Chapter 36

187K 6K 488
                                    

Her POV

Nagising ako dahil sa marahan na paggalaw ng sasakyan. Kinusot ko ang mata ko saka tumingin sa paligid. Sementado ang daan na tinatahak namin ngunit may ilang mga bato na nakakalat kaya naging medyo magalaw ang byahe. Mapuno at masukal ang mga nakikita ko sa gilid ng daanan.

Nilingon ko si Lord Valentino na tahimik na pinapanood ang dinaraanan namin. Pinasadahan ko ang buhok at bumaling sa kaniya.

"Sir.." I called him out. He looked on my place and frowned afterwards.

"What did you call me, sweetheart? Sir?" He asked amusedly. Kinagat ko ang labi at pilit na ngumiti. Medyo umusog siya palapit sa akin then he tapped my head.

"Sweetheart, I know this is a big change for you. But I'm dying to be called father by you. Can you grant that, sweetheart? Daddy, that's what I want you to call me," he asked gently while caressing my face. His eyes were tender and gentle while staring at me. Napalunok ako at tumango.

"Sorry po, Daddy," saad ko. Halos mautal pa ako sa pagbigkas. He smiled widely and tucked my hair at the back of my ear.

"That's better, sweetheart. Malapit na tayo. Wait, are you hungry already?" He asked. Nahihiya akong tumango. Inabot niya ang isang maliit na paper bag sa tabi at kinuha ang sandwich do'n.

"That young man gave me this. He said it's your favorite. Tuna spread." Nakangiti niyang saad at inabot sa akin iyon.

My heart beat fast again as if alam nito kung sino ang tinutukoy ng aking ama.

"S-si Greg po?" Tanong ko. Lumaki ang ngiti niya at tumango. His eyes and smile are teasing while staring at me.

"Yeah. That Monteverde kid. It seems like he's head over heels to you, huh?" He said. Uminit ang pisngi ko at nagsimulang kumain.

"Hindi po," sagot ko. Pinanood niya ako sa pagkain. Kumislap ang mata niya na tila may naalala.

"You're really like her, Agape. In many things." He murmured. Napatingin ako sa kaniya habang ngumunguya.

"Sino po?" I asked. Umayos siya ng upo na parang naghahanda sa pagkwento.

"Your Mom," saad niya. Kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Natigil ako at natulala sa kaniya. He knows my Mom? Of course he's my father! Pero kasama ba niya si Mama?

"She likes tuna spread, too. Pineapple juice and your other favorite things. Ang ugali niyo, ang pagkilos, parehong-pareho kayo. But except to your eyes."

Tinanggap ko ang plastic bottle na may pineapple juice at pilit na ipinakalma ang sarili. Itinigil ko ang pagkain at tumingin nang mariin sa kaniya. I want to hear more. I want to know more about her.

"Your innocence like a baby, ganiyan na ganiyan siya. Paraan ng pagsasalita, mabagal maka-pick up but still intelligent. Your goddess-like beauty. You two are unique on your own way. And it's funny how you look exactly like her. Except her light brown eyes."

Uminit ang sulok ng mata ko. Tulala siya habang nagsasalita na parang inaalala niya ang lahat. Napangiti ako at humilig sa kaniyang balikat. I heard his low chuckle.

"Ah, and your sweetness. Ganiyan siya, napakalambing. That's why everyone loves her," he added.

"Ano po ang pangalan niya? Tsaka nasaan po siya? Nasa bahay na rin po ba na pupuntahan natin?" I asked.

"Her name is Almary. Alma means soul. But... but she's already gone."

Tuluyang umalpas ang luha mula sa aking mata. Ang sakit ng pakiramdam ko. Kahit hindi ko alam kung sino siya sa personal, hindi ko siya nakilala, masakit pa rin pala na malaman na patay na siya. Kasi kahit may tampo ako sa kaniya, gusto ko pa rin siyang makasama. I still want to be with her, I want to feel her touch and care.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon