Umupo ako sa ilalim ng puno. Hindi ko na alam kung ilang oras na ang lumipas mula nang magsimula ang laban. Kumunot ang noo ko nang may mapansin sa gilid ng puno. Akala ko ay nagkamali ako but I was right! It's a bottled water. Tamang-tama dahil uhaw na uhaw na ako.

Pinulot ko 'yon at binuksan. Ngunit bago ininom ay inamoy ko muna at pinatakan ang munting halaman sa tabi. At nang makasiguro na wala iyon na kung ano man na lason ay tuloy-tuloy ko nang nilagok ang tubig sa loob noon. Napapikit ako sa paglapat ng malamig na tubig sa aking lalamunan. I suddenly feel refreshed.

Sinadya yata ito ng akademya para sa mga estudyante na naglalaban dito sa loob. Hindi sigurado kung kailan matatapos ang event na 'to and it's good to know that there are some supplies here inside. Matapos makapagpahinga sandali ay tumayo na ako para magpatuloy. This will be really a long day.

Habang naglalakad ay mas pinaigting ko ang pakikiramdam sa paligid. Hindi ko alam kung kailan may susugod. Maaaring nasa likod ko lamang sila at naghihintay ng tamang tiyempo. Kinabahan ako nang makita sa hindi kalayuan ang pamilyar na bulto. Our eyes met, nanlaki rin ang kaniyang mata. Mabilis siyang lumapit sa 'kin samantalang ako ay natuod.

"Eirian," she greeted.

"Elene," I uttered. Ngumiti siya at niyakap ako. Pagkatapos ay tinapik niya ako sa balikat at kumapit sa braso ko.

"We will not fight, of course. Sabay tayong tutungo sa stage ng susunod na mga Plus Élévee," kinindatan niya ako at ngumiti nang mas matamis. "Friendship goals natin," she laughed. Nakahinga ako nang maluwag.

Sa panahon na 'to, iniiwasan ko na makasalubong ang mga kaibigan ko. The least thing I want to happen is to hurt them. Ayokong magkakasakitan kami para sa ganitong bagay. Kung nagkataon, I'm willing to give my ring on them at hindi na ako lalaban pa. And it's good and a relief to know that Elene doesn't want to fight with me, too.

"Tara!" saad niya. Ngumiti ako at sumunod sa kaniya sa paglalakad. Hindi ko mapigilang punahin ang pagdalang ng mga estudyante na nakakasalubong namin. Kanina lang ay sunod-sunod ngunit ngayon ay wala na.

"Nasaan kaya ang stage para sa mga susunod na Plus Élévee?" Elene asked curiously. Hindi ako umimik dahil hindi ko rin naman alam ang dapat ko na isagot, hindi ko rin alam kung nasaan banda ang lugar na 'yon.

"Sana makasalubong ko si Xiela 'the feeling bitch'! Inaagawan ako ng korona no'n, e. I'll really fight her, sisirain ko rin ang nakakairita noong mukha," gigil na gigil si Elene habang sinasabi 'yon. I chuckled. Sinulyapan niya ako at sinimangutan.

"Bakit?" Nakanguso niyang tanong.

"Pikon ka talaga sa kaniya?" Natatawa kong saad. She nodded quickly.

"Yah! Boba naman 'yon, e. Ayoko talaga sa kaniya. Nakakainis 'yung aura niya tapos akala mo laging magaling! Eh hindi naman. Alam mo 'yung feeling na hindi ka naman niya pinapakialaman pero inis ka sa kaniya. Ganoon 'yung nararamdaman ko nang unang beses ko siyang nakita. Naguilty nga ako noon, e. Pero days passed, deserve niya pala 'yung inis ko at galit sa kaniya. Sama ng ugali! Pwe! Akala mo kung sinong santa, perfect at mabait. May gusto 'yon kay Greg!" aniya. Napangiti ako at napailing. She frowned deeper.

"Oh? Nakangiti ka pa?" Inismiran niya ako at muli siyang ngumuso.

"Alam ko naman na may gusto siya kay Greg," simpleng saad ko. Nanlaki ang mata niya.

"Weh? Weeeeeh? Bakit wala kang ginagawa?" Nanlalaki pa ang mata niya at umawang ang labi. I chuckled on her cute reaction.

"Wala naman siyang ginagawang masama, e. Hindi naman niya nilalandi si Greg. At kung sakali na mangyari 'yon, nasa kay Greg na lang 'yon kung papatol siya," mahinahon kong saad. I do believe on Greg. I trust him so much. Sa mga pinagdaanan naman ay natutunan ko na 'yon.

Angst Academy: His QueenWhere stories live. Discover now