Chapter 2

266K 7.7K 646
                                    

Her POV

"Don't worry Lady Lopez. That's a boarding school. And since you're scholar, libre na ang lahat. Wala kang gagastusin, dahil kahit allowance sila na ang bahala. Don't you like it, Lady Agape? Minsan lang 'to. And that's the most prestigious University here in the Philippines, and one of the best in the world. Think about it dahil next week na ang start ng class do'n. Kaya kailangan mo ng pumunta ng mas maaga," Dr. Atienza told me.

Napabuntong-hininga ako habang tulala na nakatingin sa kawalan. Ano pa ba ang problema mo, Eirian? Libre na ang lahat. Wala na akong problema. Unlike sa Best University, kapag natapos ako ng Senior, apply na naman ako ng scholarship para sa college. Sa offer na binigay sa akin, diretso na. Libre na ang lahat.

"Ate Agape! Kain na ako."

Napatingin ako sa tumatakbong papasok sa kwarto ko na si Ella. Ngumuso ito sa akin at nagpapa-cute. Pinagmasdan ko siya, at napagtanto ang isa sa dahilan kung bakit nag-aalangan akong tanggapin ang offer.

Dahil sa pamilyang ito. Dahil kay Ella, dahil kina Tita. Mananatili ako sa paaralan na 'yon, since boarding school. At nabasa ko na sa ibang details na minsan lamang sa isang taon nakalalabas ang mga estudyante sa paaralan na iyon. Kapag sembreak at iba pa.

Ganoon naman talaga kapag boarding school. So, ibig sabihin minsan ko lang makikita ang pamilyang kinalakihan ko.

"Halika na, ipaghahanda na kita ng pagkain," marahan na saad ko.

Hinawakan ko siya sa balikat at iginiya palabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng dalawang plato at nagsandok ng kanin. Nilagay ko iyon sa lamesa at naglagay ng ulam.

"Kain na tayo," saad ko. Ngumiti si Ella at maganang kumain.

Masaya ako dahil malapit siya sa akin. At kung aalis ako dito para mag-aral, sigurado akong malulungkot at ma-mimiss ko sila.

Kahit hindi naman ako dapat responsibilidad nina Tita, pinalaki pa rin nila ako nang maayos. Hindi tulad ng mga madalas na nangyayari, na inaapi at kinakawawa ang mga ulila, mahal na mahal ako nina Tita. Alagang-alaga. Kaya hindi ako kulang sa pagmamahal. Tulong-tulong kami. Gusto ko man mag-trabaho, hindi pumapayag si Tita. Aniya, kaya naman nila ako buhayin ni Tito. At tama na ang pagtulong ko sa mga gawaing bahay.

Kaya napaka-swerte ko sa kanila.

"Hayop ka Alvin! Anong ginawa mo? Tinaya mo ang titulo ng bahay? Hayop ka, paano mo iyon nagawa!"

Napatayo ako nang biglang pumasok si Tita at Tito nang nagsisigawan.

Halos napatalon din si Ella sa pagkabigla. Nabigla ako nang makita ang lumuluha na mukha ni Tita. Bakas ang galit at sakit dito. Lumapit si Tito sa kan'ya at akmang hahawakan ng itulak siya nito.

"Mahal na ma--" Sinampal siya ni Tita.

"Tumigil ka. Kaya pala, kaya pala parang balisa ka! Sa sobrang sugarol mo, pati titulo ng bahay, isinugal mo! Alam mo namang hindi madali ang buhay! Swerte na nga tayo dahil may sarili tayong bahay, bawas gastusin na. Kesa umupa tayo. Pero ano?! Bigay na nga ito sa akin nila Mama at Papa. Kaya wala kang karapatan, hayop ka!" humagulhol si Tita at tuluyan ng napaupo. Hinilamos naman ni Tito ang mukha niya. They both look frustrated.

"Nanay! Tatay!" Umiyak si Ella.

Siguro dahil natatakot. Kahit kailan kasi ay hindi pa nag-away nang ganito sila Tita. Yumakap sa akin ang limang taon na si Ella kaya agad ko siyang inalo. Hindi ko na sinubukan pang mangialam dahil away mag-asawa ito.

"Tapos ano Alvin? Pinatalo mo? Walang kwenta naman yang sugal na iyan eh! May napala ka ba?" Sigaw ni Tita.

"Pero ang bakanteng lote ni Norman ang tinaya niya, kaya naging interesado ako. Naisip ko na malaki ang maitutulong no'n," mahinahong saad ni Tito.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon