"Merong reunion this week." Biglang sabi ni Alex habang binubutones niya ang kanyang long sleeve na damit na naka harap sa salamin, dahil papasok na siya sa trabaho.

"Itong week?" Tanong ni Nathalie habang naka upo sa kama ni Alex.

"Oo, bukas na yun."

"Bukas na? Sasama ka?"

"Kailangan kong pumunta."

"Nandun din si Maya?" Tanong ni Nathalie na medyo iba ang tono ng salita niya. Yung tono na nag-aalala dahil baka magka-mabutihan ulit silang dalawa at magkabalikan.

Agad namang nahalata ni Alex ang tono ng salita ni Nathalie, kaya naman agad siyang humarap dito at nilambing.

"Wag ka mag-alala... kahit na andun ako, ikaw pa rin naman ang nasa isip ko."

Ngunit hindi nagsasalita si Nathalie.

"Wag ka na mag tampo... saglit lang naman yun eh."

Gustong gusto alokin ni Alex si Nathalie na sumama siya sa reunion, pero ayaw na ni Alex ang makita pang muli ni Nathalie ang mga taong nanakit sa kanya. Hanggang sa... "sasama 'ko." Biglang sabi ni Nathalie.

Nagulat si Alex.

"Pero, Nathalie--"

"Bakit hindi? Sasama 'ko sayo sa ayaw at sa gusto mo."

Tinabihan ni Alex si Nathalie sa kama at kinausap ito.

"Gusto rin naman kitang isama dun... kaso-­-"

"Kaso ano?"

"Ayaw ko nang banggit banggitin ang mga pangalan nila."

"Andun sina Vernon at Brent? Yun ba? Hindi na 'ko natatakot sa kanila. Kaya isama mo na 'ko."

"Pero, Nathalie. Hindi pwede."

"Diba sabi mo required as if na graded yung pagpunta sa reunion? Bakit hindi mo 'ko isama?"

Napabuntong hininga si Alex at sinabing, "Nathalie, gusto kitang isama, pinoprotektahan lang kita."

"Pinoprotektahan o kinakahiya?" Pagkasabi niya nun, tumayo siya palayo kay Alex, pero nahawakan siya nito agad sa isang braso niya.

Tumayo si Alex at hinarap si Nathalie.

"Hindi ko na gagawin yung tulad ng dati." Sabi ni Alex. "Tsaka kaya kita hindi niyayaya, kasi baka ma-offend ka. Baka sabihin mo wala akong pakielam sa nararamdaman mo, kagaya ng dati." Dagdag niya.

Pagkasabi ni Alex nun, nagbago na agad ang pag-iisip ni Nathalie na dumating sa puntong naiintindihan na niya si Alex.

Natandaan din niya nung nabanggit ni Alex ang tungkol sa reunion kung saka-sakaling meron nga, may pumasok sa isipan niya na parang nahihibang na si Alex dahil alam naman na kung sino sino ang mga dadalo. At ngayon, gusto na niyang sumama.

"Ganun ba? Pero, gusto ko na talagang sumama sayo eh." Sabi ni Nathalie.

"Bakit? Kasi ba andun si Maya?" Tanong ni Alex.

Tumingin si Nathalie kay Alex na parang nahihiya at nagsasabing tama ang hinala ni Alex.

Tumango si Nathalie ng walang sinasabi.

"Matagal na kaming wala nun. Mag kaibigan na lang kami."

Hindi pa rin sumasagot si Nathalie, hanggang sa hindi na napigilan ni Alex ang pumayag na isama siya kahit na magiging buwis buhay ito.

"Sige na nga... pero kung uurong ka, sabihin mo lang agad." Sabi ni Alex.

Sa tuwa ni Nathalie, nag bigay siya ng maliit na ngiti kay Alex, at bukas, mag kasama na silang dalawa sa reunion. Samantala, hindi niya maintindihan si Nathalie kung bakit bigla niyang naisipan ang sumama. Ang buong akala kasi niya, takot pa rin itong humarap sa mga tao, lalo na sa mga nanakit sa kanya. Pero kung saan magiging masaya si Nathalie, magiging masaya na rin si Alex dun.


----------------------------------------------------------------

Thanks for reading my story, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you. ^_^

You can now proceed to the next Chapter. :)

The End of Usजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें