Chapter #25

11 4 45
                                    

Hindi pumasok si Frank dahil sa nakipag kita ito kay Shana Michaela sa isang Restaurant dahil hindi pwedeng umabsent si Ray kaya siya na ang nakipag usap kay Shana Michaela.

Restaurant

Shana Michaela: Oh Frank bakit gusto mo akong makausap dito ? pwede naman sa school na lang tayo mag usap

Frank Iero: Tinatamad din kasi akong pumasok kaya dito na lang tayo mag usap

Shana Michaela: Tungkol saan ba ang pag uusapan natin ?

Frank Iero: Tungkol sa problema ninyo ni Mikey

Shana Michaela: Bakit naniniwala ka din ba na ako ang may gawa nun ? ( huminga ito ng malalim ) Wala na tayong dapat pag usapan kung hindi ka maniniwala sa sasabihin ko

Frank Iero: Maniniwala ako sa sasabihin mo kaya nga ako andito para alamin ang katotohanan sayo

Shana Michaela: Katotohanan ?

Frank Iero: Oo sabi mo hindi ikaw ang nag message kay Mikey nung araw na yun. Kaya isa lang ang posibilidad na kasagutan sa nangyari nung araw na yun

Shana Michaela: Ano naman yun ?

Frank Iero: May nanghiram ba ng cellphone mo nung oras na nag hihintay ka sa school gate ?

Shana Michaela: ( Napaisip ito ng malalim )

Frank Iero: Ano Shana Michaela meron ba ?

Shana Michaela: Meron si Shasha Banks at si Baron Corbin. Bakit mo naman natanong yan ?

Frank Iero: Kung ganun pwedeng isa sa kanilang dalawa ang nag message kay Mikey nung oras na yun

Shana Michaela: Si Shasha Banks nag message siya kay Becky Lynch kasi nakita ko pa yung message niya nung binalik niya sa akin yung cellphone ko. Pero si Baron Corbin sabi niya mag memessage lang daw siya kay Miz kasi namatay yung cellphone niya pero wala akong nakitang message niya kay Miz nung binalik niya ang cellphone sa akin. Naisip ko baka binura na niya kasi usapan naman nila ni Miz yun kaya hindi big deal sa akin yun

Frank Iero: Kung ako ang tatanongin pag hihinalaan ko si Corbin dahil sa kasama siya ni Miz at palagi naman nilang inaaway si Mikey

Shana Michaela: Pero pano naman natin mapapatunayan na siya ang nag message tiyak hindi maniniwala si Mikey sa akin ( biglang nalungkot ito )

Frank Iero: Maniniwala yun dapat lang mapaliwanag natin sa kanya ito ng maayos

Shana Michaela: Paano ayaw na niya akong makausap pa

Frank Iero: May naisip akong paraan hindi ba mag aayos ka sa condominium mo sa Linggo ?

Shana Michaela: Oo pano mo nalaman yun ?

Frank Iero: Sinabi lang sa amin ni Ray pano kasi napansin niya yung message mo sa kanya tapos pinakita niya sa amin ni Gerard yun

Shana Michaela: Si Ray ang nag sabi na nag papatulong ako sa kanya ? at ano yung napasin niya ?

Frank Iero: Yung way kung paano ka mag message pano kasi ang arte mo mag message tapos yung natanggap namin sa cellphone ni Mikey ibang iba

Shana Michaela: ( napangiti ito ) maarte naman talaga ako pero alam mo naalala ko nung isang beses na nakulong ako sa isang kwarto ng school namin ni Ray dati nag message ako nun sa kanya tapos nung tinulungan niya ako sabi niya sa akin nasa kapahamakan na daw ako pero ang arte ko pa din mag message

Frank Iero: Alam mo nakatulong naman yang kaartehan mo pano kasi nalaman namin na hindi ikaw ang nag message nun

Shana Michaela: ( ngumiti ito )

Frank Iero: Nga pala bakit hindi ka pumasok ngayon dahil ba sinabi ko na mag kita tayo ?

Shana Michaela: Hindi ayaw ko lang pumasok kasi hindi naman ako papansinin ni Mikey

May biglang lumapit sa kanilang babae. Humawak sa balikat ni Frank ang babae kaya naman napatingin ito sa babae.

Frank Iero: ( Nanlaki ang mata nito ) Maryse Bakit ka andito ?

Maryse: ( Tumingin ito kay Shana Michaela ) So Frank sya na ba yung new girlfriend mo ngayon ?

Frank Iero: Hindi kaibigan ko lang siya isa pa kung mag kakaroon man ako ng new girlfriend wala ka na duon. Hindi ba sinabi mo tapos na tayong dalawa dahil mas mahal mo yung bago mo ngayon ?

Maryse: Oo sinabi ko nga yun sayo pero hindi ako pumunta dito dahil sayo. Hindi ko din naman ma aasahan na makikita kita dito. ( Mapang asar nitong sabi kay Frank )

Frank Iero: Bakit ka pa lumapit dito kung ganun ?

Maryse: Gusto ko lang makita ang kinalolokohang babae ni Miz ngayon ? ( tumingin ito kay Shana Michaela )

Frank Iero: Alam mo sagad din sa buto yang kalandian mo ?

Maryse: ( tinignan ng masama si Frank Iero ) Anong sabi mo ?

Shana Michaela: Sabi nya sagad daw sa buto ang kalandian mo ? Bingi ka ba ? ( nag rolled eye )

Maryse: Ikaw babae ka pwede bang tumigil ka nga sa pakiki alam sa usapan namin ng --- ( Hindi natapos ang sinasabi niya dahil sumabat si Frank )

Frank Iero: Exboyfriend mo kaya ngayon pa lang lumayas ka na dito nakakasira ka lang sa usapan naming dalawa

Maryse: Wow hindi ko akalain na ganyan ka na ngayon Frankie Baby dahil palagi ka lang naman nabubully dati pero nung naging girlfriend mo ako hindi na nangyayari sayo yun kasi dahil popular ako kaya wag kang mag yabang ngayon kasi pwede ka na ulit ma bully sa school tulad ng dati. Baka nga pati si Gerard masama pa kasi malapit siya sayo.

Frank Iero: ( napatiklop ng kamao ito ) Wag mo ngang idadamay ang kahit na sinong kaibigan ko ( inis na sabi nito )

Maryse: ( ngumiti ito ) Pinapa alala ko lang kung ano ang kalagayan mo nuong wala pa ako sa buhay mo. At ngayong wala na tayo baka naman nakakalimutan mong wag mag tapang tapangan

Shana Michaela: Bakit naman hindi siya magiging matapang ? Alam mo ikaw Maganda, Sexy, Mukhang Matalino, At tiyak Mayaman ka pero may isang wala sayo. Alam mo kung ano yun wala kasi akong makitang kagandahang asal sayo ( natawa ito matapos sabihin yun ) Pero Okay lang yan kasi alam mo madami ka namang katulad ewan ko nga lang kung bakit nagustuhan ka ni Frank ( Tumingin ito kay Frank )

Frank Iero: ( Napa ngiti na lang ito ) Sa totoo lang siya ang babaeng kapag gusto niya lalandiin niya mapasakanya lang

Shana Michaela: Oh talaga Frank grabe ka naman sa Ex mo ( tinignan mula ulo hanggang paa si Maryse ) Kung sa bagay hindi naman mapag kakaila sa kanyang itsura ang sinasabi mo

Maryse: ( Halata ang galit sa mukha nito ) Hoy babae porket kinababaliwan ka lang ni Miz mataas na ang ere mo. Baka hindi mo pa ako kilala

Shana Michaela: Hindi ko na gustong makilala ka pa kasi sa pangit ng ugali mo ayaw ko ng kilalanin ka pa. Alam mo mag kaestado lang tayo ng buhay mayaman din ako pero hindi pangit ang ugali ko at higit sa lahat hindi ako malandi ( ngumiti ito ) At sayo na si Miz kasi hindi ko type ang tulad niya isa pa bagay kayo kasi parehas kayo ng ugali

Frank Iero: Alam mo Shana Michaela buti pa umalis na tayo dito

Shana Michaela: Buti pa nga para naman makalanghap tayo ng sariwang hangin kesa sa polluted na hanging nakapasok sa restaurant na ito

Umalis na si Shana Michaela at Frank Iero at naiwan naman si Maryse sa restaurant na galit na galit kay Shana Michaela.

Maryse: Humanda ka sa akin Shana Michaela ( pabulong nitong sabi )

Born To Make You HappyWhere stories live. Discover now