Chapter 45

154K 5K 1.3K
                                    

Her POV

"Really?" He said with a tone of sarcasm. Parang piniga ang puso ko habang nakatingin sa mukha niya na malamig ang ekspresyon, ngunit sumisilip doon ang sakit.

"G-greg.." I muttered and closed my eyes tightly. Huminga ako nang malalim at muli siyang sinulyapan.

"I- I need to go, I'm sorry. It's my father's request," mahina kong bulong. Siya naman ang suminghap at tumingala. Kapagkuwan ay hinilamos niya ng palad ang kaniyang mukha at pilit ang ngiti na tumingin sa 'kin.

"Okay, okay. Just a vacation, right? And why the hell you're with this guy?" saad niya sa bahagyang nanginginig na boses at tinuro pa niya si Lyndon na nakasandal sa pintuan habang magka-krus ang kaniyang braso sa tapat ng dibdib. Ngumisi siya sa sinabi ni Greg.

Kumurap ako nang ilang ulit para pigilan ang luhang nagbabadya.

"He's my father's orphan, though they don't have the same surname. And... I'm sorry Greg," sagot ko. Napalis ang kaniyang ngiti kaya umiwas ako ng tingin.

"Why sorry?" He asked again with a nervous voice.

"I'm not leaving for vacation. M-matatagalan kami." My voice shook a little lalo na nang marahas siyang suminghap ng hangin.

Matalim niya akong tinitigan at pakiramdam ko ay matutunaw ako. His eyes are full of pain and anger. Namula ang mata niya at para akong dinurog nang makita ang namumuo na luha sa gilid noon.

"Y-you know, I need you right now, kitten. Can't you just please stay here. Papayag naman ako na umalis ka, e. Pero sana, hindi ngayon. Fuck, not now that I need you the most and please don't be gone for too long." I can hear the desperation on his voice.

"Drama." Sinamaan ko ng tingin si Lyndon. He just arched his brow at tumalikod sa gawi namin. Sinulyapan ko si Greg na nagmamakaawa ang mata habang nakatingin.

Nanghina ang tuhod ko nang humakbang siya palapit sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. He buried his face on my chest while hugging me tightly.

"Please, kitten. Don't leave me," he murmured. Napatingala ako at umalpas ang luha mula sa mata ko.

Nanghihina ako sa sakit na nararamdaman. It's directly piercing on my heart. It is an intense pain, na halos magmakaawa siya sa akin. Parang gusto ko na lang humagulhol sa iyak nang umalog ang balikat niya.

"Please, please. I'm so tired baby, and you're my comfort. I can't bear moments without you," he murmured with his shaky voice.

Ayoko na. Ayokong umalis, lalo na dahil kay Greg. Ang hirap na iwanan siya sa ganitong sitwasyon. I just want to be with him and forget everything. But I remember, Papa. He needs me too. Kailangan na kailangan niya ako. I can't just back out because I'll break his heart.

It is hard to choose between the two men of my life. Kahit sino sa kanila ang piliin ko, may masasaktan pa rin akong isa. At kailangan na isa lang ang piliin ko.

Pinigil ko ang hikbi at kinusot ang mata. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin but he tightened it. Lalo akong nasasaktan sa kinikilos niya but I already decided.

"No.." He murmured. Huminga ako nang malalim at pilit siyang pinaalis sa 'kin. Nang maghiwalay na kami ay puno ng sakit ang mga mata niya. I gulped and made my face straight.

"I... I need to go," namamaos kong saad. Iniwas ko ang tingin at dahan-dahang humakbang.

Natigil ako nang magsalita siya, "Really... you can leave me?" He coldly said. I can't but I must.

"N-ngayon lang naman, e," bulong ko.

"Ngayon na kailangan kita?" His voice is now full of hatred. And it hurts, a lot. Parang tinusok ang puso ko sa talas ng kaniyang salita.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon