Chapter #3

32 10 61
                                    

Kotse

Shawn Michaels: Sino naman ang kasama mo kanina ?

Shana Michaela: Classmate ko sya Kuya. Alam mo kakaiba siya sa lahat ng nakilala ko

Shawn Michaels: Bakit mo naman nasabi yan ?

Shana Michaela: Pano naman po kasi nakita mo naman ang itsura niya. Emo looks tapos ang tahimik niya gusto ko syang maging kaibigan Kuya. Isa pa hindi siya popular sa school nasasawa na kasi ako makipag kaibigan sa mga taong popular.

Shawn Michaels: Ayos lang sa akin kung makikipag kaibigan ka sa kanya. Basta hindi siya Bad Infuence sayo kasi alam mo naman na ayaw kitang mapapahamak. Pero pag nakita siya ni Mama at Papa tiyak hindi sila papayag na makipag kaibigan ka sa ganyang tao

Shana Michaela: Pero hindi mo naman sasabihin sa kanila yun hindi ba. Isa pa alam ko naman na ayaw nila sa ganun at hindi ko ikakahiya na may kaibigan akong ganun. Hindi naman siya mukhang masamang tao sa totoo lang cute siya

Shawn Michaels: Teka nga ano yang cute word na yan

Shana Michaela: Cute naman talaga siya hindi naman siya pangit. Isa pa nakakatuwa kasi siya pa lang ang magiging kaibigan kong EMO. Kaso lang medyo masungit siya kapag kausap ako pero okay lang yun pag nag tagal babait din siya sa akin

Shawn Michaels: Mukhang interesado ka sa kanya. Basta kung saan ka masaya Okay sa akin wag ka na lang mag papahuli kay Mama at Papa

Shana Michaela: Okay

Dumating na sila sa bahay at agad naman na pumunta sa kwarto si Shana at nag palit na ng pangbahay na damit.

Kwarto

Habang nasa kwarto siya naisip niya si Mikey

Shana Michaela: Ang swerte naman niya kasi hindi siya popular sa school nagagawa niya ang lahat ng gusto niya. Nakakaingit naman siya hindi naman talaga masaya ang makasama ang mga popular na students. Masarap pang kasama ang katulad niyang tahimik

Nakauwi naman na sa bahay nila si Mikey at tulad ng nadatnan niya nag aaway nanaman ang Nanay at Tatay niya. Kaya naman agad itong umakyat sa 2nd floor ng bahay nila tinignan niya sa isang kwarto kung naka uwi na ito pero wala pa ito kaya naman pumasok na lang ito sa kwarto niya.

Kwarto Ni Mikey

Humiga ito sa kama niya at tumitig sa ilaw habang nakikinig ng music sa cellphone niya. Mayamaya lang naisip niya ang nang yari sa rooftop ngayon lang kasi may tumabi sa kanyang babae na hindi niya katulad.

Mikey: Ibang klase din siya sa lahat ng katulad niyang estudyante ako pa talaga ang kinausap niya. Bakit naman kaya ? ( nagtatakang tanong nito sa sarili niya )

Mayamaya lang ay may kumatok sa pinto niya at pumasok na din.

Gerard: Kanina ka pa ba nakauwi ?

Mikey: Hindi naman nauna lang ako sayo ng kaunti. Kamusta ang lakad nyo ni Frank ?

Gerard: Ayos naman nabilhan na namin ng birthday gift yung girlfriend niya. Ikaw bakit naman ngayon ka lang umuwi ?

Mikey: Tumambay pa kasi ako sa rooftop ng school natin. Dapat nga hindi pa ako uuwi kaso hinatak na ako pa aalis ng rooftop ( biglang napahinto sa sinasabi niya dahil nag salita si Gerard )

Gerard: So may kasama kasa rooftop kanina ngayon ka lang ata nag karoon ng kasama sa rooftop. Sino naman yun ?

Mikey: Si Shana Michaela yung bago naming classmate

Gerard: Talaga ? Bakit naman siya anduon ?

Mikey: Favorite din nyang tambayan ang rooftop siguro duon din siya nag papalipas ng oras nung hindi pa siya lumilipat sa school natin. Pero nag tataka lang ako bakit kaya gusto niyang makipag kilala sa akin?

Gerard: Talaga bakit ano ba ang nangyari sa rooftop ?

Mikey: ( Nag kwento ito tungkol sa nangyari sa rooftop ) ang pinaka ayaw ko duon ang tawagin akong Mr. Cute Emo -_-

Gerard: ( natawa sa sinabi ni Mikey ) Mr. Cute Emo hehehehe ayos yung tawag niya sayo. Bakit mo naman kasi sinungitan ikaw na nga yung kinakausap niya

Mikey: Alam ko naman kasi na kapag lumapit ako sa babaeng yun mabubully nanaman ako sa room ng group ni Miz. Last year lang wala nang araw na hindi nila ako binully ikaw lang naman ang nakaka alam nun dahil si Mama at Papa wala naman pakialam sa akin. May Oras pa sila sa pag aaway kesa sa pag aasikaso sa akin. Kung matitigil man sila sa pag aaway ikaw lang ang nakikita nilang anak nila

Gerard: Tama na yan Mikey kahit naman ganyan sila Mama at Papa sayo at kahit na lahat pa ng estudyante sa school natin walang paki alam sayo. Andito pa naman ako hindi naman kita papabayaan hindi kita iiwan. Promise yun

Mikey: Ikaw lang naman talaga ang kasama ko sa malungkot at masayang parte ng buhay ko. Kaya nga ayaw kong mawala ka

Gerard: ( Ngumiti ito ) Sige na mag bihis ka na ng pangbahay at gumawa ka na ng mga takdang aralin mo. Pupunta na din ako sa kwarto dahil madami akong dapat pag aralan.

Mikey: Pag aralan o baka naman mag dradrawing ka lang ng comics mo

Gerard: ( Ngumiti na lang ito at lumabas na ng kwarto )

Sinunod naman agad ni Mikey ang utos ng kanyang kapatid pagkatapos niyang mag palit ng damit umupo na siya sa may study table niya at nag aral na. Habang nag babasa siya may nag txt sa cellphone niya.

Miz

Mikey yung sinabi ko sayo kanina sa school alam mo naman ang mga kaya kong gawin sayo. Layuan mo si Shana Michaela ayaw ko na makikitang lalapit ka sa kanya.

Matapos niyang basahin ang message.

Mikey: Wala naman akong balak na lapitan ang babaeng yun isa pa hindi bagay ang tulad niya sa tulad ko

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now