Chapter #34

12 2 21
                                    

Mag kakasama sa isang Van sina Shana Michaela,Mikey,Ray,Gerard at Frank samantala na ang Nanay Tatay at Kuya naman ni Shana Michaela ay nasa isang kotse.

Kotse

Mr.Hickenbottom: Mukhang nagagawa naman natin ng maayos ang plano natin Shawn Michaels ( masayang sabi nito )

Shawn Michaels: Tama ka dyan Papa dito makikita talaga natin kung karapat dapat ba si Mikey na maging parte ng pamilya natin

Mr.Hickenbottom: Wala naman akong masamang nakikita kay Mikey kahit na kakaiba siya na tulad ni Ray. Pero gusto ko lang makasiguro kung tama ba na mahalin siya ni Shana Michaela

Mrs.Hickenbottom: Bakit naman hindi kung ako ang tatanongin boto ako kay Mikey at natutuwa ako na siya ang unang lalaking nagustohan ng anak natin

Mr.Hickenbottom: Hindi rin naman ako tutol doon dahil hindi naman si Shana Michaela ang gusto kong subukan dito

Mrs.Hickenbottom: Ano ang ibig mong sabihin ? ( Nag tatakang tanong nito )

Mr.Hickenbottom: Gusto kong malaman kung hanggang saan ipag laban ni Mikey ang pag mamahal niya sa anak natin

Shawn Michaels: Mama napag alaman ko po kasi na gustong tulungan ni Ray,Frank at Gerard si Mikey sa pag tatapat nito ng kanyang nararamdaman kay Shana Michaela. Sinabi sa akin yun ni Ray nung nakaraang araw nag papatulong siya sa akin kaya sinabi ko ito kay Papa

Mr.Hickenbottom: Kaya naisip kong gawin ito bago ako pumayag na paligawan si Shana Michaela kay Mikey gusto kong makita na totoo ang nararamdaman niya sa anak natin

Mrs.Hickenbottom: ( napailing na lang ng ulo ito ) Bahala kayong mag ama pero tiyak akong kakayanin ni Mikey yang pagsubok na gagawin ninyo sa kanya

Van

Shana Michaela: ( Napansin na tahimik si Mikey ) Mr. Cute Emo bakit ang tahimik mo dyan ?

Mikey Way: Wala lang ganito lang naman ako palaging tahimik

Shana Michaela: Talaga ? Pano kung ayaw kong maging tahimik ka ?

Mikey Way: ( Tinaasan ng kilay si Shana Michaela )

Shana Michaela: Hala ito makataas ng kilay sa akin

Mikey Way: Para ka kasing ewan sa sinabi mo kanina

Shana Michaela: Ako pa talaga ang parang ewan ikaw nga ang tahimik mo dyan samantalang ang sasaya namin dito na nag kwekwentuhan

Ray Toro: Hay naku baka kasi iniisip nya kung sino yung ipapakilala sayong lalaki mamaya sa resort

Shana Michaela: ( Tumingin ito kay Mikey ) Bakit mo naman iniisip yun ? Bakit nag seselos ka ba doon sa ipapakilala sa akin mamaya ? ( pang aasar nito kay Mikey )

Mikey Way: Bakit ko naman iisipin yun ? Isa pa bakit naman ako mag seselos kung may ipapakilala sayo na lalaki ?

Shana Michaela: Malay ko ba ang tahimik mo dyan tapos sabi ni Ray iniisip mo daw yung lalaki na ipapakilala sa akin

Mikey Way: Pano kasi naniniwala ka agad dyan kay Ray

Natatawa naman sina Frank,Gerard at Ray sa kanilang dalawa.

Ray Toro: Bakit Mikey totoo naman yung sinabi ko iniisip mo yung lalaking ipapakilala kay Shana Michaela

Mikey Way: Hindi ko kaya iniisip yun bakit ko naman iisipin yun ?

Shana Michaela: Kasi baka iniisip mo kung gwapo ba yun kung magugustohan mo ba sya ( pang aasar nito kay Mikey )

Mikey Way: Ano tingin mo sa akin bakla ?

Shana Michaela: Wala akong sinabing ganun ikaw nag sabi nun ( tumawa ito )

Frank Iero: Pano ba yan Mikey papayag ka bang ganyan ang tingin sayo ni Shana Michaela ( pang aasar nito )

Gerard Way: Kung ako yan papatunayan kong hindi ako bakla

Shana Michaela: Oy tumigil na nga kayo sa pang aasar nyo mamaya magalit na yang si Mr. Cute Emo

Mikey Way: Ayos lang kung yan ang tingin sa akin ni Shana Michaela. Ang tingin ko naman sa kanya tomboy ( pang aasar nito kay Shana Michaela )

Shana Michaela: Hala ako tomboy sa arte kong ito tomboy pa tingin mo sa akin hindi kaya ako tomboy

Ray Toro: Alam nyo kayong dalawa ang kulit nyo din mag asaran

Frank Iero: Oo nga nag umpisa lang sa topic na tahimik si Mikey ayan ang resulta

Gerard Way: Pero nakakatuwa kasi hindi na tahimik ngayon si Mikey kasi ayan nakikipag asaran na siya

Mikey Way: Pano kasi itong si Shana Michaela

Gerard Way: Oh ano si Shana Michaela ?

Shana Michaela: Maganda

Mikey Way: ( Napangiti na lang ito sa sinabi ni Shana Michaela )

Ray Toro: Sira ka talaga Shana Michaela ( Natatawang sabi nito )

Frank Iero: Ayos yung sagot mo sa tanong ni Gerard ( Natatawang sabi nito )

Gerard Way: Oo nga eh saktong sakto yung sagot sa tanong ( Natawang sabi nito )

Shana Michaela: ( Ngumiti ito ) Nga pala may gusto akong sabihin sa inyo seryoso na ito

Ray Toro: Ano naman yun ?

Shana Michaela: Salamat at pumayag kayong sumama dito kasi sa totoo lang masaya ako kapag kasama ko kayong apat ( ngumiti ito )

Gerard Way: Naku wala yun kami din naman masaya kapag kasama ka namin

Frank Iero: Tama si Gerard doon simula ng nakasama ka namin natuto kaming maging masaya

Mikey Way: At nag karoon din kami ng kaibigan na tinanggap kami kung sino at ano kami

Ray Toro: Baka nga dapat kami pa ang mag pasalamat sayo kasi ikaw lang kaya ang nag iisang maarte at makulit naming kaibigan

Shana Michaela: ( Ngumiti ito ) Oh sige na ayaw ko ng drama mamaya umiyak pa kayo dyan ( tumawa ito )

Ray Toro: Pero Shana Michaela totoo bang ayaw mong makilala yung ipapakilala sayo ?

Shana Michaela: Oo totoo yun pano naman kasi ayaw ko na nakikipag kaibigan sa mga anak ng business partner ni Papa alam nyo na puro mayayabang kapag mayaman

Frank Iero: Makapag salita ka dyan para kang hindi mayaman

Shana Michaela: ( Natawa ito sa sinabi ni Frank ) Pero sana lang talaga yung ipapakilala sa akin mamaya hindi makarating hehehe

Mikey Way: Ikaw talaga Shana Michaela pero sana nga

Gerard Way: Tama ka dyan Mikey para naman walang epal sa barkada bonding natin

Masaya ang naging biyahe nila papunta sa resort. Pero simula pa lang ng sabihin kagabi ng Papa ni Shana Michaela na may ipapakilala kay Shana Michaela na lalaki.

Hindi na maalis sa isip ni Mikey kung sino yung lalaking iyon at natatakot din siya na baka magustohan iyon ni Shana Michaela. Pero hindi niya ipininahahalata kay Shana Michaela at sa lahat na natatakot siya sa pwedeng mangyari sa pag punta nila sa Resort.

Born To Make You HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon