Chapter #23

12 4 58
                                    

Kinabukasan pag pasok ni Shana Michaela sa Classroom nila may nakita siyang tatlong roses na pink at isang maliit na cute teddy bear sa mesa ng upuan niya. Agad niyang tinignan kung kanino galing ito pero walang nakalagay na pangalan kung kanino galing kaya naman tinanong niya ang kanyang kaibigan.

Shana Michaela: Becky Lynch alam mo ba kung kanino galing ito ?

Becky Lynch: Hindi ko alam kasi kakadating ko lang nauna lang ako sayo ng ilang minuto

Shana Michaela: Ganun ba ( nag tataka naman ito )

Becky Lynch: Baka naman galing yan sa nag kakagusto sayo. Infairness ang sweet nung lalaking yun ha

Shana Michaela: ( umupo ito at biglang napatingin sa upuan ni Mikey Way dahil wala pa ito ) Hindi kaya kay Mikey galing ito pero galit siya sa akin ( pabulong na sabi niya sa sarili habang hawak ang 3 pink roses )

Becky Lynch: Oy Shana Michaela nakikinig ka ba sa akin ?

Shana Michaela: Huh !!!! Pasensya na mukhang lutang ang isip ko ngayon pano kasi ----- ( Naputol ang sasabihin niya )

Dumating kasi si Miz,Neville at Corbin at agad na sumingit sa usapan ni Becky Lynch at Shana Michaela.

Neville: Mukhang nakita mo na Shana Michaela ang surpresa sayo ni Miz

Corbin: Oo nga

Shana Michaela: So ikaw ang pala Miz ang may gawa nito ( pilit itong ngumiti kay Miz kahit na nakaramdam siya ng pang hihinayang dahil akala niya kay Mikey Way na galing ang mga bulaklak at ang maliit na cute teddy bear )

Miz: Oo sa akin galing yan sana nagustohan mo ( masayang sabi nito )

Neville: ( may napansin na papasok sa classroom niya kaya siniko ng mahina si Miz na para bang hudyat )

Hallway

Habang nag lalakad si Mikey Way hindi maalis sa kanya ang mga nangyari kahapon hindi rin maalis sa isip niya ang mga binasa niyang dating message ni Shana Michaela.

Hindi na tuloy maintindihan ni Mikey Way kung magagalit ba siya kay Shana Michaela O hindi dahil ang sinasabi ng utak niya ay paano kung si Shana Michaela talaga ang may gawa nun paano kung niloloko lang talaga siya ni Shana Michaela. Pero ang puso naman niya masaya kapag andyan si Shana Michaela sa tabi niya. Natigilan si Mikey sa pag iisip ng biglang mag salita si Frank.

Frank Iero: Paano Mikey mamaya na lang recess tayo mag kita kita

Gerard Way: Oo nga isa pa dapat kasabay natin mamayang recess si Shana Michaela gusto ko din kasing makuha ang paliwanag niya

Mikey Way: Bakit pa Kuya Gerard hindi naman na natin dapat pa malaman ang paliwanag niya. Sapat na ang message niya kahapon para maniwala tayong yun talaga siya ( Iritableng sagot nito kay Gerard )

Frank Iero: Ibig sabihin ba nyan Mikey naniniwala ka talaga sa sinabi ni Miz at sa message. Kasi kung ako ang tatanungin hindi ako naniniwala lalo na yung grupo pa ni Miz ang nag sabi

Gerard Way: Kapatid kita Mikey pero miski ako hindi ako naniniwala sa Grupo ni Miz maniniwala pa ako kung iba ang gumulpi sa amin hindi sila

Frank Iero: At maniniwala pa ako kung talagang anduon siya sa basketball court at pinapanuod na binubugbog kami at nakikita kang masaktan. Pero Mikey wala siya duon kahapon at malaki ang paniniwala ko na gawa lang ng grupo ni Miz yan

Gerard Way: Kaya dapat makausap natin si --- ( Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil biglang nag salita si Mikey )

Mikey Way: Ewan ko Kuya Gerard basta ako sapat na sa akin yun para maniwala ako ( Inis na sabi nito )

Frank Iero: Mikey natatakot ka bang malaman ang totoo ?

Gerard Way: Natatakot ka ba na baka totoo na siya talaga ang gumawa nun ?

Mikey Way: Oo natatakot ako na malaman na baka siya talaga ang may gawa nun dahil natatakot akong malaman kong lahat ng pinakita niya sa akin ay kasinungalingan lang

Frank Iero: Bakit dahil mahal mo siya at ayaw mong mawala siya sayo tama ba ako ? ( nakataas kilay na tanong nito )

Mikey Way: Oo dahil mahal ko na si Shana Michaela ng higit pa sa kaibigan. ( Yumuko ito ) At natatakot ako na malamang tulad pala siya ng lahat ng mga babae dito

Biglang may humawak sa balikat ni Mikey at nag salita ito.

Ray Toro: Pero hindi sya ganyan Mikey at kaya ko ng patunayan sayo na hindi siya ang nag message sayo

Mikey Way: ( Nagulat ito kay Ray ) Ray naman papatayin mo ba ako sa gulat nyan bakit ka naman biglang sumusulpot

Gerard Way: Oo nga naman nakakagulat ka eh

Frank Iero: Para kang kabute na biglang lumilitaw

Ray Toro: Pasensya na pano kasi ang seryoso ng usapan ninyo kaya naman nang gulat na lang ako

Frank Iero: Pero totoo bang sinabi mo na papatunayan mo na hindi si Shana Michaela ang nag message kay Mikey kahapon ?

Ray Toro: Oo malamang hindi napansin ni Mikey ang message kahapon dahil sa laman na mensahe nito pero mamaya sa canteen ipapaliwanag ko

Frank Iero: Bakit sa Canteen pa ngayon mo na sabihin

Ray Toro: Hindi na tayo aabot kasi malapit na mag ring ang schoolbell

Mikey Way: Oo nga pala pa ano kuya malapit na din ako sa classroom ko kaya paalam na

Iniwan na ni Mikey ang tatlo nag tungo na siya sa kanyang classroom habang nag lalakad siya iniisip niya ang sinabi ni Ray kanina.

Mikey Way: Totoo kaya yun na hindi talaga si Shana ang nag message sa akin pano nalaman ni Ray yun ? ( pabulong na sabi nito sa sarili niya )

Natigil ang pag iisip niya ng makapasok siya sa loob ng classroom niya at nanlaki na lang ang mata niya sa nakita niya.

Born To Make You HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon