Chapter 43

156K 5.2K 632
                                    

Her POV

May umalpas na mga luha mula sa mata ko habang nakatingin sa kaniya. After everything that happened to me, pagod na pagod na ako. Ang utak ko, ang katawan ko at ang puso ko. And this time, dinurog na naman ang puso ko. Ilang beses ko pa ba mararanasan 'to? Ilang beses pa ba akong masasaktan nang ganito?

"Really? You can do that?" nanghihinang tanong ko. Tumango siya at tuluyan nang namanhid ang puso ko. Tumayo lang ako nang walang kibo at nakatingin sa kaniya. I'm just tired, damn tired of all these shits and everything. Meron pa bang susunod? And I doubt if I can still face it.

"Yes, you killed my father Eirian. You killed him." Puno ng galit ang boses niya. Sa bawat diin ay nanginginig, nagniningas sa labis na pagkasuklam. And it injects too much pain on my heart, turning it into pieces.

"Calixto? Your father is Calixto?" I asked and shot my brow up. Ngumisi siya at humakbang pa hanggang ilang pulgada na lang ang layo nito mula sa noo ko.

"Yes, hindi ka nagkakamali," saad niya.

Nawala ang ngisi niya nang may kumalabog. Hindi rin ako kumilos at hinintay ang susunod na mangyayari.

"Eirian girl! Where are you!" Narinig ko ang tinig ni Clarence mula sa labas. Napatingin ako sa may pinto at nag-aalangan kung magsasalita o hindi. Ngunit bago ko pa man makuha ang sagot ay tinutok niya sa bibig ko ang baril, nagbabanta na kapag bumukas nang kahit kaunti, ay hindi siya mag-aalinlangan na paputukin iyon.

"Baka lumabas na." Narinig kong tinig pa ng isa. Tinitigan ko siya sa mata hanggang sa marinig ang muling kalabog palatandaan na sinara na ang main door. She smiled devilishly at bahagyang lumayo sa 'kin.

"Very good," aniya. I smirked back na mukhang ikinabigla niya. I fold my arm in front of my chest and stared at her.

"I didn't do that because I'm afraid that you might shot me. I've been into worst, at hindi na ako natatakot sa kamatayan. Kaya ginawa ko 'yon, dahil ayokong malaman nila na narito tayo at mabibigo... masasaktan din sila na makita na ang tinuturing nilang kaibigan ay traydor," matigas kong utas. Kahit ang totoo, hinang-hina na ako.

Isa sa masakit na bagay sa mundo na 'to ay ma-traydor ng pinagkatiwalaan mo at tinuring mong kaibigan. Hindi ako makapaniwala na kaya niyang gawin ito, na tututukan niya ako ng baril ngayon. Pinigil ko ang luha at pilit na pinatatag ang sarili.

Ano pa ang sunod na mangyayari? O baka hindi ko na malalaman dahil mamamatay na ako. It is another heart break, seeing your so-called friend pointing a gun towards you. It hurts to see through her eyes that she wants you dead.

I stared on her beautiful face. Her beautiful face na malaki ang pagkakahawig sa mga imahe ni Mama Mary na nagkalat sa paligid. Her beautiful face that is now burning with fire of rage and hatred.

"I didn't kill him," saad ko at mariin pa rin siyang tinitigan. Kinuyom ko ang kamao habang pinagmamasdan siya. The lady who used to protect me wants to kill me now, "But him, he tried to kill me. He killed my father, Elene. He killed my Daddy Valentino and it's equivalent on killing the half of me." My voice shook and another tear escaped from my eyes again. Kumurap siya at namuo ang luha sa mata.

"He's not your father, Eirian! At huwag kang magsinungaling sa 'kin. Pinatay mo siya!" She pushed the end of the gun towards me at nanginginig ang boses niya sa galit. Mariin akong umiling at kinusot ang mata.

"Stop it, Elene. Kahit hindi ko tatay si Valentino, mahal ko siya. Because he showed nothing but love and care to me. He's a loving father. And remember this, I didn't kill him. Because before I can even do, may nauna na sa akin," saad ko. Nanlaki ang mata ko nang kalabitin niya ang trigger.

Angst Academy: His QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon