"What a weirdo."

Parang narinig niya ang sinabi ni Hyacinth dahil huminto siya sa ginagawa at tumayo ng maayos. Gaya ng huli naming pagkikita, medyo magulo ang buhok niya at may gusoy ang polo sa ibabaw ng itim na sando.

"Bes, narinig ka ata. Shet!"

Matalas ang tingin niya sa direksyon namin na nagpanginig sa'kin dahil sa sobrang lamig ng mga yon. Umarko lang ang kilay ni Hyacinth habang si Mimi naman ay nag-iwas ng tingin.

Ano bang meron sa kanya?

Napahinto ako sa paghinga nang tumingin siya sakin. Diretso lang ang tingin namin sa isa't isa at para akong naestatwa nang humakbang ang paa niya at nagsimulang maglakad papalapit.

Syete! Papalapit siya sa'kin? Anong ginawa ko?

Napahawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko habang papalapit siya. Bigla itong huminto nang may humawak sa braso niya.

"Seven." malamig niyang tinignan ang lalaking nakasalamin na hawak siya.

Nakangiti ito sa kanya at sa palagay ko sanay na siya sa ugaling yon ni Seven. He gave us one final look before turning his heels around and walked away. Don ko lang napakawalan ang hiningang kanina ko pa pigil.

Ngumiti sa'min ung lalaking nakasalamin bago sumunod.

Syete! Anong nangyayari sakin.

"Freak." Hyacinth spat nang makaalis ito.

"Tigilan mo nga yan, Bes. Baka ikaw ang magulpi niyan sa susunod."

"I'm not scared of him, Mimi. He should be thankful that Oliver befriended him kahit na alalay lang siya nito. Let's go na nga."

Nauna silang umalis pero nakatingin parin ako sa direksyon niya kanina.

👿😈👿😈

I just changed my clothes at home then walked two streets away. Maswerte ako at nakakuha agad ako ng trabaho sa isang convenient store. 4-11 pm ang shift ko kaya swak talaga sa schedule sa university. Ang galing diba?

Highschool palang ako nagtratrabaho na dahil nga mahirap lang kami. Umiwu sa Cebu ang mga magulang ko kasama ng 3 kong kapatid at doon nalang nag-aral. Ako naman nagpaiwan nung kasi gusto kong magcollege dito.

So far so good ang buhay ko. Nakapagpapadala din ako ng pera kayla mama kahit 3-5K lang.

Sinuot ko ang maroon at cream na uniform ko kasama ng itim na slacks at lumabas ng staff room.

"Ako na mag-i-stack nito." Sabi ko kay Ricky, kasamahan ko.

Ano kayang masarap na hapunan mamaya? Syempre delata na naman.

Kusang gumagalaw ang katawan ko habang natatawa lang ako sa mga naiisip ko. Nasa canned goods kasi ako at sa tagal kong mag-isa, halos ito na ang mga kinakain ko. Kapagod kasing magluto eh pero marunong naman ako.

Napalingon ako sa counter nang tumunog ang service bell. May nakapila.

Asan ba si Ricky?

Bumuntong hininga ako at pumunta sa counter.

"Five pesos po."

Napasinghap ako nang makita ang hindi inaasahang tao. It was him. The one I felt that everybody hates. Si Seven.

Walang emosyon niyang binigay sakin ang dinukot na isang libo sa pitaka.

"W-wala po ba kayong barya?" Napatikhim ako dahil sa garalgal ng boses ko. Tumaas ang kilay niya.

"We go to the same school, right?" His baritone voice sent shivers down to my spine.

"A-ah... Eh... Oo." Umayos ka nga! Bakit ka nauutal? Syete ka.

"It's Seven not syete." Kunot noong sabi niya.

Ha?

Bigla akong napatakip sa bibig ko at napasinghap nang mapansing lumabas sa bibig ang huling inisip ko.

"S-sorry po, sir." Umangat ang gilid ng mga labi niya habang kinakapa ang bulsa na nagpainit ng mukha ko. Suot parin niya ang uniform ng uni.

"I told you it's, Seven. Get it right, Maro." Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Alam kong parang kamatis na ang mukha ko sa hiya.

Seven- I mean syete naman... Pano niya nalaman ang pangalan ko. Gosh!

"But of course those bitches told you who I am, right? Did they tell you how bad I was and other stuff? Of course they did. Are you also scared at or hate me, Maro?"

He said with hatred before searching inside his wallet and his bag. Napatingin agad ako sa mga labi niyang kagat kagat niya. Syete! Ang pula na. Ilang bese kaya niyang kinagat yon?

Bigla akong kinabahan at hindi ko alam kung bakit.

"Here." Inilapag ko ang limam piso na kinuha ko sa bulsa at itinulak papalapit sa kanya. "It fell."

Ngumiti ako sa kanya matapos gamitin ang mga salitang ginamit niya noong una kaming magkita. Pabalik balik ang tingin niya sa limam piso at sakin.

"Naiintriga siguro pero hindi ako takot o galit sa'yo." I said truthfully.

Siguro nga galit at takot ang iba sa kanya pero wala akong dahilan para ganun din ang maramdaman ko sa kanya. He was intimidating with his cold aura pero un lang yon. I was not afraid nor mad.

Pero bakit kaya ganun ang tingin ng iba sa kanya? Anong ginawa niya?

Huminto ang tingin niya sa'kin na nagpailang sakin dahil sa sobrang seryoso then something stirred in me nang masilayan ang sandaling ngiti niya.

Iba ito sa ngiting nakita ko kanina because it was genuine. Mabilis lang yon bago niya pinadausdos ang barya pabalik but I was sure it was there. Napangiti ako ng malawak.

Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang customer sa likod niya na naiinip kaya ibinalik ko sa kanya ang isang libo at yung chocolate flavored lollipop.

"Salamat po. Balik po kayo, si-" tumalim ang mga tingin niya. "S-Seven."

Inayos niya ang buhok niya. He brushed them forward like he was trying to hide his eyes with them that only reached above his brows before taking his money and lollipop. Ang cute niya.

Sandaling dumikit ang kamay niya sa'kin. Gaya ng ngiti niya, saglit lang yon pero ramdam ko ang init ang gaspang ng kamay niya. I wanted to touch him more. To feel him.

Itigil mo yang kabaliwan mo, Maro! Nakakahiya ka!

Pagkakuha niya ay nagdire diretso na itong umalis. May parte sa loob ko na humihiling na sana tumingin siya pabalik pero hindi ito nangyari.

The Good Between BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon