa ngayon kasama niya ang barkada niya sa Resort kung nasaan kami

Nellie: Salamat at napapayag ninyo siyang sumama sa Resort ngayon gusto kong makita siya hindi sa ganitong paraan

Mrs.Hickenbottom: Madam siguro po nag kataon lang na nagkaroon siya ng malaking dahilan para sumama sa amin. Mukhang tama nga ang Bestfriend kong si Sophia na baka ang anak naming dalawa ang nakatadhana para sa isat isa ( Masayang sabi nito )

Nellie: Mukhang tama nga ang anak ko dahil isa kang mabuting ina kay Shana Michaela. ( Tumingin ito sa bintana ) Sana andito si Sophia ngayon para naman makaramdam ng pag mamahal ng isang tunay na ina ang apo ko ( Malungkot na sabi nito )

Mrs.Hickenbottom: Sana nga po dahil tiyak sabik na sabik si Mikey sa pag mamahal ng tunay na tatay at nanay. Dahil hindi nabigay sa kanya yun pero ngayong andito ka na makakaramdam na siya ng pag mamahal

Tumunog naman ang cellphone ni Mrs.Hickenbottom.

Mrs.Hickenbottom: Mukhang hinahanap na ako ni Shana Michaela ( masayang sabi nito )

Nellie: Sige sagutin mo na iyan

Sinagot na ni Mrs.Hickenbottom ang tawag ni Shana Michaela at tahimik naman si Madam Nellie sa kanyang kinauupuan.

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now